Skip to main content

TV or not TV

NO longer a question for my old geezer mom who tuned in to “radio gaga, radio ka-ka, radio blah-blah” back then… she reasoned that the noise box don’t demand you to stay off household chores to get an earful. You can still keep busy and get things done.

Too, newscasters Harry Gasser and Angelo Castro are no longer around, you’ve got to have a cast-iron tummy to tough through execrable timbre and tenor of voices spouted by the likes of… uh, they’re handsomely paid for such hideous ear-wrenching blabber… networks putting money where the mouth is but golf clubs, irons would do, ought to be used more often in putting, preferably whacking their mouths… or braining ‘em.

Kahit kasuka-suka’t kasuklam-suklam man ang tilaok, busina o ilandang ng halitosis nina, uh, dapat maging asero talaga ang sikmura.

Kaya mas mahihilig sa panonood ng ninenok.

Napanood ang “Kinatay” nina
Bing Lao at Brillante Mendoza, and it pointed up impressions of evil as dim, drab, dingy, so banal and threadbare.

Gano’n din ang umukit sa isip nang mapanood ang “Virgin Forest”—bigay ng Dennis Fetalino ang kopya-- nina Uro de la Cruz at Peque Gallaga… warm bodies and dead bodies can be desecrated like nobody’s business.

Nakahugot sa Internet ang isa kong anak ng pelikulang sinawsawan ni John Woo, “Jianyu, Jianghu” (Swords and Rain, Rivers and Lakes… Reign of Assassins) nina Gu Long, Su Chao-pin… alam ng anak na mahilig ako sa ballet, sa mga kuntil-butil ng disenyo ng mga kagamitan at likhang anyo sa paligid, pati matatawag na sprung rhythm ng wikang Cantonese.

Sa kuwento, pinag-aagawan ang kinatay na labi ni Bodhidharma, monghe mula India na nagpakilala ng qigong sa China… samut-saring sining ng pakikihamok ang nahalaw mula qigong, paraan ng taimtim na paghinga at pagsisinop sa daloy ng qi or life force sa mga panloob na bahagi ng katawan… apparently, the monk knew nurturing of stem cells to regenerate dismembered body parts.

Namumutiktik sa kasistehan ang obra, kaya madalas napapahagalpak ng halakhak… even the assassin who uses poisoned needles went to lengths turning up noodles for excellent eating quality, such passion for culinary craft…

At bawat tauhan sa kuwento, may gawaing sinisinop… walang batugan… walang nakatunganga’t walang magawa.

Pero matindi ang hirit kontra karahasan… kahit magagap ang lihim na paraan sa pagsisinop ng katawan ni
Bodhidharma, habambuhay na mananatiling walang silbing tao kung pulos karahasan ang nasa puso… why, an Egyptian grimoire relates how a person’s heart— entire life including—is measured against a feather, uh, a heart suffused with light is worth a treasure, it turns out.

Magaan sa dibdib na panoorin ‘to, payak na pagdiriwang sa bawat gawaing pangkabuhayan, maringal na pagdiriwang sa makabuluhang pamumuhay… at may indak ng mahinahong sayaw kahit pagsuong sa buhay at kamatayan.

Just like my old geezer mom who applies herself to workaday tasks and turns up more alive and light-hearted.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...