Skip to main content

Isip-usap

GUMAWA ng saltik, isako ang napupulot na mga buto ng talisay… dalhin do’n sa dinayong tiwangwang na lupalop sa hangganan ng Rizal at Quezon… sa 2-3 araw na ilalagi para magpahinga, magpahangin, at kung anuman, ilaan ang maghapon sa pananaltik—sansakong buto ng talisay ang uubusing bala.

Himayin bawat yugto ng kislot sa pagsaltik… para maging high-intensity off-the-hip reverse punching… lunge punching… wrist-wrenching, arm-breaking exercises… keep a steady breathing rhythm… keep the mind still yet flowing into each movement until body-mind unity is attained.

O, Dennis Fetalino, Bobot Fradejas, Luke Ampil, Ella Gonzales… ano ang tawag sa gano’ng pambata o pampabata yatang paglilibang?

Una, reforestation by direct seeding… to nudge a grand grimace of emptiness to break into a grin of trees… to stand for that on which one stands.

Ikalawa, qigong…

Ikatlo, slingshot punching and arm-breaking techniques of choy li fut.

Ikaapat, centering for body-mind unity.

Simplicity packs manifold dimensions of attainments.


Ipinayo sa katoto sa tunggaan ang ganoong paraan para makapagpunla ng mga talisay sa tiwangwang na latag ng lupain sa isang bahagi ng Sierra Madre sa hangganan ng Rizal at Quezon.

Kung anu-anong kuntil-butil na paraan sa masinop na paghahalaman ang nabubungkal sa isipan at usapan. Kasabay ng tunggaan… in vino veritas. Mayroon naman palang matamang nakasubaybay, nakikinig na masinsinan sa ilandang ng isip-usap.

Recent findings show that meaningful conversations induce happiness and sound health… maybe more.

Kamukat-mukat nga, nasunggaban at nahirang na pala akong project consultant… higit 100 ektarya ang pagtatamnan… and they’re willing to procure some more spread of arable areas as I would see fit… para sa katuparan ng aking makalupang pagnanasa. Foreign-funded project.

I’m gratefully stumped.

May iniingatang ilang puno ng kamagong at pili sa aking halamanan… pulos dambuhala kapag lumaki. I was telling ‘em— interspecies or zoonotic chit-chat, yeah-- that there’d be some vastness out there somewhere— honest, I haven’t the slightest where that could be-- where I would take them, where they’ll grow into giants that they are.

Mayroon pang lumalaking dalawang apo, sina Musa at Oyayi. Gusto ko ring maisama sila sa ganoong lawak ng lupain. Para maglaro. Para gumalugad, maipakilala sa iba’t ibang pananim. Para makipag-ulayaw na marubdob sa pisngi ng lupa. To impart a sense of passionate curiosity in them.

Saka talagang masayang makaulayaw, makaniig sa gawain sina Cathetel, Cahetel, Lecabel at Risnuch—mga anghel sila… nangangalaga sa mga halamanan at samut-saring pananim… tending a garden betrays a longing for Eden, a try to nurture the soul through the soil.

Uh, recent findings show that adept bilingual usage point up savvy in non-verbal skills…
hindi lang kasi sa pananalita ginagamit ang nagsasangang dila, kasi nga kandila easily translates to cunnilingus, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...