MERON bang aso na sasagpang sa amo kapag hindi pinakain? Wala yata. Aba, sinaunang paniwala na bawas sa malas at masamang karma ang pagpapakain sa aso. Nagbabadya nga ang magandang kapalaran at tagumpay kung makakasalubong ng aso na may sakmal na pagkain sa bunganga… Sa ilang nayon ng Pambuan sa Gapan, Nueva Ecija natatandaan pa marahil ang kung ilang himala-- nagpagaling sa mga maysakit, nagtaboy ng mga mandarambong at nagbungkal ng nakabaong gusi ng ginto ang aso daw ni San Roque… Kaya imahen niyong aso ang sinasabitan ko ng tuhog ng sampagita hanggang sa ngayon… maisasama sa paglilitis sa mga Ampatuan at kampon… baka magbungkal ng itinatagong kayamanan… kapag may sinagpang… nilamon nang buhay, tinding katibayan na may magandang kapalaran at tagumpay kung makakakita ng asong may sakmal na tipak ng pagkain. Naumpisahan kasi sa pagpapakain sa alaga… kung sigbin, kailangang duruin ang daliri’t ipasipsip ang dugo… gano’n din raw kung mga kulisap na pambarang ang alaga… mas mainam ngang p...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.