HINDI kailanman nagpalipad ng orasyon sa gayuma… hindi mahirap bumasa ng ibinubunyag o tahasang ibinubuyangyang ng katawan, body language… nakakabahala ang inihahayag ng katawan ng kausap, edad-29, “ikagagalak kong ikaw’y makadaupang-ari.”
Kaedad siya ng tanging anak na babae… dalawang apo na mula sa anak. Nagsabi pa ang ikatlong anak… mamamanhikan na raw kami’t kasunod na niyon ang pakikipagtaling-puso sa kanyang kaliyag ng may tatlong taon. Makikipaglaro’t magbibigay-aralin na naman sa mga isisilang na apo… Wuyiquan. Shorin-ryu karatedo. Jujutsu. Chess. Kali-dumog.Tumbang preso. Paghuli ng tutubi, salagubang, gagamba’t iba pa. Pagkilala sa mga pakikinabangang halamang-ligaw. Taguan-pung. Nemo dat quod non habet.
‘Yun nga ang talagang lalabas na sagwil, balakid, sagabal o hadlang… nemo dat quod non habet, hindi maibibigay ng sinuman ang hindi niya taglay… tig-24 oras lang ang paghahati-hatian sa isang araw.
Napakaraming humihingi’t namamalimos na pag-ukulan sila ng kahit katiting na panahon. Mapapakamot ng batok sa gawi ng mga gunggong, ubos ang 24 oras sa walang patumanggang katsang, pwe-he-he-he!
Quality time is gold; best to plunk that in shares that pay perpetual dividends.
Madali pang humutok ng mga musmos… ipanuto sa mga wastong gawi na dadalhin nila hanggang sa tumanda’t isasalin sa susunod sa kanila.
Naisalin ang gawi sa mga anak, nakatakdang magsalin muli sa mga apo. Nemo dat quod non habet.
Kasabihan nga ng mga Tsino: “Kikita matapos ang ilang buwan kung maglilinang ng gulay. Tuloy ang kita matapos ang 5 taon kung magsisinop ng namumungang puno. Tuloy-tuloy ang kita nang higit 100 taon kung ipapanuto ang mga musmos.”
Astig masyado kapag nagsasalang ng diskarte na aangkop sa mas mahabang singkad at singkaw ng panahon… hindi sa panandaliang bugso o sutsot ng kapritso’t uso.
Oo, uso na ngayon ang fubu… hindi kaibigang matalik, basta maibigang katalik. Eh, ‘hirap pa naman ng tinatawag na ectopic pregnancy… ‘yung anak sa labas.
Hindi pa rin patas ang mundo, hindi pa nabubuntis ang lalaki.
Choice mom na ang tawag sa single mother ngayon… nagpapahiwatig na pinili nila ang ganoong kalagayan… sila na ang humiwalay sa walang kuwenta o batugang asawa, hindi sila ang hiniwalayan!
Hindi mahirap magbasa ng kislot at kilos ng katawan, lalo na ang ikinakatas na halimuyak ng baba, eh…
Diablolo na nga ako kaya nagagawa pang sabihin sa sabik na nakausap, edad-29 man… o isang nagkamaling edad-19 minsan… take a number, my dear, and wait for your turn.
Buwan ng buhay na kumot ang Hunyo… at maraming buhay na kumot ang nais maikumot kahit na panandaliang pakikipag-ulayaw sa mga sandaling nakaw, mwa-ha-ha-haw!
Comments