Monday, January 29, 2007

Gipit sa gitna

Gipit sa gitna

PINAKATALAMAK daw ang alimuom na masasagap sa gitna ng tanggapan o tahanan. Ganoon ang bungad na ulat ng aming batikang manunukat ng feng shui para taon ng OINK—oh, irog na kinalikot—na aarangkada sa bagong buwan ng Pebrero 18.

Talaga namang gitnang bahagi ang tahasang ginitgit ng VD—hindi venereal disease na dating taguri sa STD— na Araw ng Pusok o pusong tinusok-tuhog na parang fishballs nitong Pebrero 14.

Tatambakan daw ng mga hindi kanais-nais na alimuom ang gitna ng mga tanggapan at tahanan sa Taon ng Bulugan, that translates as Year of the Boar at Year of the Sow, huwag masyadong ipagduldulan sa mga makakarinig na katabi ang bahaging “Boar at” nitong pangungusap, please. Huwag na ring ulit-ulitin ang “Sow.” In any case, this porcine year is going to be sexy.

Sektor ng lupa ang bahaging gitna ng alinmang tanggapan at tahanan. Bull’s eye. Kaya madadamay ang lahat ng miyembro ng pamilya, makakasagap lahat ng masamang alimuom—lalo na ang ina ng tahanan, pati na ang kayamanan at reputasyon. Mababalibag ng masakit na tsismis.

Sasalakay ang mga panganib sa kalusugan—sa sikmura, sa kasarian, pati na sa puso. Sasablay ang salakay ng masamang alimuom kung imbakan, closet o paliguan ang nasa gitna ng pamamahay. Ubra ding tablahin ang masamang alimuom—maglagay ng malaking cabinet. Cabinet na kahoy. O kahit aparador. Hindi po Cabinet ng sinumang nakasampa sa Malacañang ang kailangang ilagay sa gitna ng pamamahay o kalagitnaan ng kampanya para humigop ng mga malas at malaswa.

Huwag maglalagay ng mga kulay pulang kagamitan o kandila kaya sa gitnang bahagi ng bahay. Panabla rin sa hindi kanais-nais na alimuom kung magpapalamuti ng anim na lucky coins. Mas mainam kung mayroong makintab na metal ceiling fan (mas angkop na isabit dito ang lucky coins) sa bahaging ito. Maiwawaksi ang negative energies tuwing umaandar ang bentilador—pero hindi lang maiwawaksi ang mas malupit na singil sa nakonsumong kuryente.

Dapat ding umiwas ang mga buntis— lalo na ang mga tila buteteng buntis ang waist line—sa gitnang bahagi ng pamamahay. Para hindi makunan o magkaproblema sa panganganak. Kung sa gitna ng bahay ang silid-tulugan, makabubuting lumipat na lang para makaiwas sa masamang alimuom.

Pinakamainam na panabla sa negative energies na pilit magpupugad sa gitna ng tanggapan o pamamahay: panatiliing payapa at tiwasay ang bahaging ito, para walang masusulsulan ni mauudyukan ang kamalasan. Iwasan ang bangayan at taltalan na gawain sa Kongreso—all that mindless chatter sucks in destructive energies.

Kung iisipin, pinakatahimik ang gitnang bahagi ng uli-uli, ipu-ipo, buhawi at tornado. Tiwasay din ang puyo ng alimpuyo. Payapa at mahinahon ang gitna ng rumaragasang bagyo. Ganito ang mga umiiral at pinakamatingkad na halimbawa na makikita sa kalikasan. Dapat lang na huwaran. Tularan.

Mayroon ding tinatawag na centering exercises ang mga naglalaro ng oriental martial arts. Panimula ang ganitong pagsasanay tungo sa malalim na meditation. Sasalampak ng upo. Tutukuyin at tutunguhin ng isip ang pinakagitna ng katawan o ang center of gravity na sampulgada sa ibaba ng pusod-- doon lulusong ang diwa, maglulunoy ng maraming sandali. Saka aahon na tila bagong silang, kasinggaan ng hangin at ulap ang pakiramdam.

Para kasing naglublob sa pinakagitna ng rumaragasang bagyo, tumitilapon ang bawat mahagip sa paligid ng tumitining na hangin habang tiwasay namang naglilimi sa kalagitnaan.

Oo nga pala: hangin at tubig ang tahasang katuturan ng feng shui.

Sunday, January 28, 2007

Product positioning

SURVEYS were applied strictly to the lay of the land sometime in the hazy past. Geodetic, that’s what it were. A land survey is meant to pinpoint a tract of land’s boundaries—to be plugged in with concrete markers called mujones defining an exact area to be girded. A survey like that helps in precise plotting. Uh, no coup plots then.

Plots are similarly hatched in today’s surveys that come in various guises and disguises. Most are stabs that cut across the minds of people, mindless or mindful. Say, a survey of TV viewing habits seeks to convince advertisers to plunk down sums of money on programs that pander to the greatest number of candidates for lobotomy and the mentally comatose.

Instead of mujones driven into skulls of the surveyed, TV programmers are prompted into revelry over the huge tracts of brain areas they have gained over a stretch of weeks. Presumably, those tracts would be possessed in due time as programmers ply some more of the same viewing fare. To draw more and more numbskulls that could be raked over as numbers.

It’s a numbers game—the more, the merrier— similar to those failed attempts at ousting the current top tenant of Malacañang via impeachment. A handful would go through the motions of unseating her. The merrier more would thwart such attempts. They would consequently claim… nah, not victory but larger chunks of largesse distributed by the Palace in a gesture like those of advertisers going after the greater numbers of TV viewers. It’s an enriching process.

As the May electoral exercises draw nigh, expect surveyors to come knocking at your doors to pick your brains— and groins whether it’s worth picking at or pickling. Surveys can give ample clues what political consumers want or expect in the wares proffered at ‘em.

In turn, political upstarts and grizzlies can dovetail, even overhaul and custom-fit their profiles to the liking of a not-so-discriminating market.

Consumers would be asked about their likes and dislikes. The ascertained likeable qualities would go into a patchwork picture of the candidate who aims to earn the consumers’ nod. The dislikeable traits as defined by consumers would be heaped on our candidate’s rivals to make ‘em more detestable and abhorrent, only dogs would cast votes for such ogres.

Survey questions ought to bring out the profile of a winner at the polls. Say, ply these among households that cuts across a wide swathe of voters in a targeted area. (1) Check three of the most appealing qualities that you want for your governor; (2) Check three among the problems listed below that you want to your governor to solve immediately; (3) Check three among the programs listed below that you want your governor to implement immediately; (4) In your opinion, what style and colors of clothing and accessories would be most appealing and appropriate for your governor? Check three; (5) Based on the list below, check the most appropriate style and color of hair for your governor.

The checks ought to be turned to cash, oops, we mean these checks are to be tallied and thoroughly pored over. The voters have to be pleased, amused, won over.

As with democracies, the greater numbers ought to have the last word on a politico’s over-all appearance, the programs and projects he intends to pursue, down to the numbers of mistresses he can keep off the public eye—it’s the rule of law of supply and demand.

Campaign posters, streamers, and handbills ought to project a product of popular perception as gleaned and gauged from pre-campaign surveys. We know what the public wants.

Vote Kumag Dakupal for Governor. Guwapo na sexy pa. Mapagbigay ng pera atbp. Walang tikwas ang buhok kahit kalbo na. Pag-asa ng bayan laban sa balakubak, cellphone snatching, at walang load. Isusulong ang pagpapatayo ng bilyaran, basketball court, at videoke bawat kanto.

There’s a soft focus full-body shot of a candidate amid a horde of children, smiling like a toothpaste endorser, long tresses with blonde highlights without a crease or stray bit of hair, garbed in a cream blazer over a black t-shirt, no slacks to complete the get-up, just thong panties.

There’s your candidate who’ll win the polls.

Wednesday, January 24, 2007

Paspasang pasya, kakasya

HAYAAN na ang mga hukuman na gumamit ng katagang decision—sampu kasi ang katuturan ng deci. Nangangahulugan na sampung ulit na titimbangin at susuriin ang ilalapat na tugon sa nakadulog na usapin. Mabagal na parang usad ng trapiko sa EDSA.

Mas mabilis ang dating ng pasya. Katugma ng kasya. Lapat agad. Sagad. Salpak. Tumpak.

Sa mga karaniwang pagsubok, mas mainam pala ang mga madaling pasya kaysa matumal na decision. (Pansinin ang iba’t ibang kahulugan ng “madali”—rapid, fast, snappy, easy. Rapid? Naroon pa rin iyon sa aves de rapiña o bird of prey, ibong mandaragit. Heto pa. Raptor. Rapt or contemplative.Talagang kakawing yata ng bilis ang masusi, masinsinan, matalim at malalim na kaisipan.)

Tinukoy ng isang ulat na inilabas kamakailan sa Internet ng pahayagang Current Biology na higit ngang mainam ang mga dagliang pasya kaysa matagalang pag-iisip sa mga mabilisang pagsusulit o pagsubok. Naturol sa ginawang pagsusuri ang mataas na antas na pamamaraan ng utak sa paggagap.

Sa pagsubok, kailangan lang tukuyin ang isang binali-baligtad na sagisag o symbol na isinama sa mahigit 650 pang halos katulad ng naturang sagisag. Para lang iglap na pagsunggab sa piraso ng mami na nasa bunton ng dayami.

Sumunod sa payo ni Rumi, isang Sufi mystic: “Knowledge is knowing what things to ignore.”

Sa tingin ko lang, ang ganoong pagsubok ay hindi pag-antig o pagpukaw sa labahang talim ng utak. Pag-arok ito sa kidlat na gumuguhit sa utak—iglap na liwanag at magliliyab ang mahahagip o magagagap.

“You would expect more people to make accurate decisions when given the time to look properly. Instead they performed better when given almost no time to think,” ani Li Zhaoping ng University College London at isa sa mga umakda ng naturang pag-aaral.

Nilinaw niya na magkaiba ang kakayahan at diskarte ng mga bahaging conscious at subconscious ng ulirat. Bali-baligtarin man ang larawan ng, halimbawa’y bayabas, matutukoy agad ng subconscious ang binaligtad na bayabas sa hindi nagalaw. Ang bahaging conscious, parehong bayabas lang sa pananaw—hindi na papansinin ang kahit mumunting pagkakaiba. (Whew! ‘Buti na lang at hindi balimbing. Kahit ano yata ang gawing baligtad sa balimbing, ganoon pa rin ang ihaharap na mukha.)

Kukutuban na tayo nito. Mas mabilis na sa diskarte ang subconscious, mas masigasig at masinsinan pa sa pagtukoy ng mga kuntil-butil na detalye. Hindi ko tuloy mapili kung alin ang niyayakap at kinikilatis ng subconscious sa dalawang magkasalungat na tayutay o idiom, ‘yun bang “God (the devil) dwells in the details.”

Pansinin din natin na may iba’t ibang uri ng talino—walo yata-- na taglay ang sinuman.Sa naturang pagsubok nina Li Zhaoping, ang tinatawag na visual/spatial intelligence o talinong lumalapat sa mga larawan at kalawakan ang tahasang sinubukan. Hindi pa talaga lubusang natuturol kung ang mga talino’y sambungkos ng mga tinting na maiwawalis sa bawat bagay-bagay na susuriin. Maaaring sambigkis ng iba’t ibang kawad na bawat isa’y may bagay na pinaglalaanan—mga bilang at ideya sa mathematical genius; galaw at kilos sa mga kinesthetic genius; salansan ng katahimikan, tunog at damdamin sa musical genius; paglalaro at paghubog ng diwa mula mga kataga at katuturan sa word genius…

Maaari ring pumpon ng bulaklak sa iisang sisidlang ulirat—may pumapaibabaw na halimuyak ng consciousness, may matining na kinalulublubang burak ng subconsciousness.

Sa huling tuusan, marami pa talagang dapat matuklas mula sa sanlibutan ng isipan na hindi lang yata sa tatlong librang utak tumatahan.

Dead cold numbers

WALA pa yatang nangahas na iligpit sa pamamagitan ng kulam ang sinumang Pestedente ng bansa. Tiyak namang tatablan. Matitigok na walang pasubali—no ass ifs, so twats, butts, or similar protruding members are spared. Walang pinipili sa kulam na masahol pa yata sa surgical strike. Anyone bites the dust.

Ikinatwiran noon ni Manoling Festin Martinez—ex-seminarian na batikan sa theosophy at isa sa mga katoto ni Ama—na mayroon daw kakaibang mahika na lulukob na parang protective shield sa sinuman kapag nakaluklok na bilang Pangulo o Panggulo, Presidente o Pestedente na parang pababang spaghetti na al dente.

Kaya raw hindi basta tatablan.

Pero sa huling tuusan, tatablan pa rin ng kulam kahit pa 10-foot thick tempered steel with Teflon-coating ang kapal ng pagmumukha.

Sakaling umaabot sa P129 billion ang tipak ng pork barrel na kinopo ng nakaluklok sa Palasyo, baka naman humirit ang kukulam—tropang paktol man o parakaraw-- ng kahit 10% commission of the heinous crime. Aabot din sa halos P13 billion ang talent fee or contract price. Saang wakwak na bulsa ng taxpayers lilikom ng ganoong halaga samantalang namimilipit na nga sila sa sapin-saping buwis para tapalan ang dambuhalang budget deficit?

Saka hindi naman talaga matibay na kalasag ang sasalpak na tila cloak of invisibility ni Harry Potter sa sinumang numero unong bedspacer sa Malacañang. Mauungkat yata sa Rig Veda o Atharva Veda—mga banal na kasulatang Hindu ang mga ‘to—na ika-anim na bahagi ng pambansang karma ang tahasang sasalin sa naturang bedspacer. H’wag matakot sa karma. Mga ginagawa at ginagawi lang ang katuturan nito.

Sa madaling sabi, ang mga gawi’t gawa ng 15,000,000 o 1/6 ng populasyong nasa 90 milyon ang gawi’t gawa, ang asal at ugali ng nangungunang nakasuno sa Palasyo.

It may take an entire coven—a 13-strong band of wizards, sorcerers, mages and witches—to do ‘em all in, all 15,000,001 of ‘em in a holocaust of sorts.

At the grassroots level of some 42,000 barangays in the entire archipelago, the surgical cleansing entails 357 deaths in each barangay. How would the embalmers and grave-diggers cope with such a Herculean task? Would life insurance companies be ever the same again after the payoffs? Would TV rating firms trot out anew the numbers of bipeds and cretins that shore up advertising support for inane TV shows? Hindi kaya mamatay sa sobrang hinagpis at dalamhati ang mga jueteng operators?

Papayag naman kaya si Satanas, Belial o Ahriman na makatkat sa pisngi ng lupa ang mga taong magbubulid ng higit pang bilang sa kapariwaraan? Sino na naman kayang young star ang mabubuntis o maglalabas ng kanilang sex video footage sa Internet?

Higit na kalunos-lunos na trahedya ang tuwinang pagtingala sa mga puno’t pinuno na inaasahan laging uugat-uugit sa kahihinatnan ng ating lupain. Para bang laging may masusungkit na masarap na bunga sa itaas. Ang totoo’y sinisilipan lang ang mga nakatuntong sa itaas kung meron pa silang suot na salungguhit o panties—madalas na wala kaya laging madilim na hinaharap ang nasisipat.

Payo ni Siddharta: Be the change you want in your world, in your land. Kaysa maghagilap ng masusungkit na anumang bunga, inspirasyon, lilim o matinong halimbawa sa puno’t pinuno, sarili mismo ang bungkalin at pagyamanin. Tamnan ng mga mainam na binhi. Umani ng mga mainam na bunga mula sa sarili.

Mas mahirap yatang gawin ang ganoon kaya hindi natin makita’t maungkat ang sari-sarili.

Mural lessons, moral lesions

MY favorite panel in that P50-million or so mural cum feast for white ants at the National Press Club is one which depicts an hour glass where a big shot’s hand pours coins of the realm that trickle down as transmuted typescript with two or three bats hovering like moths over the ripple of words. That tells me words—in due time to round out a prelude to the gospels, “In the beginning was the Word”-- can be precious and be light-like that draws those oriental sigils of longevity, those bats. I take that to mean writings can endure, paintings may not. Why, the same panel has attracted hordes of termites as an uncared-for book does.

The adjacent panel has the same big shot’s other hand garroted around the head—all senses clamped shut-- of a writer banging away at copy that stretches way, way out like a highway paved with verbiage. ‘Tis an old maxim in the schools that flattery’s fed to fools. So I’ll take such a sight anytime with a grain of assault.

Maybe, Enteng Manansala and his crew of artists who did that mural were taking a dig at writers who can get sued for libel or get shot dead for writing something unsavory about big shots. Painters don’t get such honors.

Aside from painters, termites joined the fray by taking a chomp at the mural’s writer figure. Those wee bites can be painful. But nobody really felt bitten.

Those accursed termite hordes spared that pork barrel-bellied big shot—butete or puffer fish doesn’t look like safe eating. They must have decided the wiry dilis-like—dried anchovies pack lots of iron-- figure of a writer’s more delicious. They gnawed at him morsel by stringy morsel, tidbit by sere tidbit.

Soused to the gills, I’ve often slept and said prayers on a row of chairs beneath my favorite panel that has the signatures of Maestro Manansala and his crew set on the rightmost lip of the hourglass. Such token devotion has gifted me one morning with two amoeboid flakes of oil paint bigger than a twenty-five-centavo coin that fell off that panel. I’ve kept both paint flakes in the fly leaf of my copy of the sacred Q’uran— ah, priceless words can endure, precious paintings can flake off ravaged by dry rot, tropic dampness, and wee critters.

Or maybe I was deluding myself at quiet time each dawn with a mural lesson that bundled words can be hocked pronto like an heirloom at any agencia de empeños or be plunked like an item of value down an auction block for the highest bidder. Mural lesson aside, there can be moral lesion: why, even big shots like one Gloria Macapagal-Arroyo won’t tab a cent to glorify palabra de honor. See, I had to take to such less than comfy bed space arrangements at the Press Club—Luis T. Logarta was its president then. The paper I wrote columns for that time hadn’t paid me for months. The long-awaited payment could have covered three or four months of unpaid rent that prompted my landlady to…

Saka mas masahol pa nga ang manunulat kaysa pokpok na bago magpabarukbok, kailangang bayaran muna ang transaksiyon. Matagal nang ginamit ang gawa ng manunulat, hindi pa binabayaran. Minsan nga, talagang sinusuba—nagkahindut-hindot na lalo. So let’s offer a toast to kindred spirits and timely visual metaphors like whores and whoring and writers and writing, may their diatribes increase!

The multi-paneled mural was finally sold sometime December 2006. It fetched P10 million—um, bestsellers can fetch that much, too and a lot more book-lovers get to own and keep a cheap copy; owning paintings is a different story. The men that took out the panels had to use a few kilometers of tape to keep the panels from crumbling into wee flakes of chewed out lawanit fiberboard and oil paint. Once restored, a tarpaulin reproduction of the same dig at writers could be fitted back in the same place. It should take a longer time for corruption to render tarpaulin to shreds.

A few decades back, significant sums were offered to local painters to do murals that would depict unity among Filipinos at the walls facing the Kilometer Zero marker in Rizal Park. One depicts Dr. Jose P. Rizal at the steering wheel of the jeepney nation in which Andres Bonifacio is a hanger-on. All the murals are still there. Fading away, flaking, and peeling off in places, turning into powdery dust. Who’ll sell ‘em before the walls they’re daubed on turn blank? Art connoisseurs ought to raise some foofaraw and interest among buyers.

And if we can’t sell, we’d better hand over those works to people who can truly dote on ‘em works. Let’s not keep what we can’t care for.

Kidlat mula Ampasit-Puguis

NI HINDI yata nakapaglaro ng qi gong o sining ng hininga sina Ama’t Mama habang nagliliwaliw—oops, migratory bird umano ang liwaliw na gumagala sa mga taniman bago dumating ang tag-ulan at itinuturing na sagisag ng kasaganaan—sa kagubatan ng pino sa Ampasit-Puguis ng La Trinidad, Benguet.

Nasabi sa amin ni Ama noong paslit pa kaming apat na magkakapatid—Bilog, Podying, Kukudyu (ako) at Puwit—na malakas raw ang agos ng dragon currents ng lupa na dumadaloy sa punong pino o pine tree. May payak daw na paraan sa qi gong para mapadaloy sa katawan ng tao ang naturang agos-dragon mula dibdib ng lupa. Pantungkab raw sa plema ng may ubo, pampatibay ng puso at baga, panlunas din sa hika.

Kailangan lang daw yakapin ang puno. Ganoon lang kadali.

Hindi kailangang idikit ang katawan sa puno habang nakayakap. Isayaw ang hininga sa wastong indak. Iguhit sa ulirat na dumadaloy ang agos na tila malamyos na kidlat mula kaliwang palad, naglalandas tungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sumasagitsit, sumasaliksik, kumakalat hanggang bawat himaymay ng laman hanggang makalabas na tila lagablab sa tuktok ng ulunan.

Gagaan daw ang pakiramdam matapos ang 15 hanggang 20 minuto ng ganoong pakikipagniig—kahit sa umpisa’y makakangawit. Para raw may mayuming liyab ng apoy sa may sikmura, ‘yun bang dragon fire in the belly.

Mainam daw kung makikipagniig sa punong pino tuwing umaga. Para lubusang mapanday ang mga tinatawag na jing o ubod ng kapangyarihan, qi o hininga ng buhay, at shen o diwa. Para din mapalis ang mga pananakit sa katawan, mapalakas ang body immune system upang maipagpag ang anumang aangkas na mga karamdaman at sakit. Para maihasa ang talim ng isipan. Upang mapahaba ang buhay.

Talaga raw may mga mainam na pakinabang mula sa pino. Kaya nagdala sina Mama’t Ama ng tatlong kasisibol pa lang, saka pine nuts. Pampunla—hindi gigilingin sa food blender kasama ng mga dahon ng basil at olive oil na masarap gawing salsa sa pasta na ligtas sa gastro-enteritis at anumang pagmumulan ng food poisoning.

Naghihingalo na ang dalawa sa tatlong sanggol na puno. Inabot daw kasi ng trauma sa haba ng biyahe. Agad-agad namang nailipat sa seedling bags, diniligan ng tubig-ulan, sinukluban pa ng plastik na parang oxygen tent ng hospital intensive care unit para hindi mangalirang. Pero tila ‘yung isa lang ang talagang matibay. Mabubuhay. Bubulas kung sakali. At magiging daluyan din ng agos ng dragon.

Samantala, buong sigla namang isinupling ng lupa ang ilang punla ng pino na itinanim ni Ama.

Hindi maselan sa katitindigang lupa ang pino. Karaniwang salat daw sa mayamang sustansiya ng lupa ang kinatitindigan nito kahit sa Bontoc, sa Benguet o alinmang lalawigan sa Cordillera. I remember seeing a stand of Benguet pine trees a sneezing distance from the Manila Stock Exchange Building and dead smack into bombardment of toxic fumes from Ayala Avenue traffic in Makati. Those pines didn’t die; they were moved and replanted elsewhere.

Kamangha-mangha talaga ang tibay ng pino. Salat at hikahos man ang kalagayan, matikas at mabulas pa rin sa pagtindig. Sabi nga’y matibay sa paninindigan—at dinadaluyan pa nga ng mapanlunas na kidlat na hinahango yata ng mga ugat nito sa kailaliman ng lupa, laang ikaloob sa sinumang mangangahas na makipagniig.

Ganoon din daw ang katangian ng punong pili. At masarap din ang binhi nito. Pili nuts na mailalahok din sa iba’t ibang kakanin at lutuin.

Pero walang balak si Ama na pagtuwangin ang pili at pino. Hindi raw maganda ang tunog dahil parehong makukunan ng nuts.

Pilipino. Nuts.

Sipat-sukat sa bobotante

LAWAK at mga antas ng tarik ng lupain ang sinisipat-sukat ng mga agrimensor o land surveyors. Nakamulatan na nga ng mga nakatatanda sa atin ang ganoong katuturan ng survey. Tahasang sipat-sukat sa lupa. Para matukoy ang mga hangganan na pagbabaunan ng mga panandang muhon sa santipak na lote na titirikan ng pamamahayan o lawak ng lupain na karaniwang ilalaan sa sakahan. Payak na pakay.

Kaunti na lang ang sablay sa mga matutukoy sa sukat-sipat ng mga agrimensor. Mas madali nang makaguhit ng mapa batay sa mga malilikom na bilang. Ni hindi malilihis pati sa GPS o global positioning system na nakabatay sa sukat ng mundo na nasipat mula kalawakan. Halimbawang nakalatag sa kabuuan ng 14o north 38” latitude at 121o east 3” longitude ang pamamahay na babanatan ng intercontinental ballistic missile, ikakarga na lang sa targeting device ng ICBM ang naturang posisyon—hindi na aasintahin. Tila kartero na sasadyain ang naturang lunan—at buburahin iyon sa mapa matapos ibagsak doon ang special delivery. Sapol na sapol ang kabuuan ng Quezon City.

Palasak na sa kasalukuyan ang kung anu-anong sipat-sukat. Iba pati pamamaraan at kagamitan—karaniwang mga katanungan. Kung anu-ano rin ang pilit na uungkatin, aarukin mula sa itutugon ng 1,200 taong isinalang sa pagtatanong.

Sa kanilang itutugon, tatangkain na magbaon ng mga panandang muhon. Kahit talagang mailap ang gulong, hambalang at ilandang ng lawak ng isipan nitong mga inusisa. Baka kasi may maiguguhit na mapa kahit paano.

Hindi na mga payak ang pakay. Hindi makatitiyak kung saang latitude at longitude nakasalampak ang kani-kanilang utak. Pero susubukang asintahin kahit walang targeting device tulad sa ICBM. Baka sakaling masapol.

Gamitin nating halimbawa ang sipat-sukat sa 1,200 consumers mula A, B, C, D, E income groups sa congressional district ng Maimburnal. Nais nating makalkal ang kanilang saloobin hinggil sa isang bagong produkto. Na isasalya sa kanila. Kailangang salpak na salpak. Sa kanilang panlasa at paniniwala ang isasalyang produkto para lubusan nilang tangkilikin.

Karaniwang ganito ang mga kasangkapan na gagamitin sa sipat-sukat: (1) Ano ang tatlong pinakamatingkad na katangian na gusto ninyo sa magiging congressman? (2) Ano sa palagay ninyo ang tatlong pinakamatingkad na problema ng inyong lugar na ibig ninyong lutasin ng inyong congressman? (3) Ano sa palagay ninyo ang tatlong pinakamagaling na proyekto na magagawa para sa inyo ng inyong congressman? (4) Kung kayo ang masusunod, ano ang dapat na kulay ng isusuot araw-araw ng inyong congressman? (5) Sa palagay ninyo, ano ang dapat na hair style at kulay ng buhok ng iboboto ninyong congressman?

Batay sa labu-labong tugon ng mga inungkat na 1,200 tao mula A, B,C, D, at E income groups sa congressional district ng Maimburnal, matutukoy ang mga common denominators at hilig ng consumers sa naturang lugar. Ibigay ang gusto sa tatangkilikin nilang produkto— now we’re talking effective product positioning with tremendous impact on the target market.

Kung ano ang kanilang kursunada, ganoon ang dapat iparada. Handa na ang ating mga polyeto na sakto sa kanilang panlasa.

Vote Kumag Dakupal for Congressman. Guwapo na sexy pa. Mapagbigay ng pera atbp. Walang tikwas ang buhok kahit kalbo na. Pag-asa ng bayan laban sa balakubak, cellphone snatching, at walang load. Isusulong ang pagpapatayo ng bilyaran, basketball court, at videoke bawat kanto.

Soft-focus photo—niretoke sa Adobe Photoshop CS2-- ng produkto ang nakasupalpal sa mga polyetong ikakalat sa congressional district. Matikas ang tindig ng nakalarawan. Unat na unat ang buhok na may blonde highlights. Kumakaway sa madla. Naka-t-shirt na itim. Naka-thong panties.

That’s product positioning. That gets the vote.

Whether votes are counted or not is another matter.

Baka talisay ang kailangan kung mabilis nilalabasan

KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.)

We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).”

For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond?

Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond. Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang, at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa.

Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang kulay, mala-ulo ng tarugo ang hugis. Pero hindi pa namin nasusubukang biyakin ang matigas na buto para makuha ang laman. Na lasang almond daw. Makatitiyak na matamis ang lamukot nito. Paborito kasing lantakan ng mga paniki at bayakan, na mahilig ding manginain sa mga hinog na bunga ng chico at ratiles.

Pansinin na tinagurian nating talisayin ang mga tandang na mala-luntian ang kulay ng balahibo’t pek… oops, pakpak nga pala. That may be chicken but that’s a game fowl for the likes of Jorge Araneta, Nene Aguilar, Peping Cojuangco and Manny Pacquiao. A fighting cock is what a talisayin is, a nomenclature that’s likely derived from the stately talisay or ketapang the kernel of which—as the claim goes-- has shown aphrodisiac activity and can probably be used to treat premature ejaculation, among other forms of sexual inadequacies.

Kukutuban marahil tayo na hindi lang pagmamahal na sinlaki ng braso kundi kasintikas ng troso ang kaloob ng talisay.

“In Taiwan the fallen leaves of tropical almond are used as an herbal drug in the treatment of liver related diseases. The leaves contain agents for the chemo-prevention of cancer and probably have anti-carcinogenic potential,” so it is also claimed.

“Tropical almond has antibacterial properties. (Its leaves) are used by breeders of tropical aquarium fishes to keep them healthy.”


Tiyak na sangkatutak na kalalakihan ang dadagsa sa sinumang may namumungang puno ng talisay, mangunguha ng bunga’t kasunod ang katakut-takot na biyakan, opo, umaatikabong biyakan para tungkabin ang laman na lasang almond daw—kapag naibusang tila kastanyas o mani na may balat pa.

Inaasahan namin na kagigiliwang exotic erotic pulutan sa mga inuman ang talisay nuts. At tiyak na mabubulabog ng mga nais pang lumibog ang mga kapre, tikbalang at kung anu-ano pang di-nakikitang nilalang na tumatahan, ayon sa mga matatanda, sa mga malabay mala-krus na sanga ng talisay.

Baka naman tinatakot lang tayo ng mga matanda na nagsasabing may mga malignong nakabantay sa mga punong talisay. Pulos naglalakihang bayakan at paniki nga—at mangilan-ngilang matandang lalaki na gaya ni Ama-- ang umaali-aligid dito lalo na’t nangahihinog na ang mga bunga. Kahina-hinala…

Pero baka ayaw lang nilang matuklasan ng mas marami ang kakaibang agimat na tahasang matutungkab sa bunga ng talisay.

We say, go splurge on ersatz almonds—na may tawag din ang mga nagugulantang na mutya, kanilang nasasambitla, “Ang tulis, ay!”

Friday, January 12, 2007

Feat of clay

AFTER the so-called EDSA III that saw hordes of the unwashed and have-nots attempting to storm the gates of Malacañang, the top tenant in the Palace mended fences. Why, the wrought-iron fences were raised higher. Electrified, too. Now it would be more than shocking and forbidding to gain entry into the Palace grounds.

To that neat feat, we can add the renaming of the 5.1-kilometer Central Boulevard running through the 1,500-hectare reclaimed area, Manila’s Bay City. That stretch was renamed President Diosdado Macapagal Boulevard and made it to the books as the world’s priciest road, why, taxpayers coughed up P1.1 billion to get it paved and dotted with a sprinkle of greenery. Or maybe it was chicanery—over P21.5 million sunk per kilometer of paving and greening is way too incredible.

Need we add another P1.1 billion feat of fund juggling off non-existent fertilizer allocations, the monies eventually lining the pockets of certain lawmakers and local government honchos?

And who has not heard of the world-famous sound bite from a shady chit-chat spun off as a ring tone, “Hello, Garci”?

Need we be reminded some more?

Maybe we ought to be told again and again. Who’s currently numero uno in this God-forsaken land?

The plates on the fleet of presidential limousines proclaim it—and some more.

Never mind if we’re still leery about certain solid figures and numbers being softened, worked over and kneaded like dough to suit results in, say, elections. In this case, the number’s cast in something less malleable and tough to rearrange. It’s probably hammered out in an admixture of tin and iron, why, even a Garci would lose his teeth if he bites into that.

The die is cast.

The metal fixture now reads Pangulo.

Quick, dig into suitably fat dictionaries. Maybe a thesaurus, stegosaurus or a tyrannosaurus would do.

Pray, tell the people whatever that metal-cast word means

Dance with dunces

A LOOMING water shortage won’t be much of a worry to certain species of reptiles. They can slow down their own signs of life, say breathing, gorging on food or taking water to keep body mass intact. They can play half-dead—the exact term is hibernation which sounds too close to nation. Reptiles like that are, for short, called Rep.

A liter of water costs more than a liter of premium gas any time. But sometimes a few drops of spittle turn out to be costlier burden on a consumer or taxpayer’s pockets. Say, the sort of spittle that time and again mists the august halls of the House of Rep.

We can zero in on one instance. Our reporter Tita C. Valderama’s story which saw print December 1, 2006 bore this four-decker: “GMA’s allies: Cha-cha more important than water crisis.”

Wow! That report was as mouth-watering as the waxed-neat fringes about the cleft ‘tween Britney Spears’ thighs that we see a lot of these days.

So we can drool and revel over the revelation.

As the Valderama report bears out, out the House of Rep. window went any discussion about an impending water crisis. Unceremoniously ditched like Britney Spears’ panties. Most of ‘em in that gathering of honorable Rep. wanted to do spray-drip irrigation of collective spittle on another topic more suited to their appetites.

Like that Spears letting her hair down, shedding her knickers, gamboling and gambling and plying the all-night party circuit, they just want to dance.

Cha-cha!

They’re probably keeping an eye on the P129-billion war chest of Malacañang’s—a chest like that’s more interesting than even the public display of nether lips of a Britney Spears. Plain folks won’t even bother with splitting pubic hairs over trifles over exposed labia majora or the House of Rep. majority. We’re adults. We’ve seen things that can make kids cringe. Nobody can tell us which is obscene, which isn’t.

A P129-billion war chest ought to take care of cloud seeding to bring rain to certain parched parts of the country. At about P5 million per planeload of salt to be dispersed above fat clouds to induce rainfall, that multi-billion chest can go a long way in averting threats of drought, crop failures, water crisis and cash shortages among Palace devotees.

If all else fails, we can import shamans, warlocks and wonder-workers among the Sioux and Navajo nations. They can conjure rainstorms by a quaint rite. Something called rain dance.

Or we call on the gathering at the House of Rep. to devise something that can crank out downpours. They’ll improvise a rain dance.

Cha-cha!

Sa pagsubo napapasubo (Standard Express)

NABANGGIT ni Will Smith sa isang panayam na bumilog at tumambok ang kanyang tumbong sanhi ng ilang buwan na paglantak niya sa iba’t ibang putahe ng manok.

Tiyak na pulos fried o roasted chicken lang— hindi pa siguro natitikman ng kumag ang pinikpikan o tortured-to-death chicken, manok na pinaupo sa asin, kinalangkang o steamed chicken na pinigaan ng kalamansi sa huling yugto ng pagkaluto sa singaw. O pininyahan, free-range chicken cooked with pineapple slices to tenderize the stringy meat. O pinatisang inipit—a pullet grown in a too-cramped bamboo cage to prevent any movement, force-fed with whole grain corn that results in a fowl thick with fat and all-too-tender meat that melts in your mouth.

Pihong pawang assembly line chicken lang ang nangasab niya—‘yun bang 45-day chicken na parang binuo sa pabrika. Sa loob ng sambuwan at kalahati kailangang umabot ang sisiw sa tamang sukat. Dapat na sangkilo o higit pa ang timbang para maisalya na sa pamilihan.

Kailangang tugunan tustusan ang pagkain ng populasyong naghuhuramentado sa bilis ng paglobo. At kailangang cost effective o hindi gaanong magastos at paspasan ang produksiyon ng laman-tiyan na itutustos sa mga kakain.

Masasalanta naman ang bulsa ng livestock producer kung lalampas ng 45 araw o higit pa ang tutustusan niya ng patuka. Hihigit sa tatlong buwan ang mga yugto sa paglaki mula pagkapisa sa itlog hanggang sapat na sukat ng karaniwang free-range native chicken—‘yung pagala-gala, palaboy-laboy at pakahig-kahig lang sa bakuran at kung saan-saan. Makunat pero malinamnam ang laman. ‘Yung lubusang lumaboy, nagiging labuyo. Na mas mataas ang lipad. Mas matingkad ang kulay ng balahibo dahil pulos organic feeds ang nakakain.

Pero mabisa talagang pampatambok ng tumbong ang assembly-line chicken. Tumatagaktak kasi ang laman nito sa katas ng samut-saring antibiotics para hindi dapuan ng sakit. Sumasagitsit rin ang laman nito sa growth booster hormones at mga kauring kemikal para sa mabilis na paglaki. Saan pa ba sasalin ang sanrekwang gamot at kemikal kundi sa lalantak ng manok—na wala talagang lasa?

Hindi lang tumbong ang tatambok sa bisa ng kemikal. Pati suso’t balakang. Damay sa paglapad-tambok pati na ang sinasamba’t sinisimsim natin nang buong taimtim, el puddai.

Tahasang lumalaki ang bulas ng katawan. Nagtataka pati mga matanda kung bakit ang mga batang babae sumibol sa ating panahon, kahit 10 taon pa lang ang edad dinadatnan na ng regla—para ring manok na mas maagang mangingitlog, ubra nang mabuntis kapag nakipagdaupang-ari. At paspasan din sa pagtanda.

So we managed to do drastic changes in the body biochemistry by intake of too much antibiotics, way too much growth booster hormones and all that. Baka hindi na nga tayo organically bred. Iba na tayo. Sa pangangatawan. Sa ilandang ng isipan. Sa tinatawag na breeding.

We may have become what we eat. Napasubo na sa kasusubo.

Mas matangkad nga ako kay Ama. Parang patpat. Stick--dynamite comes in such a slim package. Parang puluhan ng palakol ang bulas ng katawan na magpapabagsak ng kahit dambuhalang puno, parang laging sabik na sumibak. Bumiyak. Tumiyak.

Baka umaasam pa tayo ng anumang himala. O ipinagkakanulo tayo ng sukat at tambok ng katawan. Those that ought to be steeped deep in hell-hot water just turn into swine.

Linteknolohiya! (Standard Express)

NAKAW na mga sandali na lang daw ang naiuukol sa usal at salsal ng dasal. Kaya anuman ang lunan at pagkakataon, idinaraos daw na tila umuusok sa pusok na pakikipagtalik.

Nagkataon marahil na habang nasa biyahe ng kanyang nasakyang pampasaherong jeepney nang sumpungin sa kanyang panalangin.

Pagkain din daw ang dasal. Bumubusog. Nagtutustos ng kung anong sustansiya. Parang high-protein snack. Kapag inapuntahan ng pagkalam ng kung ano sa dibdib at utak, kailangang lumantak.

Higit limang beses na kain sa buong maghapon at magdamag.

Hayun nga. Tila batis na ibinulwak ng bunganga ang tuloy-tuloy na daloy ng pagbati sa isa sa mga pagpupugay kay Allah. Paanas lang. Parang sumisingasing na ahas bago tumuklaw.

“Ya Mumitu Allahu akbar!”

Dakila ka Ama na kumikitil ng buhay.

Ganoon ang katuturan niyon.

Hindi ito pagpupugay na mauulinig sa mga Pro-Life.

Hindi aabot sa 500 bigkas ng ganoong pagbati para maantig daw si Tar’athyail, ang tagapangalaga o khodam sa isa sa may 100 panawagan kay Allah. Tagapaghatid ng kalatas o anghel yata ang ibig sabihin ng khodam.

Sumasalin daw sa nagpupugay ang katangian ng pinagpupugayan. Interface ang tawag sa ganoong kaganapan. The learner, the learning are fused into one—that’s what it boils down to. It’s a working principle of quantum physics. It becomes operative in earnest deep-down prayer.

Teknolohiya lang din pala ang batayan ng higit yata sa limang beses bawat araw na pagtatangka na makiugnay sa Maykapal. Nakagawian na kasing kapag nasalang sa anumang broadcast medium, kung sinu-sinong kumag at kupal ang babatiin— halimbawa’y “binabati ko ang aking mga kaibigan at kaharumpakan diyan sa aming lupalop, lalo na ang mga barbero’t tindera ng galunggong at bagoong sa Lagro.”

Naidaos ang daloy ng pagbati nang sabihin ng kaharap na pasahero sabay igkas ng patalim: “Holdap ‘to!”

Gulantang ang iba pang pasahero. Naudlot sa pag-finger sa kani-kanilang cellphone—na isa-isang sinamsam ng kupal na holdaper.

Ni hindi pinansin ng kupal ang ultra-sophisticated model of communication transmission and satisfying connection na nakabukol pa mandin sa harapan ni Ama—‘yung Erection 66010.

Ni hindi nga raw inino o pinansin si Ama, as if he didn’t even exist.

Napailing na lang si Ama nang matapos ang holdapan. Namumutla ang kapwa pasahero. Wala namang nasaktan.

Pero baka raw napika sa pangyayari ang khodam na si Tar’athyail.

Tiyak na madadamay pati na kaanak ng kupal sa ngitngit ng naturang khodam.

So how do you appease an angel of death?

Kape sa kisapmata

SA mga huling taon daw ng 1960—ni hindi pa ‘ko diklap ng libog sa balintataw ni Ama na uhuging paslit pa noon—nang una siyang makatikim ng instant coffee. Nakalagay sa lata. Pulbos na mas pino pa kaysa dinikdik na buhangin. Parang abo na kakulay ng lupa. Sangkutsarita lang sa sambasong tubig, kumukulo man o hindi, meron nang kape sa isang kisap-mata.

Panahon iyon na nagtitingi raw ng roasted coffee beans o binusang buto ng kape sa alinmang palengke. Konti lang ang pagpipilian— excelsa, robusta, arabica, liberica na pawang uri ng bunga ng kape, may kani-kaniyang katangian sa latay ng lasa at halik ng halimuyak.

Sa mga nagtitipid o hindi nakahiligan ang paninibasib ng sangkap na caffeine ng kape sa ulirat, may mabibili ring binusang buto ng utaw o soybeans. Naibubusa rin daw ang bigas at buto ng okra, 100% caffeine-free at malalantakan pati latak.

Samut-saring tatak ang unti-unting bumaha sa pamilihan simula noon. Nescafe. Blend 45—wala yatang blend .22, .357 o 5.56. Café Puro. Café de Malate. Café Adriatico. Iba’t iba pa. Pawang nakasilid na sa baso o garapon. Unti-unti na ring ginitgit para mapalis mula sa kanilang luklukan sa palengke at panlasa ng balana ang mga binusang buto ng kape. Na kailangan pang gilingin. Kailangan pang magpakulo ng tubig bago maisangkap ang dalawa-tatlong kutsarang kape’t santipak na panutsa bago makahigop ng pampainit ng sikmura sa umaga.

Kahit iilang hakbang lang ang dapat gawin para makatungga ng humahalimuyak, sumusulak sa linamnam na nilagang kape, ngangatngat pa rin iyon ng panahon at paraan. Labis-labis yata ang pagmamadali natin sa yugtong ito ng panahon. Nagmamadali pero hindi naman matukoy ang patutunguhan. Kaya nakagawian na lang ang anumang mabilisan, paspasan. Para bang quickie sex, basta makaraos lang. Kahit bitin.

So these days we’re conveniently having 3-in-1 instant coffee— an amalgam of sweetener, cream, plus coffee granules. All of ‘em in a sachet. Something to sashay about. Or is it really coffee? Could be something coughed up like tidbits of phlegm in an industrial process we barely have an inkling of?

Ibubusa ang mga pinatuyong buto ng kape pati anumang maihahalo sa bulto ng mga buto. Gigilingin. Saka ilalaga. Patutuyuin ang pinaglagaang tubig, maiiwan ang pulbos—and in that industrial dehydration process, the essential oils and other nutraceutical principles in honest-to-goodness coffee likely evanesces, simply lost in translation.

But there’s the dust-like sediment that can be bulked up with extenders, the instant coffee granules we all can dump and stir in a cup of water for our caffeine fix. So there.

Anim hanggang walong tasang kape raw ang kailangang lagukin araw-araw para makaiwas sa banta ng diabetes mellitus, Alzheimer’s at Parkinson’s disease, ilang uri ng tumor at kanser, nalimutan ko na ang iba pang sakit na naiwawaksi ng kape. Hindi naman kasi nilinaw ng mga mananaliksik kung anong klase ng kape ang may ganoong kakayahan laban sa mga karamdaman.

P150 lang daw ang sambasong kape sa Starbucks. Brewed coffee yata mula binusa’t giniling na buto ng kape. Sa P150, kalahating kilo ng Cordillera-grown Coffea arabica beans ang nabili nina Ama’t Mama sa palengke ng Baguio kamakailan. Dumadayo pa sila minsan sa isang palengke sa Tagaytay. Cavite-grown Coffea liberica naman ang nabibili doon.

Kapag sumulak na ang tubig sa coffee pot, dalawang kutsaritang pulbos ng kape ang ilalahok. Naglalakbay hanggang sa kapitbahay ang kahali-halinang halimuyak. Nag-aanyaya.

An’sarap na katuwang sa pandesal na may palamang puke-- puting keso ‘yun—ng umuusok na kape!

Saway sa sayaw (Standard Express)

ISALIN man ang alak sa orinola, mananatiling alak. Ilagay sa timba—alak pa rin. Ibuhos sa batya, alak pa rin.

Anumang anyo ng sisidlan, hindi magbabago ang katangian ng alak na isasalin.

May mga pagkakataon nitong nakalipas na nakainuman ni Ama ang naging gobernador ng Eastern Samar, si Ben Evardone— mahiligin pala sa whiskey. Jack Daniel’s daw.

May kung ilang ulit yatang sinasala sa uling ng kung anong puno ang naturang inumin. Chicory? Probably oak. Brandy and rum are aged in oak barrels. Aging is a process. Charcoal filtration is supposed to improve the liquor’s flavor. That too is a process. That must have given that bloke the notion on flirtation with Cha-cha. Filtration. Flirtation. Magkatugma’t magkatunog nga naman.

Cha is tea. Oolong ang matagal nang paborito ni Ama. Sapul nang maging siyota ang isang Tsinay na naghihilamos daw ng oolong sa mukha hanggang dibdib para kuminis umano ang kutis. Banayad ang pait na may mayuming tamis ang lasa ng oolong—na nakagawian daw niya noong ipanghugas naman sa kanyang tarugo. Oolong. Pampahaba siguro.

Cha-cha is… Titikman pa lang. Pero sinilat na. Baka kasi nakaapuhap ng ikakatwiran mula kay George Bernard Shaw. Kulang daw ang diktadura sa matinong mamumuno. Kulang din ang demokrasya sa mga matinong pamumunuan. Tahasang inuungkat kasi ang katangian ng mga pinuno at pinamumunuan. It takes two to tango.

Ano ba ang katangian ng ating taumbayan na pinaghuhugutan ng mga magiging pinuno? Ang kabuuan ba ay dambuhalang imbakan ng alak, may nasasalok tayong armagnac o cognac para isalin at itampok sa nilalik na sisidlan? Cognac? Armagnac? O latak lang?

Iba ang mahuhugot na paraan mula sa nilaklak nina Ama at Ben Evardone. Sa Jack Daniel’s. Palakulin saka ipulak muna ang mga nakatindig na puno. Putul-putulin.Tilarin. Sunugin para maging uling. Dikdikin.

Saka salinan ng sour mash whiskey. The intent is to improve, maybe fine tune the liquor’s flavor.

Sininop na lihim ang mga pamamaraan sa paglikha ng mahusay na inuming tulad ng whiskey. Pili ang mga sangkap, pati na tubig na karaniwang hinahango pa sa batis mula kabundukan. Masinop na sinisiyasat ang kadalisayan—mineral sediments, alkaline or acidic content. Quality control entails an exacting process to yield a quality product.

Alak nga ang produkto.

Anumang sisidlan ang pagsalinan ng mahusay na produkto, hindi mababawasan ang mahusay na mga katangian nito. Isalin man sa orinola, timba, batya, palanggana, baso o anumang anyo ng sisidlan, mananatiling alak ang alak.

Walang katuturan daw ang satsatan ukol sa pagpalit-anyo ng sisidlan. Mas mainam siguro kung isisilid na lang sa kabaong ang mga namumuno. Ganoon daw ang ginagawa sa basi diay ti amianan para maging suwabe sa panlasa.

Sige na nga. Alak pa, alak!

Sa taon ng piggy bank (Standard Express)

NAKASUMPONG ng dalawang katutubong baboy si Ama sa pampang ng isa sa mga hilahod na bayan na nakasalagmak sa baybayin ng Ragay Gulf sa Bondoc Peninsula, mga unang taon ng dekada 1990. Lumukso raw ang kanyang dugo sa galak nang lubusang masipat ang dalawang baboy, kapwa nanginginain ng mga inanod na layak at damong dagat, mistulang baboy-damo ang anyo.

Nakasalang pa sa Senado nang panahong iyon ang panukalang batas na lilikha ng gene bank para tipunin at pagyamanin ang katutubong kalabaw—na mula sa damulag na laki, muntik naging sinliit daw ng daga sanhi ng walang patumanggang inbreeding o animal incest.

Higit sandipa at pitong dangkal raw ang inaabot na haba’t laki ng grass carp mula China. Umangkat nga pala nito, isinalin sa mga ilog at lawa sa iba’t ibang panig ng bansa para dumami. Pinangalanang Imelda dahil kumikislap na tila alahas ang mga kaliskis nito. Sa walang humpay na inbreeding sa naturang mala-dambuhalang isda, nakalikha ng goldfish.

Kung hindi raw napigilan ang inbreeding, baka naging kasinlaki naman ng pulgas ang katutubong kalabaw.

Nanghihinayang raw si Ama dahil kalabaw lang ang sinaklaw at pinagtuunan ng pansin ng naturang panukala. Marami raw kasing katutubong hayup na dapat ding sinupin, pagyamanin at paramihin para muling maipalaganap—oops, hindi kabilang ang mga kulisap, linta, buwaya at iba pang animal sa Congress.

Halimbawa raw ang katutubong kambing. Sa mga taon din ng 1990 naiulat ang hiling ng ilang pharmaceutical companies sa South Korea. Kahit daw 10,000 ulo ng ating katutubong kambing ay bibilhin nila araw-araw. Dahilan: mahigit 30 uri pala ng gamot sa samut-saring sakit ang taglay sa katawan ng ating kambing. Na hanggang sa ngayon nga, hindi pa natin natutuklasan kung anu-ano ang mga iyon.

Biological diversity simply represents hidden wealth, giit ni Ama. Kaya raw dapat ding tistisin ng palakol, halungkatin ng balisong pati laman-loob, himayin ng kampit ang himaymay ng litid ng mga naglipanang animal sa larangan ng pulitika. Baka raw may matutuklas sa kanila na panlunas sa mga sakit na sumasalanta’t naglulugmok sa taumbayan.

Nakasumpong kamakailan sina Ama’t Mama ng mga katutubong baboy sa lilim ng dawag ng pine trees, dapdap at kapeng Arabica sa Ampasit-Puguis, La Trinidad, Benguet—meron din pala roong gene bank ng ilang hayup na katutubo sa Mountain Province, pinangangalagaan ng Benguet State University. TANGERE o The Animal Genetic Resources ang tawag sa naturang katipunan—it didn’t occur to anyone that katipunan translates to bank or savings-- ng mga katutubong hayup.

P1,500 ang turing sa isang biik, mistulang baboy-ramo na rin ang tindig, liksi at anyo. Bahagi raw ng cañao o mga piging ang katutubong baboy—na ang mga tipak ay magiging inasin (native smoke-cured bacon) o itag (pork barrel) na inilalahok para higit pang maging maigting ang linamnam ng manok na pinikpikan.

Hindi naman talaga samlang o salaula ang baboy. Katibayan ang dalawang bulugan mula Vietnam na nakataliba sa pintuan ng Wah Sun Restaurant na katapat ng kainang Ambos Mundos—ang dalawang pinakamatandang restaurant sa bansa—sa Florentino Torres St., Sta. Cruz, Manila. Pang-akit daw sa mainam na pasok ng negosyo at suwerte ang baboy sa Wah Sun na talagang sapak ang mga putahe.

Sa kislap ng mga mata ni Ama, alam naming bibili siya ng biik sa TANGERE. Hindi panlitson. Gagayahin yata ang isa niyang paboritong actor-scriptwriter-director George Clooney. Na may alagang baboy.

666 = 2 x 3 x 3 x 37 (Standard Express)

ILANG taon ding nakatatak sa katauhan ni Ama ang kakatwang kumpol ng bilang—666!

Tatak daw iyon ng kung anong halimaw.

Mauugat ang halimaw sa katagang Malay. Harimau. Ganoon ang tawag nila sa leon. Na kapag binaligtad, lalabas na noel, Pasko. “The first Noel the angels did say was to certain poor shepherds in fields as they lay.”

Dagdag na kulubot sa inyong utak kapag naturol na tahasang tinutukoy ng Pasko ang alay na kordero o paschal lamb na nagmula naman sa katagang Hebreo.

Balik-aral sa Sunday school. Matapos hasikan ng samut-saring salot at peste ang faraon pati nasasakop niyang lupain ng Egypt, inupakan na ng ultimatum na payagan nang lumisan ang sambayanan nina Moises at Aaron na itinuturing na mga alipin at timawa sa lupaing iyon.

Ibinubo ang dugo ng alay na kordero o pamasko sa pintuan ng bawat bahay ng mga kabig nina Moises. Para lampasan sila ng matalim na kalawit ng anghel ng kamatayan. Mismong mga alay na kordero ang inihaw at ginawang hapunan nang gabing iyon ng paglampas o Passover. Bawat tahanan at sabsaban na walang bahid ng dugo ng kordero, dinalaw ng kalawit ng anghel. Kinitil ang bawat panganay na supling, hayup man o tao.

Sa gabing iyon tahasang ginanap ang unang handaang pamasko—mga kinatay at inihaw na kordero.

Tuntunin muli natin ang hinawi nating landas ng mga kataga. Ang bilang ng halimaw na leon, 666. Na binaligtad na noel o Pasko. Na tumutukoy sa alay na kordero o batang tupa.

“And the lion shall lie down with the lamb,” pahiwatig sa Apokalipsis na huling aklat ng Banal na Kasulatan.

Daemon est deus inversus o binaligtad na demonyo ang diyos.

Nakasupalpal kay Ama ang kakatwang kumpol ng bilang, 666. Na kung bigkasin niya’y sex, sex, sex.

Sa bawat ikalimang buwan, parang sukat ng tarugong sintikas naman ng sardines: 555. Nasa balag na ng alanganin dahil hindi tiyak kung bubuo muli ng bagong kontrata sa trabaho. Sa ganoon ding patakaran saklaw ang mga namamasukan sa mga dambuhalang malls.

Tuwing ika-anim na buwan nagkakalinawan. Lalagda muli ng panibagong kontrata ng pamamasukan—kahit dapat nang gawing regular ang namamasukan batay sa takda ng umiiral na batas.

Kabilang si Ama sa saklaw ng 666, ang kakatwang kumpol na bilang ng kung anong halimaw. Ganoon din daw ang mga bilang ni Sorath, isang malupit na demonyong naninirahan umano sa dibdib ng araw. Saklaw naman ni Sorath ang suwerte sa pagtama sa lotto, pati na mga makabaligtad-sikmurang kabuktutan.

Nagsabi na sa amin si Ama. Hindi na raw siya lalagda sa bagong kontrata para manatili sa kanyang gawain bilang website editor na tinakdaan ng mga bilang ni Sorath, 666.

Ni hindi na nga kailangang magbitiw sa tungkulin. Bagong gawain ang naghihintay sa kanya sa bagong taon, wala nang bahid ng demonyo.

Thursday, January 11, 2007

Fairy tales (Standard Express)

TAONG 1628 nang isilang sa araw na ito (Enero 12) si Charles Perrault ng France, sumulat ng mga kinagigiliwang kuwentong pambata— Cinderella, Sleeping Beauty, at Little Red Riding Hood.

Sa Holland nitong 1807, iniulat ang pagsambulat sa araw na ito ng isang sasakyang pandagat na may kargamentong pulbura na naglalayag noon sa isa sa mga kanal ng lungsod ng Leyden—200 bahay ang warak, 40 batang mag-aaral ang patay, giba ang mga gusaling pampubliko, nawasak halos ang buong lungsod.

Pansin lang batay sa naturang trahedya: delikado pala ang mga nasa Malacañang sakaling sumambulat ang, halimbawa lang, isa o dalawang LPG carrier vessel na dumaraan sa bahagi ng Ilog Pasig sa likod ng Palasyo. Tiyak na tupok pati kaluluwa nila, kung meron man.

Sa hangad na mapigilan ang sambulat-digmaan ng India at Pakistan, sinimulan sa araw na ito ni Mohandas Karamchand Gandhi ang kanyang huling ayuno o fasting. Hindi na niya nasilayan ang pagbabalik ng kapayapaan sa kanyang bayan. Bago magtapos ang Enero 1948, pinaslang si Gandhi.

Paborito naming tugon ni Gandhi sa tanong ng isang peryodista, “Mr. Gandhi what do you think of Western civilization?”

“I think it would be a good idea.”

Taong 1966 sa araw na ito nang unang ilabas sa American Broadcasting Company ang Batman TV series na nagtampok kina Adam West at Burt Ward.

Sa araw na ito noong 1991 nang magpalabas ng batas ang US Congress para gumamit ng lakas-militar para patalsikin ang mga kampon ni Saddam Hussein na kumubkob sa Kuwait. Tagumpay ang isang higanteng public relations firm na Hill & Knowlton na malinlang ang mga mambabatas—nagawa nilang mapagtalumpati ang isang 15-taong gulang na babaeng nagngangalang Nariyah sa US Congressional Human Rights Caucus.

Isiniwalat ni Nariyah sa naturang kapulungan na nasaksihan daw niya ang pagkitil ng mga sundalong Iraqi sa mga sanggol na nasa hospital incubators. Naniwala ang mga mambabatas pati na ang Amnesty International sa naturang kuwento—na kathang isip lang pala tulad ng mga hinalaw na akda ni Charles Perrault!

Nakatulong ang eyewitness account daw ni Nariyah para maipihit ang pananaw ng madla, naisunod ayon sa mga plano ni George Bush, Sr. na manghimasok sa 1991 Gulf War.

Kamukat-mukat, ang naturang Nariyah pala’y anak ng Kuwaiti ambassador sa US.

Pero hindi na siguro Sleeping Beauty ang mga bansa ng daigdig sa iba pang kuwentong ipinapalaganap at palulutangin naman ngayon ni George W. Bush ukol sa pagkubkob ng mga sundalong Amerikano sa lupain ni Saddam Hussein—na binitay nga kamakailan.

Lumitaw na martir si Saddam, bukod pa sa paglagda nito sa mga kontrata sa ilang oil companies ng France at China para bumutas ng mga balon ng krudo sa Iraq. Hindi pa nga kasi lubusang nabubungkal ang oil reserves ng Iraq, winasak na ng mga kumubkob na American forces ang mga panimulang istruktura sa paghango ng krudo.

Napawalang-bisa ang bawat oil exploration and production contracts na nilagdaan ni Saddam. Maaari nang pumasok ang US oil companies, bumuo ng mga panibagong kontrata para makopo ang paghalungkat ng krudo sa lupain ni Saddam.

Pero hindi lang krudo ang lalo pang dadanak sa Iraq. Tulad ng pagkamatay ni Ngo Dinh Diem ng Vietnam, pinangangambahan na maging mitsa ng lalo pang pag-igting ng digmaan sa Iraq ang pagpatay kay Saddam. At baka matuluyan nang maging tila digmaang Vietnam ang magaganap sa Iraq.

Enero 12, 1976 nang isilang si Jack London na sumulat ng mga nobelang White Fang at Call of the Wild. Paborito naming hirit mula sa kanya: “If cash comes with fame, come fame; if cash comes without fame, come cash.”

May mga pagkakataon, pagkataong iwinawaksi (Standard Express)

NAGING palamuti sa lapad na pasong kinatatamnan ng punggok na balite ang kalansay o exoskeleton ng isang suso. Napulot sa isa naming akyat sa Mt. Makiling. May nakapagsabing lasang manok ang laman ng suso na nanginginain sa mga layak ng dahon at tangkay ng halaman sa pinakasahig ng dawag.

Bukod sa laman, may kaalaman daw na malalantakan sa naiwang kalansay.

Inilalarawan daw ng naturang kalansay ang Fibonacci sequence— 0+1, 1+1, 2+1, 2+3, 3+5, 5+8… o 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8,13, 21… -- na matatagpuan sa kalikasan. Sa tila walang ayos na salansan ng mga dahon sa halaman, o talulot sa bulaklak, sa hanay ng tangkay sa pumpon, sa pagtining sa gitna ng tornado. Katumbas din ng iglap na hagupit ng lakas sa puyo ng alimpuyo, sa mata ng bagyo.

Sa pinakamatingkad daw na aral na mauungkat mula Fibonacci sequence, magagamit sa pagkilos. Sa galaw. ‘Yun ang sabi ni Ama-- na hindi ko matiyak kung may nakikita ring Fibonacci sequence sa mga katakam-takam, mga bisaklat na bilang na 36-24-36.

An adjacent slower smaller moving body is sucked into the body that actuates the Fibonacci sequence, aniya. Madalas daw mangyari ang halimbawa nito sa riles ng tren—madalas mabasa sa mga ulat na parang hinigop ng rumaragasang tren ang isang biktima na tiyak na lasug-lasog, ligis ang katawan, patay.

Fibonacci sequence din daw ang galaw ng bagyo. Papaikot sa haginit na tila taekwondo jin, tatalikod saka iigkas pala ng spinning kick. Papatining na tila trumpo o tubig sa hinalong kape. Tiyak daw na mahihigop at mawawasak ang alinmang hindi tumitinag o mga mumunting bagay na hindi gumagalaw.

Nabanggit na ang umaayon sa mga kilos at galaw na mahahalaw sa kalikasan, nabubuhay daw ayon sa mga itinakda ng mga bathala—ganoon daw ang sabi ni Pythagoras, isang Greek mathematician.

Napakarahas lang daw tingnan ang umiikot na uli-uli sa tubig na ang mismong pag-ikot ang humihigop na lakas para makapangwasak. Pero patungo lang daw sa pagtining ang naturang ikot. Hindi nagiging matining ang mga hindi tumitinag. Kapag tumining ang maruming tubig, maiiwan sa ilalim ang mga latak at layak. At nagiging malinaw nga.

Ganoon lang daw ang diskarte ni Ama sa pamumuhay—na pagsunod daw sa itinatakda ng Maykapal, ng mga bathala. Taimtim na pagpapatining sa diwa sa bawat kilos, sa bawat galaw. Upang maging malinaw.

Sa ganoong likas na paraan daw kusang naiwawaksi’t naipapagpag na walang kahirap-hirap ang mga layak at latak na nais lang makiangkas sa kanyang diskarte. Pero sino namang kumag ang makikiungkat sa mga working principles ng mathematics?

Ganoon din yata ang batayan ng working principles sa aikido ni O-sensei Morihei Ueshiba. Kailangang tila tubig na patitiningin ang sarili sa gitna man ng pinakamarahas na unday ng salakay. Para umilandang, umalimbukay na tila layak o mawarak ang lakas ng daluhong.

Maiwawaksi raw ang mga hindi mainam na pagkakataon. Pati na mga pagkatao na gusto lang sumakay, umusyoso.

Like a heavenly body, turn-spin on your own axis. The force of nature generated by such a turning flings unwanted foreign bodies out of your own path. Talyang ang mga hadlang.

By adhering to the lessons from the Fibonacci sequence, you simply become a force of nature. Ganoon daw ang totohanang katuturan ng umaayon sa Kalikasan.

At tiyak na malalayo sa mga walang kakuwenta-kuwenta at hindi marunong magkuwentang pagkatao’t pagkakataon.

Vampira (Standard Expess)

HINDI lang bulwak ng dugo mula ginawak na carotid artery o jugular vein ang sinisibasib ng vampira. Mayroon pang ibang mas mapanganib kaysa mga mandurugo o sumisipsip ng dugo… Sabi nga, they’re at the top of the food chain and we’re just plain nourishment for ‘em.

Marso pa nitong nagdaang taon nang humingi ng tulong si Ama sa mga katotong tumutulak tungong US para maibili siya ng mga binhi ng casabanana. Maipupunla sana pagsapit ng panimula ng tag-ulan, aasam sa pagyabong, pamumulaklak, pamumunga ng naturang halamang baging matapos ang mga 45-60 araw mula pagsibol.

Ilang araw bago sumapit ang Pasko nang mapasakamay ni Ama ang apat na butil ng binhi ng inangkat na halaman, nasumpungan sa isang seed mail order company sa Texas. Lilihis na sa panahon kung tatangkain pang ipunla upang sumibol sa unti-unting halihaw ng tag-araw. Isinantabi ang apat na butil ng binhi. Maghihintay sa angkop na panahon.

Casabanana? May masidhing samyo ang casaba o pinakapalasak na uri ng milon na mabibili sa palengke, malikaskas ang tila sala-salabat na kidlat na nakaumbok sa balat, mapusyaw na kulay-kahel ang lamukot. Mayumi ang sanghaya ng banana o saging, kahit na lakatan o señorita.

Kaanak ng pipino, kalabasa, upo’t patola ang casabanana. Mailalahok sa mga lutuin tulad ng kanyang kaanak pero naninibasib talaga ang taglay na halimuyak ng hinog na bunga. Kaya iniimbak na kasama ng mga damit.

Samantala, naganyak yatang magbungkal din ng lupa si Manong Roy Acosta kaya inawitan si Ama ng mga binhi ng kanyang pananim—singkamas o yam bean, sigarilyas o winged bean, bataw o lablab bean, siling pansigang. Tiyak na pagkakaabalahan ni Manong ang pagpapasibol ng mga naturang halaman.

May taglay na diklap ng buhay ang binhi. Ipinagkakatiwala lang talaga sa mga mapagkalinga’t mag-aaruga upang sumibol, yumabong, lumago.

Wala naman sigurong balak si Manong na sipsipin ang ganoong diklap ng buhay na nakahimlay, nagbabantang magliyab sa wastong panahon. Mga kakatwang vampira lang yata ang uhaw, hihitit sa ganoong diklap-buhay. Life spark. Life force na hindi naiiba ang katangian sa dugong dumadaloy sa katawan ng tao.

May mga vampira na mas ibig sumipsip sa katas-buhay na tumatagas mula sa bibig, sa utong ng suso, at sa paligid ng labia minora habang nakikipagtalik. Sa halip na sumigla, salanta ang katawan ng katalik matapos pagpasasaan ng ganoong uri ng vampira.

Meron ding mga humihigop sa tila tubig na pagbulwak ng pananalig o taimtim na pananampalataya—na karaniwang masasagap sa mga simbahan o prusisyon ng mga namamanata. Pampalawig daw ng buhay at nagpapalakas sa katawan ng vampira ang lumalagok sa ganoong pambihirang alimuom.

Sa Spear of Destiny ni Trevor Ravenscroft iniulat ang kakatwang paghitit sa life force o lakas-buhay mula binhi ng mga halaman. They’re not exactly vegetarian vampires na mas mahiligin sa sustansiya mula sa halaman— dahil sagana sa nitrogen ang mga butong-gulay na sapak sa chili con carne o Boston baked beans, umaatikabong dagundong mula tumbong ang resulta.

Mga kampon ni Adolph Hitler—na tulad ng sangkatutak na tao ngayon na nandidiri sa yosi-- ang mga naturang vampira. Hindi lang yata lakas-buhay ang sinipsip at tinipon nila mula samut-saring binhi. Higit pa sa sustansiya. Kahit tawagin natin silang sipsip-buto.

Gaano katagal lumuklok sa poder at umugit sa kasaysayan ng daigdig si Adolph Hitler at ang kanyang mga kampon? Paanong ang isang matatawag na lowest form of animal in the military pecking order na tulad ni Hitler, papaimbulog sa rurok ng kapangyarihan sa pulitika at militar?

Hindi pa siguro natin lubusang mabubungkal ang mga sanhi at dahilan. Pero maaaring nasa mga butil ng binhi ang susi ng kanilang makayanig-daigdig na kapangyarihan.

Tigalpo (Standard Express)

SAGLIT nawaglit sa isip ni Ama na tatablan ng libog ang sinumang babae, lalo na’t kulang sa irrigation. Kahit pa inihahanda sa pagtanggap ng kaalamang lihim, may pagkakataon na sa silangan hahapay ang isang pigi’t sa kanluran naman ang isa pa upang salpakan ng muhon ang balon.

Sa madaling sabi’y nabigyan ng irrigation—napairi siguro – at muling nakatupad sa banal na tagubilin. Tumihaya, este, humayo’t nakarami. Nabuntis nga. Pero hindi si Ama ang may kagagawan ng hinalang himala.

Kahit siya matulis, hindi naman harumpakan ang pakay ni Ama sa naturang babae. Anthropological research daw. Rather than swap bodily fluids, my old man intended to swap notes about a certain know-how that was revealed by an elder of hers to that female respondent. Something bout a certain death sentence.

Matagal din kasing naglaro ng qi gong o sining ng hininga si Ama. Sumasabay noon sa mga Chino tuwing umaga. May mga bahagi ng galaw ng katawan na sinasaliwan ng isa-dalawahing pantig na kataga. Na nagpapatibay sa iba’t ibang internal body organs, ayon sa mga Chino. Pinahuhusay, ginagawang matatag pati na body immune system para hindi maging sakitin. That’s an upside.

There ought to be a downside. Batay lang sa paniniwala ng mga inapo nina Lao-tze at Sun Tzu. Kung may yin, laging may yang.

Tiyak na mayroon ding mga mga kataga na talagang tataga’t mag-iiwan ng mga mortal na sugat sa katawan. Kukutuban na hindi lang dalawahing pantig ang mga ganoong kataga—na titibag naman o unti-unting wawasak sa internal body organs. O sasalantain ang body immune system para gawing kuta ang katawan ng samut-saring karamdaman.

Let’s say we host carcinoma angels inside us. Cancer cells. They just await in ambush, maybe a certain trigger to multiply like nobody’s business to reach critical mass. And once they get to that level, we’re ready for an appointment with an embalmer.

Nagbanta raw ang isang madre yata na naging biktima ng panunupil sa panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ni hindi kikilabutan sa banta. Ipagdarasal daw niya na maghuramentado sa pagdami ang carcinoma angels at iba pang pumapatay na anghel na taglay ng diktador sa kanyang katawan. Natigok nga ang diktador sa sakit.

And that, for my old man, embodies a path of inquiry. Kalkal. Bungkal. Halungkat.

Dalangin. Rezo. Oracion. Pangungusap. Affirmation. Sentence. Death sentence?

Nasumpungan ang death affirmation sa Sanskrit. Maran mantra ang tawag. Even the Sufi mystic Rumi gave an account how it was used, ah, muttered under the breath, to kill an animal.

And so the old man stumbled upon a Sanskrit syllable corresponding to fire that can be uttered in a stream to inflict harm, cause the intended victim to wither and well, die. “Parang kandilang nauupos” was how that infanticipating single mom introduced earlier had described the manner of a victim’s death.Such death sentence, actually just a stream of a single Sanskrit syllable muttered under the breath is irreversible, oh, horrors… We ought to amend that idiomatic phrase, if looks could kill. We know better now. Looks don’t.

Kaya siguro ayaw siputan ni Ama ang mga pagtitipon o pulong na may mga taong hindi niya ibig makausap. Baka kung ano pa kasi ang mabigkas na pangungusap.

Saka tahasang tutumutupad si Ama sa Coughlin’s Law yata. Don’t speak unless you can improve the silence.