Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2007

Gipit sa gitna

Gipit sa gitna PINAKATALAMAK daw ang alimuom na masasagap sa gitna ng tanggapan o tahanan. Ganoon ang bungad na ulat ng aming batikang manunukat ng feng shui para taon ng OINK—oh, irog na kinalikot—na aarangkada sa bagong buwan ng Pebrero 18. Talaga namang gitnang bahagi ang tahasang ginitgit ng VD—hindi venereal disease na dating taguri sa STD— na Araw ng Pusok o pusong tinusok-tuhog na parang fishballs nitong Pebrero 14. Tatambakan daw ng mga hindi kanais-nais na alimuom ang gitna ng mga tanggapan at tahanan sa Taon ng Bulugan, that translates as Year of the Boar at Year of the Sow, huwag masyadong ipagduldulan sa mga makakarinig na katabi ang bahaging “Boar at” nitong pangungusap, please. Huwag na ring ulit-ulitin ang “Sow.” In any case, this porcine year is going to be sexy. Sektor ng lupa ang bahaging gitna ng alinmang tanggapan at tahanan. Bull’s eye. Kaya madadamay ang lahat ng miyembro ng pamilya, makakasagap lahat ng masamang alimuom—lalo na ang ina ng tahanan, pati na ang kay...

Product positioning

SURVEYS were applied strictly to the lay of the land sometime in the hazy past. Geodetic, that’s what it were. A land survey is meant to pinpoint a tract of land’s boundaries—to be plugged in with concrete markers called mujones defining an exact area to be girded. A survey like that helps in precise plotting. Uh, no coup plots then. Plots are similarly hatched in today’s surveys that come in various guises and disguises. Most are stabs that cut across the minds of people, mindless or mindful. Say, a survey of TV viewing habits seeks to convince advertisers to plunk down sums of money on programs that pander to the greatest number of candidates for lobotomy and the mentally comatose. Instead of mujones driven into skulls of the surveyed, TV programmers are prompted into revelry over the huge tracts of brain areas they have gained over a stretch of weeks. Presumably, those tracts would be possessed in due time as programmers ply some more of the same viewing fare. To draw more and more ...

Paspasang pasya, kakasya

HAYAAN na ang mga hukuman na gumamit ng katagang decision—sampu kasi ang katuturan ng deci. Nangangahulugan na sampung ulit na titimbangin at susuriin ang ilalapat na tugon sa nakadulog na usapin. Mabagal na parang usad ng trapiko sa EDSA. Mas mabilis ang dating ng pasya. Katugma ng kasya. Lapat agad. Sagad. Salpak. Tumpak. Sa mga karaniwang pagsubok, mas mainam pala ang mga madaling pasya kaysa matumal na decision. (Pansinin ang iba’t ibang kahulugan ng “madali”—rapid, fast, snappy, easy. Rapid? Naroon pa rin iyon sa aves de rapiña o bird of prey, ibong mandaragit. Heto pa. Raptor. Rapt or contemplative.Talagang kakawing yata ng bilis ang masusi, masinsinan, matalim at malalim na kaisipan.) Tinukoy ng isang ulat na inilabas kamakailan sa Internet ng pahayagang Current Biology na higit ngang mainam ang mga dagliang pasya kaysa matagalang pag-iisip sa mga mabilisang pagsusulit o pagsubok. Naturol sa ginawang pagsusuri ang mataas na antas na pamamaraan ng utak sa paggagap. Sa pagsubok, k...

Dead cold numbers

WALA pa yatang nangahas na iligpit sa pamamagitan ng kulam ang sinumang Pestedente ng bansa. Tiyak namang tatablan. Matitigok na walang pasubali—no ass ifs, so twats, butts, or similar protruding members are spared. Walang pinipili sa kulam na masahol pa yata sa surgical strike. Anyone bites the dust. Ikinatwiran noon ni Manoling Festin Martinez—ex-seminarian na batikan sa theosophy at isa sa mga katoto ni Ama—na mayroon daw kakaibang mahika na lulukob na parang protective shield sa sinuman kapag nakaluklok na bilang Pangulo o Panggulo, Presidente o Pestedente na parang pababang spaghetti na al dente. Kaya raw hindi basta tatablan. Pero sa huling tuusan, tatablan pa rin ng kulam kahit pa 10-foot thick tempered steel with Teflon-coating ang kapal ng pagmumukha. Sakaling umaabot sa P129 billion ang tipak ng pork barrel na kinopo ng nakaluklok sa Palasyo, baka naman humirit ang kukulam—tropang paktol man o parakaraw-- ng kahit 10% commission of the heinous crime. Aabot din sa halos P13 bi...

Mural lessons, moral lesions

MY favorite panel in that P50-million or so mural cum feast for white ants at the National Press Club is one which depicts an hour glass where a big shot’s hand pours coins of the realm that trickle down as transmuted typescript with two or three bats hovering like moths over the ripple of words. That tells me words—in due time to round out a prelude to the gospels, “In the beginning was the Word”-- can be precious and be light-like that draws those oriental sigils of longevity, those bats. I take that to mean writings can endure, paintings may not. Why, the same panel has attracted hordes of termites as an uncared-for book does. The adjacent panel has the same big shot’s other hand garroted around the head—all senses clamped shut-- of a writer banging away at copy that stretches way, way out like a highway paved with verbiage. ‘Tis an old maxim in the schools that flattery’s fed to fools. So I’ll take such a sight anytime with a grain of assault. Maybe, Enteng Manansala and his crew o...

Kidlat mula Ampasit-Puguis

NI HINDI yata nakapaglaro ng qi gong o sining ng hininga sina Ama’t Mama habang nagliliwaliw—oops, migratory bird umano ang liwaliw na gumagala sa mga taniman bago dumating ang tag-ulan at itinuturing na sagisag ng kasaganaan—sa kagubatan ng pino sa Ampasit-Puguis ng La Trinidad, Benguet. Nasabi sa amin ni Ama noong paslit pa kaming apat na magkakapatid—Bilog, Podying, Kukudyu (ako) at Puwit—na malakas raw ang agos ng dragon currents ng lupa na dumadaloy sa punong pino o pine tree. May payak daw na paraan sa qi gong para mapadaloy sa katawan ng tao ang naturang agos-dragon mula dibdib ng lupa. Pantungkab raw sa plema ng may ubo, pampatibay ng puso at baga, panlunas din sa hika. Kailangan lang daw yakapin ang puno. Ganoon lang kadali. Hindi kailangang idikit ang katawan sa puno habang nakayakap. Isayaw ang hininga sa wastong indak. Iguhit sa ulirat na dumadaloy ang agos na tila malamyos na kidlat mula kaliwang palad, naglalandas tungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sumasagitsit, suma...

Sipat-sukat sa bobotante

LAWAK at mga antas ng tarik ng lupain ang sinisipat-sukat ng mga agrimensor o land surveyors. Nakamulatan na nga ng mga nakatatanda sa atin ang ganoong katuturan ng survey. Tahasang sipat-sukat sa lupa. Para matukoy ang mga hangganan na pagbabaunan ng mga panandang muhon sa santipak na lote na titirikan ng pamamahayan o lawak ng lupain na karaniwang ilalaan sa sakahan. Payak na pakay. Kaunti na lang ang sablay sa mga matutukoy sa sukat-sipat ng mga agrimensor. Mas madali nang makaguhit ng mapa batay sa mga malilikom na bilang. Ni hindi malilihis pati sa GPS o global positioning system na nakabatay sa sukat ng mundo na nasipat mula kalawakan. Halimbawang nakalatag sa kabuuan ng 14o north 38” latitude at 121o east 3” longitude ang pamamahay na babanatan ng intercontinental ballistic missile, ikakarga na lang sa targeting device ng ICBM ang naturang posisyon—hindi na aasintahin. Tila kartero na sasadyain ang naturang lunan—at buburahin iyon sa mapa matapos ibagsak doon ang special deliver...

Baka talisay ang kailangan kung mabilis nilalabasan

KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.) We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).” For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond? Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond . Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang , at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa . Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang ku...

Feat of clay

AFTER the so-called EDSA III that saw hordes of the unwashed and have-nots attempting to storm the gates of Malacañang, the top tenant in the Palace mended fences. Why, the wrought-iron fences were raised higher. Electrified, too. Now it would be more than shocking and forbidding to gain entry into the Palace grounds. To that neat feat, we can add the renaming of the 5.1-kilometer Central Boulevard running through the 1,500-hectare reclaimed area, Manila’s Bay City. That stretch was renamed President Diosdado Macapagal Boulevard and made it to the books as the world’s priciest road, why, taxpayers coughed up P1.1 billion to get it paved and dotted with a sprinkle of greenery. Or maybe it was chicanery—over P21.5 million sunk per kilometer of paving and greening is way too incredible. Need we add another P1.1 billion feat of fund juggling off non-existent fertilizer allocations, the monies eventually lining the pockets of certain lawmakers and local government honchos? And who has not h...

Dance with dunces

A LOOMING water shortage won’t be much of a worry to certain species of reptiles. They can slow down their own signs of life, say breathing, gorging on food or taking water to keep body mass intact. They can play half-dead—the exact term is hibernation which sounds too close to nation. Reptiles like that are, for short, called Rep. A liter of water costs more than a liter of premium gas any time. But sometimes a few drops of spittle turn out to be costlier burden on a consumer or taxpayer’s pockets. Say, the sort of spittle that time and again mists the august halls of the House of Rep. We can zero in on one instance. Our reporter Tita C. Valderama’s story which saw print December 1, 2006 bore this four-decker: “GMA’s allies: Cha-cha more important than water crisis.” Wow! That report was as mouth-watering as the waxed-neat fringes about the cleft ‘tween Britney Spears’ thighs that we see a lot of these days. So we can drool and revel over the revelation. As the Valderama report bears ...

Sa pagsubo napapasubo (Standard Express)

NABANGGIT ni Will Smith sa isang panayam na bumilog at tumambok ang kanyang tumbong sanhi ng ilang buwan na paglantak niya sa iba’t ibang putahe ng manok. Tiyak na pulos fried o roasted chicken lang— hindi pa siguro natitikman ng kumag ang pinikpikan o tortured-to-death chicken, manok na pinaupo sa asin, kinalangkang o steamed chicken na pinigaan ng kalamansi sa huling yugto ng pagkaluto sa singaw. O pininyahan, free-range chicken cooked with pineapple slices to tenderize the stringy meat. O pinatisang inipit—a pullet grown in a too-cramped bamboo cage to prevent any movement, force-fed with whole grain corn that results in a fowl thick with fat and all-too-tender meat that melts in your mouth. Pihong pawang assembly line chicken lang ang nangasab niya—‘yun bang 45-day chicken na parang binuo sa pabrika. Sa loob ng sambuwan at kalahati kailangang umabot ang sisiw sa tamang sukat. Dapat na sangkilo o higit pa ang timbang para maisalya na sa pamilihan. Kailangang tugunan tustusan ang pag...

Linteknolohiya! (Standard Express)

NAKAW na mga sandali na lang daw ang naiuukol sa usal at salsal ng dasal. Kaya anuman ang lunan at pagkakataon, idinaraos daw na tila umuusok sa pusok na pakikipagtalik. Nagkataon marahil na habang nasa biyahe ng kanyang nasakyang pampasaherong jeepney nang sumpungin sa kanyang panalangin. Pagkain din daw ang dasal. Bumubusog. Nagtutustos ng kung anong sustansiya. Parang high-protein snack. Kapag inapuntahan ng pagkalam ng kung ano sa dibdib at utak, kailangang lumantak. Higit limang beses na kain sa buong maghapon at magdamag. Hayun nga. Tila batis na ibinulwak ng bunganga ang tuloy-tuloy na daloy ng pagbati sa isa sa mga pagpupugay kay Allah. Paanas lang. Parang sumisingasing na ahas bago tumuklaw. “Ya Mumitu Allahu akbar!” Dakila ka Ama na kumikitil ng buhay. Ganoon ang katuturan niyon. Hindi ito pagpupugay na mauulinig sa mga Pro-Life. Hindi aabot sa 500 bigkas ng ganoong pagbati para maantig daw si Tar’athyail, ang tagapangalaga o khodam sa isa sa may 100 panawagan kay Allah. Taga...

Kape sa kisapmata

SA mga huling taon daw ng 1960—ni hindi pa ‘ko diklap ng libog sa balintataw ni Ama na uhuging paslit pa noon—nang una siyang makatikim ng instant coffee. Nakalagay sa lata. Pulbos na mas pino pa kaysa dinikdik na buhangin. Parang abo na kakulay ng lupa. Sangkutsarita lang sa sambasong tubig, kumukulo man o hindi, meron nang kape sa isang kisap-mata. Panahon iyon na nagtitingi raw ng roasted coffee beans o binusang buto ng kape sa alinmang palengke. Konti lang ang pagpipilian— excelsa, robusta, arabica, liberica na pawang uri ng bunga ng kape, may kani-kaniyang katangian sa latay ng lasa at halik ng halimuyak. Sa mga nagtitipid o hindi nakahiligan ang paninibasib ng sangkap na caffeine ng kape sa ulirat, may mabibili ring binusang buto ng utaw o soybeans. Naibubusa rin daw ang bigas at buto ng okra, 100% caffeine-free at malalantakan pati latak. Samut-saring tatak ang unti-unting bumaha sa pamilihan simula noon. Nescafe. Blend 45—wala yatang blend .22, .357 o 5.56. Café Puro. Café de M...

Saway sa sayaw (Standard Express)

ISALIN man ang alak sa orinola, mananatiling alak. Ilagay sa timba—alak pa rin. Ibuhos sa batya, alak pa rin. Anumang anyo ng sisidlan, hindi magbabago ang katangian ng alak na isasalin. May mga pagkakataon nitong nakalipas na nakainuman ni Ama ang naging gobernador ng Eastern Samar, si Ben Evardone— mahiligin pala sa whiskey. Jack Daniel’s daw. May kung ilang ulit yatang sinasala sa uling ng kung anong puno ang naturang inumin. Chicory? Probably oak. Brandy and rum are aged in oak barrels. Aging is a process. Charcoal filtration is supposed to improve the liquor’s flavor. That too is a process. That must have given that bloke the notion on flirtation with Cha-cha. Filtration. Flirtation. Magkatugma’t magkatunog nga naman. Cha is tea. Oolong ang matagal nang paborito ni Ama. Sapul nang maging siyota ang isang Tsinay na naghihilamos daw ng oolong sa mukha hanggang dibdib para kuminis umano ang kutis. Banayad ang pait na may mayuming tamis ang lasa ng oolong—na nakagawian daw niya noong ...

Sa taon ng piggy bank (Standard Express)

NAKASUMPONG ng dalawang katutubong baboy si Ama sa pampang ng isa sa mga hilahod na bayan na nakasalagmak sa baybayin ng Ragay Gulf sa Bondoc Peninsula, mga unang taon ng dekada 1990. Lumukso raw ang kanyang dugo sa galak nang lubusang masipat ang dalawang baboy, kapwa nanginginain ng mga inanod na layak at damong dagat, mistulang baboy-damo ang anyo. Nakasalang pa sa Senado nang panahong iyon ang panukalang batas na lilikha ng gene bank para tipunin at pagyamanin ang katutubong kalabaw—na mula sa damulag na laki, muntik naging sinliit daw ng daga sanhi ng walang patumanggang inbreeding o animal incest. Higit sandipa at pitong dangkal raw ang inaabot na haba’t laki ng grass carp mula China. Umangkat nga pala nito, isinalin sa mga ilog at lawa sa iba’t ibang panig ng bansa para dumami. Pinangalanang Imelda dahil kumikislap na tila alahas ang mga kaliskis nito. Sa walang humpay na inbreeding sa naturang mala-dambuhalang isda, nakalikha ng goldfish. Kung hindi raw napigilan ang inbreeding...

666 = 2 x 3 x 3 x 37 (Standard Express)

ILANG taon ding nakatatak sa katauhan ni Ama ang kakatwang kumpol ng bilang—666! Tatak daw iyon ng kung anong halimaw. Mauugat ang halimaw sa katagang Malay. Harimau. Ganoon ang tawag nila sa leon. Na kapag binaligtad, lalabas na noel, Pasko. “The first Noel the angels did say was to certain poor shepherds in fields as they lay.” Dagdag na kulubot sa inyong utak kapag naturol na tahasang tinutukoy ng Pasko ang alay na kordero o paschal lamb na nagmula naman sa katagang Hebreo. Balik-aral sa Sunday school. Matapos hasikan ng samut-saring salot at peste ang faraon pati nasasakop niyang lupain ng Egypt, inupakan na ng ultimatum na payagan nang lumisan ang sambayanan nina Moises at Aaron na itinuturing na mga alipin at timawa sa lupaing iyon. Ibinubo ang dugo ng alay na kordero o pamasko sa pintuan ng bawat bahay ng mga kabig nina Moises. Para lampasan sila ng matalim na kalawit ng anghel ng kamatayan. Mismong mga alay na kordero ang inihaw at ginawang hapunan nang gabing iyon ng paglampas...

Fairy tales (Standard Express)

TAONG 1628 nang isilang sa araw na ito (Enero 12) si Charles Perrault ng France, sumulat ng mga kinagigiliwang kuwentong pambata— Cinderella, Sleeping Beauty, at Little Red Riding Hood. Sa Holland nitong 1807, iniulat ang pagsambulat sa araw na ito ng isang sasakyang pandagat na may kargamentong pulbura na naglalayag noon sa isa sa mga kanal ng lungsod ng Leyden—200 bahay ang warak, 40 batang mag-aaral ang patay, giba ang mga gusaling pampubliko, nawasak halos ang buong lungsod. Pansin lang batay sa naturang trahedya: delikado pala ang mga nasa Malacañang sakaling sumambulat ang, halimbawa lang, isa o dalawang LPG carrier vessel na dumaraan sa bahagi ng Ilog Pasig sa likod ng Palasyo. Tiyak na tupok pati kaluluwa nila, kung meron man. Sa hangad na mapigilan ang sambulat-digmaan ng India at Pakistan, sinimulan sa araw na ito ni Mohandas Karamchand Gandhi ang kanyang huling ayuno o fasting. Hindi na niya nasilayan ang pagbabalik ng kapayapaan sa kanyang bayan. Bago magtapos ang Enero 194...

May mga pagkakataon, pagkataong iwinawaksi (Standard Express)

NAGING palamuti sa lapad na pasong kinatatamnan ng punggok na balite ang kalansay o exoskeleton ng isang suso. Napulot sa isa naming akyat sa Mt. Makiling. May nakapagsabing lasang manok ang laman ng suso na nanginginain sa mga layak ng dahon at tangkay ng halaman sa pinakasahig ng dawag. Bukod sa laman, may kaalaman daw na malalantakan sa naiwang kalansay. Inilalarawan daw ng naturang kalansay ang Fibonacci sequence — 0+1, 1+1, 2+1, 2+3, 3+5, 5+8… o 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8,13, 21… -- na matatagpuan sa kalikasan. Sa tila walang ayos na salansan ng mga dahon sa halaman, o talulot sa bulaklak, sa hanay ng tangkay sa pumpon, sa pagtining sa gitna ng tornado. Katumbas din ng iglap na hagupit ng lakas sa puyo ng alimpuyo, sa mata ng bagyo. Sa pinakamatingkad daw na aral na mauungkat mula Fibonacci sequence , magagamit sa pagkilos. Sa galaw. ‘Yun ang sabi ni Ama-- na hindi ko matiyak kung may nakikita ring Fibonacci sequence sa mga katakam-takam, mga bisaklat na bilang na 36-24-36. An adjacent ...

Vampira (Standard Expess)

HINDI lang bulwak ng dugo mula ginawak na carotid artery o jugular vein ang sinisibasib ng vampira. Mayroon pang ibang mas mapanganib kaysa mga mandurugo o sumisipsip ng dugo… Sabi nga, they’re at the top of the food chain and we’re just plain nourishment for ‘em . Marso pa nitong nagdaang taon nang humingi ng tulong si Ama sa mga katotong tumutulak tungong US para maibili siya ng mga binhi ng casabanana . Maipupunla sana pagsapit ng panimula ng tag-ulan, aasam sa pagyabong, pamumulaklak, pamumunga ng naturang halamang baging matapos ang mga 45-60 araw mula pagsibol. Ilang araw bago sumapit ang Pasko nang mapasakamay ni Ama ang apat na butil ng binhi ng inangkat na halaman, nasumpungan sa isang seed mail order company sa Texas. Lilihis na sa panahon kung tatangkain pang ipunla upang sumibol sa unti-unting halihaw ng tag-araw. Isinantabi ang apat na butil ng binhi. Maghihintay sa angkop na panahon. Casabanana? May masidhing samyo ang casaba o pinakapalasak na uri ng milon na mabibil...

Tigalpo (Standard Express)

SAGLIT nawaglit sa isip ni Ama na tatablan ng libog ang sinumang babae, lalo na’t kulang sa irrigation. Kahit pa inihahanda sa pagtanggap ng kaalamang lihim, may pagkakataon na sa silangan hahapay ang isang pigi’t sa kanluran naman ang isa pa upang salpakan ng muhon ang balon. Sa madaling sabi’y nabigyan ng irrigation —napairi siguro – at muling nakatupad sa banal na tagubilin. Tumihaya, este, humayo’t nakarami. Nabuntis nga. Pero hindi si Ama ang may kagagawan ng hinalang himala. Kahit siya matulis, hindi naman harumpakan ang pakay ni Ama sa naturang babae. Anthropological research daw. Rather than swap bodily fluids, my old man intended to swap notes about a certain know-how that was revealed by an elder of hers to that female respondent. Something bout a certain death sentence. Matagal din kasing naglaro ng qi gong o sining ng hininga si Ama. Sumasabay noon sa mga Chino tuwing umaga. May mga bahagi ng galaw ng katawan na sinasaliwan ng isa-dalawahing pantig na kataga. Na nagpapati...