GINAGAMIT—ginagamot din—ng mga salita ang gumagamit sa mga ito. Gamit na, gamot pa.
The choice of words reflects a chosen culture—“and everything that goes with it,” paglilinaw ng isang kaututang-dila sa Facebook.
Heto nga. Sa halip na panata o pangilin, pinili ang kataga na ang katuturan ay nakabatay sa pagiging bihasa sa ilang sining tanggulan—aikido, iaido, kobudo, karatedo…
Baka may “pata” (mabilis ang bigkas na tumuturol sa pagpapagal, pagpapagod) sa panata. Tiyak na may nagkukubling “pangil” sa pangilin.
Lubusang ibabangon, ilalantad ng misogi harai ang pagpapagal—hindi pagbagal kundi masinsinang pagsisinop sa pinagsanayan. Lalantad pati ikinukubling pangil.
Now, culture—usually agar from seaweed plus protein extract from beef-- is a brew of nutrients on which microorganisms can feed, move, live and thrive in. Ganoon din ang pakinabang o silbi ng kultura—mas malinamnam lasapin sa isipan ang “kalinangan” mula “linang” or field of growth and activity-- sa lipunan.
Mas masalimuot na yata ang lipunan at umiiral na kalinangan. Kaya isinilang… at isinalang ang nulture—a fusion of nurture and culture, pinagsanib na kinamulatang gawi at ang piniling gawaing paglilinang pansarili. Kani-kaniyang diskarte sa pamumuhay.
Minsan santaon kung magdaos ako ng misogi harai… it’s a pilgrimage of sorts to reacquaint the spirit with the underlying elemental forces that go into the martial skills and ways one has taken up and taken to as a way of life.
It’s going back to one’s roots—nice to find out how deep and how far such roots of being went. Uurong para lalo pang sumulong. Sa dulo ng urong-sulong ang kasukdulan ng orgasmo. Ang hindi lumilingon sa pinanggalingan, nanlalata na ang katawan, hindi pa tinitigasan…
May banaag at sikat—sala’am at salamat po, Gat Lope K. Santos na isa sa mga ama ng balarila ng ating wika-- ng dharmadhyana (ch’an, zen) o hakbang ng diwa sa piniling landas… ‘yun ang nasa ubod ng misogi harai… mahahalungkat sa mga alamat na gawi ng bathala at kaliyag na bathaluman… na tinularan ng mga monghe’t ermitanyo na ang pinakasikat nga’y si Bodhidharma, Daruma o Ta Mo—na kapural ng qigong na nagluwal ng samut-saring sining… tai chi, kung fu, karatedo…
Nanghihiram tayo ng mga salita mula iba’t ibang wika… hindi lang parang pumitas ng matamis na bunga mula nakalaylay na sanga mula kabilang bakod… tiyak na taglay ng bunga ang katangian ng puno, pati na lupang tinubuan nito… sasalin ang kamandag o lamukot sa lalantak ng bunga…
Baka nga matapos lumantak, itatanim sa sariling bakuran ang binhi ng nilantakan… mula sa hiniram o sinikwat lang, may sisibol na pananim. Lalago. Mamumunga.
So words use us as we use words… we shape them, they shape us.
Still in pretty great shape here, dear.

Comments