Skip to main content

Posts

Takdang aralin

WALANG mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan. Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan. Ganoon yata ang pakay ng gurong nagbigay ng takdang aralin sa isang pamangkin, unang taon sa Philippine Science High School … ipinapatunton sa isang supling ng tinatawag na Generation X ang kanyang pinagmulan… lalambitin siya sa mga pangunahing sanga ng family tree… at ako ang binulabog para makatulong sa pagtonting, oops, pagtunton. Salsila o genealogy ang ganoong pagtunton, and genealogy whispers of the genitals… of which the female endowment I am quite fond of, uh, the Koreanovela “Jewel in the Palace” aired years ago at GMA-7 fingers at, pun intended but we can use instead , dahil ito nga’y pagtuturo siguro (sex education) “points to” the female jewel or labia. “Ampil” ang panggitnang pangalan ko, na taglay na apelyido ng pamangkin. Nagmula ang mga Ampil sa mga liping Khmer—na bihasa sa genocide , mala...

Edad-29

HINDI kailanman nagpalipad ng orasyon sa gayuma… hindi mahirap bumasa ng ibinubunyag o tahasang ibinubuyangyang ng katawan, body language … nakakabahala ang inihahayag ng katawan ng kausap, edad-29, “ikagagalak kong ikaw’y makadaupang-ari.” Kaedad siya ng tanging anak na babae… dalawang apo na mula sa anak. Nagsabi pa ang ikatlong anak… mamamanhikan na raw kami’t kasunod na niyon ang pakikipagtaling-puso sa kanyang kaliyag ng may tatlong taon. Makikipaglaro’t magbibigay-aralin na naman sa mga isisilang na apo… Wuyiquan. Shorin-ryu karatedo. Jujutsu. Chess . Kali-dumog.Tumbang preso. Paghuli ng tutubi, salagubang, gagamba’t iba pa. Pagkilala sa mga pakikinabangang halamang-ligaw. Taguan-pung. Nemo dat quod non habet . ‘Yun nga ang talagang lalabas na sagwil, balakid, sagabal o hadlang… nemo dat quod non habet , hindi maibibigay ng sinuman ang hindi niya taglay… tig-24 oras lang ang paghahati-hatian sa isang araw. Napakaraming humihingi’t namamalimos na pag-ukulan sila ng kahit katiting ...

Nisi ut valeas

PUMALO sa higit 120 taon sina Lola Berta (masaya siya kapag binigyan ng sampaketeng Philip Morris 100s sa Pasko) at Lola Anday ( La Yebana, La Dicha, Magkaibigan at Balintawak naman sa kanya). Chirpy spirits both, kapwa marikit na ibong maria kapra… pero dahil sa kanilang mausok na bisyo baka sila mabansagang maria kapre. Record-setter din ang isang lola sa France, umabot sa edad-122 kahit hitit-buga rin ang hilig. Isa sa itinuturong sanhi ng kanilang tibay kontra tambutso ng tabako ang taglay na saya sa kalooban… masayahin ang dalawang lelang. Happiness turns up a potent biochemistry that deters the lethal effects of a smoking habit, some findings show. As Jesus Ben Sirach would assert in Ecclesiasticus 30:22-23, “Gladness of heart is life to a man, joy is what gives him length of days.” Idagdag na rin ang kanilang genetic make-up hardwired for longevity —mana-mana ‘yan mula sa matibay na ninuno at talagang isa lang sa bawat 10,000 katao ang umaabot sa edad-100, ayon sa mga pags...

Asoge

NAGMULA pa sa Paracale, Camarines Norte ang bumili ng ilang pirasong kagamitan para sa kanyang mga tauhan—hindi aakalain na paldong pera ang dala niya sa lukbutan, pulos kaliwaan ang bilihan ng pambomba ng hangin at ilang kilometrong haba ng tubo na dadaluyan ng hangin na pantustos-hininga ng ilang minero na nagdudukal ng mga tipak ng bato’t lupa… na paghahanguan ng madadalisay na ginto. Asoge pa rin daw ang gamit nila para kumapit ang hilaw na metal… apoy mula suplete ang pandalisay… kumikinang na mumunting tipak ng abo ang hihiwalay, iiwan ng matinding init ng liyab… at sasalin naman sa hangin ang asoge. Paulit-ulit na sasalin sa hangin ang hindi matuos na bulto ng asoge sa bawat pagdadalisay ng ginto. Malalanghap, sasalin sa baga, puso’t aagos sa dugo’t lalagak hanggang sa utak… unti-unting mamiminsala. Sinaunang kasabihan: “Kangino ba pakikita ang ginto kundi sa sintu-sinto?” Paulit-ulit na magsasalya ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang nakausap na namumuhunan sa minahan sa...

Amore... mangare, dormire

MATINDING sakit daw ‘yang pagreretiro… retreat o pagsuko ang katuturan nito. Kaya yata kalapit ng Retiro ang La Loma… at Manila North Cemetery. Hindi na nagsusulong ng pension fund payments ang mga hinayupak… kaya pala kahit pumalo kayo sa edad-65, ‘yung karampot na pension … maghihintay pala kayong datnan ng ika-30 ng Pebrero. ‘Yung kainuman nating Ricardo Trinidad, dating estudyante ni Sifu Shakespeare Chan sa bengkiam kung fu , retirado rin… bumalik sa pagsusulat… nakakapanlumo kasi ang halaga ng tinatanggap na pension , hindi kayang isagupa sa umaarangkadang presyo ng bilihin. Nakatanggap din ang abuelo ko ng katumbas ng P2 milyon na retirement pay noon… mabilis na nahulog ang katawan nang hindi na abala sa gawa… how true, work is one of the necessities to be content, hearty and healthy… most of his money defrayed for costs of hospitalization and medication… pati pagpapalibing. The lump sum was a send-off. It pays to make money, small sums will do… make love, twice or thrice a...

Sick education

SA kabuuan ng lunan, hindi matatastas mula Intramuros—panloob na mga pader—ang Puerta Real… hindi basta makakaltas ang sampirasong suriso, kahit ito lang ang ginusto, sa buong bulugang baboy. Eh batugan ‘yung baboy kaya ang binubulog ang kumakayod para may ikabuhay sila… lalo na ang pasusuhing anak. At madalas na hindi sapat ang kita sa paninilbihan sa madalas kong puntahan para lumaklak at mamulutan… malasadong inihaw na tahong o hilaw na sariwang talaba. Natutudyo: “Bakit ba mga korteng ‘kuwan’ ang paborito mo, sir ?” Iglap na mapaklang pakli: “Pampatigas.” Saka ibebelat na paulalol ang dila—sa totoo’y ito ang mudra o pang-antig sa aliw at saya ng bathalumang Kali na nagkukuwintas ng 52 bungong sumasagisag sa mga titik ng wikang Sanskrit… pintakasi rin ng kamatayan, kali-arnis at kalaripayat na isa sa mga ninuno ng iba’t ibang sining-tanggulan. At idadagdag, “’Ta’mo nga, naninigas na’ng dila ko, mwa-ha-ha-ha- hyena !” Uh, 2006 findings somehow point to a theory that women’s prefere...

Balatbat

DALAWA ang nakagiliwan ko sa halamanang kalapit sa dati naming tanggapan sa Malakanyang—magkasunong puno ng yakal at balatbat. Nabubungal ang ngipin ng lagari sa yakal—pinakamatibay ang kahoy sa angkan ng lawaan, isama pa ang narra. Tigas na, kunat pa talaga kaya panlatag na travieza sa riles ng tren… hindi nabubulok kahit mababad sa tubig at halihawin ng matinding init at lamig, panghaligi rin sa mga sinaunang bahay na bato. Pero mas maliit pa sa binhi ng linga o sesame seed ang sa yakal… parang munting butil ng pananampalataya na kapag ipinunla, inaruga’t napalago—ganoon ang tagubilin ng Kristo—talagang titindig na matatag, hindi maigugupo. Ah, balatbat… Marikit na kaanak ng anahaw ang balatbat, abaniko mistula ang malapad na dahon na tila nakalahad na luntiang palad sa pagtanggap ng biyaya. Oo ka, pambansang laro na sa Pilipinas ang halihaw-abaniko o arnis… at abaniko rin ang pamamaraan sa balisong, mayuming paru-paro ang pamatay na pagaspas para lumaslas at umutas. May talim at ...

Paalis na ang paningin ni Lola Anday...

KAYA hindi na siya maibigkis ng mga oras, kahit takip-silim o dapit-umaga’y tila ilog mula Bundok Arayat na aagos ang kawing-kawing na gunita sa masasal na usal ng salita. Ganoon yata ang tumatanda, pinag-uulian… babalik-tanaw uli sa mga karanasan ng lumipas na panahon, mahapdi man o may lakip na matining na saya ang sinuong na karanasan. Parang musmos na kakalawkaw sa malinaw na agos ng nakaraan, lulutang muli ang mga marikit, matingkad na mga kulay na nahalukay… “Gapan” daw ang ipinangalan sa kanyang bayan—isa nang lungsod ngayon sa Nueva Ecija—dahil pinagapang daw nila sa parusa’t pahirap ang mga kumubkob na mga Hapones… Pati ba naman pagkalas at paglilinis ng kalibre .25 pakbung ay dapat ikuwento, eh, wala nang ganoong riple ngayon? Isa lang sa kanyang mga kuwento ang umakit sa aking pansin… hindi kasi malupit, hindi tigmak sa pulbura’t dugo… sa kanilang bakuran napagkamalang gulay na makakain ang pananim na tabako— matingkad ang kaluntian, katakam-takam ang tunog-lutong ng tangka...

Sekreto ng saya

NAGKASUNDONG ilahad na lang muli ang mga nagawa na nila—hindi na kailangan pang bumalibag ng argumento’t makipagpingkian ng laway at lalamunan. Binabaeng manok lang kasi ang maghapong puputak, puputak pero kahit sariling bugok na itlog, walang maitaktak. When someone tries to cut your line, all it takes is see again how long your line have been drawn— kumislap ang mata ng katoto nang banggitin kung paanong nilansag ng kanilang bupete ang monopolyo sa industriya ng telekomunikasyon… na naging dahilan upang sumigla ang kompetisyon… na nauwi sa mas maraming nabuksang trabaho para mabawasan hanay ng mga nagbibilang ng poste. Ganoon ang ginawa noon, ganoon pa rin ang magagawa ngayon—hindi na kailangang subukan ni ungkatin ang track record o isalang pa sa performance auditing. Such past deeds define character— and past feats and misdeeds have a way of catching up on the present, providing ample jolts of happiness… or floods of regret. No, money doesn’t buy you happiness… may mga kakilala n...

MOREGINALIZED!

BASED on 2008 crude costs, a P100 kilo of liquefied petroleum gas consists of (1) P69 cost of raw material, (2) P11 value added tax courtesy of now-reelected lawmaker Ralph Recto, (3) P11 oil company take, and (4) P9 dealer/hauler take. Nangako ang isang kahahalal na kinatatawanan —party list yata ang tawag sa kanila—na ibababa nila ang presyo ng LPG… ganoon ang gusto nilang papelan sa Kamara. Alin sa mga bahagi na bumubuo sa kabuuang presyo por kilo ng LPG kakaltas ? No local legislation can ever snip at prevailing global crude prices, which can go any which way as demand side runs after scant supply. No attempt has been made to repeal EVAT, why, a top finance honcho of the Arroyo administration even suggested to up to 15% the tax take on manufactured goods and professional services. Uh, the P11 oil company take is less than the P12—or 12%-- profit allowed by law in a regulated regime for oil, power, water or the so-called public utility firms. That figure means the downstream oil ...

Alay sa anito

NAG-ALAY ng sangkurot na tabako— itinaktak ang mga giniling na dahon mula Philip Morris 100s at Marlboro Black —sa paanan ng lalaking bignay sa kanang bahagi ng aming pintuan… matingkad na pula, tila dugo ang kulay ng magulang na dahon niyon… promotes good blood flow to the body’s nether member for engorgement, a necessity for engagement under prevailing bed weather conditions. The bright leaf offerings were done on No Tobacco Day on June 1… tobacco offerings to guardian spirits and deities that hang out in certain trees and plants are done on that special day to bring peace and prosperity to the household, so I learned. Hindi na naidamay sa sagradong alay sa mga batlaya’t anito si Noynoy Aquino… tila dahong nalalagas na ang buhok niya… nakalitaw na ang anit kaya sinumang papansin sa kanyang ulo, masasambit na “Anit, o!” Kung nagagawang mag-alay ng Philip Morris 100s at Marlboro Black sa mga anito, sa kanya pa kayang litaw na litaw ang “Anit, o?” Mga brujo at curandera, thaumaturgis...

CABO LIBRO

RIVS, Tolits… ‘tuloy na natin ang proyekto. ‘Labas na natin ang libro… para sa kabataan at kababayang Pilipino sa sarili mang pampang o sa ibayong dagat. Nasulsulan na kasi ang apoy sa ulunan ng panganay naming apo, si Musa… Fahrenheit 451 ! Ibang paglalaro ang sa apo… Iba rin ang paglalaro sa apoy. Pero dapat na tustusan ang gatong sa ganoong liyab. Nalaman namin kusa na siyang nagbubulatlat ng libro sa umaga. Tiyak: Makakagawian na ‘to… At alam naman ninyo ang isa sa tatlong pinakamatingkad na hilig ng mga bilyonaryo saanmang lupalop ng mundo—na natukoy sa pananaliksik ng Forbes Magazine … magbasa… subsob basa ng libro na kung minsan, higit sa apat na oras sa araw-araw. There ought to be something enriching in that so sullen solemn of a habit. Or there must be something as sexy as burying one’s rapt attention between the pages as one does between the splayed thighs of a lover. "You get a lot of 'bang for your book.' It's quite a good return-on-investment in a time of...

HALOBAYBAY

DUDUKAL ng hukay sa buhanginan na hindi aabutin ng paglaki ng tubig—hindi kalaliman, sapat nang may bumukal na katiting na tabsing… saka sasapinan ng mga dahon ng saging o pandan. Doon ilalagak, mabababad ang monamon, dilis, alamang, kahit mumunting tunsoy sa tabsing, tatakpan ng mga dahon… tatabunan upang maburo sa katamtamang alat at likas na mikrobyo sa buhangin… such crude fermentation in brine turns up halobaybay, or watered down fish sauce. Teka, laksa at talaksang salamat sa aking biyenang Dominador Gomez— kampeon ng angkan sa sumping-balian ng daliri (ako ang tinanghal na kampeon ngayon) na tumukoy sa naturang sinaunang pamamaraan. Sa mga sisidlang banga o burnay na ibinuburo ang isda—tinitimbang na ang mga paghahaluing sangkap na karaniwang patas, sangkilong asin sa sangkilong isda. Buwan din ang lilipas bago hanguin ang nakapaibabaw na patis… malinamnam na sangkap sa maraming lutuin ang unang hango… malalabi ang malapot na bagoong na may taglay pa ring halimuyak ng baba eh, ...

Attention deficit disorder

NAGPAPAPANSIN. ‘Yun ang sira. Kasi’y talamak yata ang sakit —attention deficit disorder… na ipagpipilitan ng mga dalubhasa na attention deficit hyperactive disorder o ADHD. Kulang sa pansin, sagad sa samut-saring gawain—ganoon, ayon sa mga dalubhasa, ang mga sintomas ng may ganoong kapansanan sa utak. Mahirap sundan ang ganoong pakahulugan… kasi kapag subsob sa samut-saring gawain ang tao, tiyak na batak ang katawan at isipan… tiyak na masigla’t masaya… kasi nga, earnest brain or brawn work floods the body with bliss hormones—oxytocin, endorphin, adrenaline, amygdaline, somatotropinum, thyroxin and such-- that inundates every hard-at-work individual with a sense of well-being and self-assurance. Pero kung nagpapalaki lang ng itlog, putak nang putak buong maghapon at magdamag, that’s a pathetic case of terminal pathology. Sure ups nuisance value to the rooftops… A disease is a disease even if it brings up nuisance like a pestering chancre. Seen within the perspective of 1980s film ch...

DILABIA, DELUBYO

HUMIMOD ng katitinggil ang dila sa zhongwen dahil nagkasiyota noon ng dilag mula Canton —nakasagap sa kanya ng mga aralin sa sillum gung fu , lalo na sa hung gar o mga pinagsanib na galaw ng tigre’t tagak. Not lucky enough to be born to that tongue—that entails clutching at over 40,000 characters… 20,000 would be enough for me to read a newspaper… a grasp of 30,000 characters would get me tabbed as a learned man. But I’d still be missing out on 10,000 plus characters that leaves an unfulfilled craving to learn some more. Such glut of significance from a 5,000-year old civilization can turn up gluttons , sino ba ang mga dayukdok na sangkot sa $329-million ZTE-NBN deal ? Kantutan talaga ang kuei-i , o pagtatalik ng mga larawang ugat na bumubuo sa mga kataga ng zhongwen… marubdob ang libog ng kaisipan sa kanilang wika… pero kahit na katuturan ng may 108 kilos sa tai chi , isinalin na lang ang kaalaman sa sariling laman… words and their significance can take flesh, find home in the flesh...

Formula feed still rules in RP

IT had to take the arm of the law—Republic Act 76000 of 1992-- for arm-twisting healthcare establishments in the Philippines. It had become legal since then for newborns to room in with their moms—for warmth and solace of bonding and health-giving intake of colostrum, mom’s first gush of milk, dirty-looking yet rich in nutrients and antibodies that curb a host allergies and diseases. That wasn’t the usual practice—which often prepped up the infant to formula feeding that can be very costly. And very deadly. Had hospital-born infants been calves, all it would take is a week for them to turn up dead, succumbing to the onslaught of disease—that’s how vital colostrum is, even to the bovine species. Law enforcement is not too strict. Legal protection for newborn Filipinos isn’t all-encompassing. And no top honcho of any health care establishment has been thrown the books or thrown behind bars. The criminal leniency may account for over 16,000 deaths of under-five children yearly that could ...

Eat veggies, knock out allergies

"LET your food be your medicine and your medicine be your food." Hippocrates, the “Father of Medicine” whom health care professionals swear to, plied such counsel ages back. And for a world wheezing up $18 billion yearly for relief against allergies, such princely sum can be better spent on nourishing food… the sort that takes out allergy symptoms and pleases both tongue and tummy. A seven-year study of 460 children in Spain’s Menorca Island found the kids’ diet rich in fruit vegetables and fish spared them from allergy symptoms. Fruits vegetables include tomato, squash, zucchini, eggplant, green bean, cucumber, gourd, okra, ampalaya , and patola . The 2007 findings bolster a previous study that pointed out a fish-rich diet in pregnancy can help to protect children from asthma and allergies. "We believe that this is the first study that has assessed the impact of a child's diet on asthma and allergies and also taken into account the food their mother ate during pregn...

Smoking bad for health… and allergies

A chain-smoking Noynoy Aquino cuts out a smudgy role model for a leader, so like a Fidel Castro or a Winston Churchill with their cigars huffing and puffing to put their lives on the line and away. And maybe they were also shutting off their allergies. A recent study shows that cigarette smoke can curb allergies by decreasing the reaction of immune cells to allergens. Indeed, smoking is murderous to one’s health, unleashing lung cancer, pulmonary disease, and impair the body’s fighting capacity against infections. Lost somehow in the swirl of dire effects, smoking cigarettes has a surprising benefit: cigarettes can protect smokers from certain types of allergies. A study plied by Neil Thomson, a member of Faculty of 1000 Biology and leading expert in the field of respiratory medicine, shows that cigarette smoke decreases the body’s allergic response. The puffs and huffs inhibit the activity of mast cells, the major players in the immune system's response to allergens. Researchers a...

Passion's fruit

DALAWANG punlaan ng passion fruit —inilaan para sa bugtong na anak ng kapatid—ang hindi nakayanan ang nagbabagang panahon, pumalo ang init ng higit sa 36 degrees Celsius o normal na temperatura ng katawan… may sinat ang paligid… nangalirang ang mga punla… tuluyang natuyot kahit alaga sa dilig. Babawi na lang sana sa mga bagong punla pagsapit ng tag-ulan—may nakapangunyapit na mga baging ng passion fruit sa gawing silangan ng aming halamanan… ubrang pumutol ng kahit ilang magulang na sanga… maipupunla. Ganoon sana. Pero nakasumpong ng mas mainam yatang binhi sa sinadyang taunang garden show sa UP Los Baños. Kasinlaki raw ng kundol o snow gourd ang ibinubunga ng nabiling binhi ng passion fruit— about the size of a teapot that holds a gallon… 20 binhi sampakete ng punla, P10 lang… Maliit pa sa butil ng munggo ang karaniwang binhi ng passion fruit, the seeds I now have in my keeping are a tad bigger than an engorged clitoris and, uh, they bear a striking resemblance to that fingerin’ ...

Get some fighting fun in the sun

THE late guru of aikido Morihei Ueshiba spent each morning greeting the sun for hours on end soaking up tons of vitamin D— that may explain how an elderly still kept himself trim and in top fighting form. Ueshiba had fun and saved on funds by basking in the sun. Asthma sufferers can take a cue as recent findings point to low levels of vitamin D are associated with lower lung function and greater medication use in children with asthma. In a paper trotted in the April online edition of the Journal of Allergy & Clinical Immunology, researchers at National Jewish Health bared such findings and added that vitamin D enhances the activity of corticosteroids, the most effective controller medication for asthma. Cite the researchers: "Asthmatic children in our study who had low levels of vitamin D were more allergic, had poorer lung function and used more medications. Conversely, our findings suggest that vitamin D supplementation may help reverse steroid resistance in asthmatic child...