DALAWANG punlaan ng passion fruit—inilaan para sa bugtong na anak ng kapatid—ang hindi nakayanan ang nagbabagang panahon, pumalo ang init ng higit sa 36 degrees Celsius o normal na temperatura ng katawan… may sinat ang paligid… nangalirang ang mga punla… tuluyang natuyot kahit alaga sa dilig.
Babawi na lang sana sa mga bagong punla pagsapit ng tag-ulan—may nakapangunyapit na mga baging ng passion fruit sa gawing silangan ng aming halamanan… ubrang pumutol ng kahit ilang magulang na sanga… maipupunla. Ganoon sana.
Pero nakasumpong ng mas mainam yatang binhi sa sinadyang taunang garden show sa UP Los Baños.
Kasinlaki raw ng kundol o snow gourd ang ibinubunga ng nabiling binhi ng passion fruit— about the size of a teapot that holds a gallon… 20 binhi sampakete ng punla, P10 lang…
Maliit pa sa butil ng munggo ang karaniwang binhi ng passion fruit, the seeds I now have in my keeping are a tad bigger than an engorged clitoris and, uh, they bear a striking resemblance to that fingerin’ lickin’ goodness… 2-3 taon muna ng pagpapalago’t pamumunga bago mapatunayan ang sinabi ng nagtinda… ang RC Fruit Farm and Nursery sa 9945 Makiling St., Los Baños Subdivision, Los Baños, Laguna. Matatawagan sa 0918-573-378.
Wala na akong naabutang pambinhi ng zacamote—na karaniwang sinlaki ng sisidlang galon ng lambanog ang lamang-ugat, anyong kamote dahil malapit na kaanak nito. Ganitong pananim ang mahusay bumihag, humigop sa umaalimbukay sa paligid na nitrous oxide at carbon dioxide—na natukoy na kabilang sa mga sanhi ng global warming pati kakawing na el niño phenomenon… na maghahasik ng apoy ng kombulsiyon sa paligid, saka marami pang Ondoy at Pepeng sa bansa.
Makakabili ng binhi ng zacamote sa 48 Dinorado St., Sta. Fe Subdivision, Batong Malake, Los Baños, Laguna. Tumawag sa 0917-5441-011.
Bahagi ng pamamahinga ‘to, ‘dre… kasi “halaman” ang katagang Malay sa pahina… tala-talaksang elektronikong pahina o “halaman” sa Internet ang patuloy na binubungkal, pinapasadahan sa pananaliksik. Natokahan kasing sumulat ng 36 artikulo… mga teknikal na artikulo… aba’y karaniwang lamig sa paningin at ginhawa sa isipan ang ihihilamos ng halaman…
Hilam sa mata’t hilab sa isipan ang inihaplos ng mga elektronikong “halaman.”
Baka mapagbigyan si Mang Mario Gaytano ng Mario’s Garden sa Baryo Kilib, Lucban, Quezon—matatawagan sa 0919-3461-484—na magsadya ang inyong imbing lingkod sa kanilang halamanan ng iba’t ibang ornamental.
‘Kako’y mahihimok lang akong magtungo sa kanilang lupalop kung may mabubungkal doon na nakabaong prasko ng lambanog na may lamukot ng langka o pasas.
Comments