WALANG mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan. Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan.
Ganoon yata ang pakay ng gurong nagbigay ng takdang aralin sa isang pamangkin, unang taon sa Philippine Science High School… ipinapatunton sa isang supling ng tinatawag na Generation X ang kanyang pinagmulan… lalambitin siya sa mga pangunahing sanga ng family tree… at ako ang binulabog para makatulong sa pagtonting, oops, pagtunton.
Salsila o genealogy ang ganoong pagtunton, and genealogy whispers of the genitals… of which the female endowment I am quite fond of, uh, the Koreanovela “Jewel in the Palace” aired years ago at GMA-7 fingers at, pun intended but we can use instead, dahil ito nga’y pagtuturo siguro (sex education) “points to” the female jewel or labia.
“Ampil” ang panggitnang pangalan ko, na taglay na apelyido ng pamangkin. Nagmula ang mga Ampil sa mga liping Khmer—na bihasa sa genocide, malagim na halimbawa nga ang Khmer Rouge. Katuturan ng “khmer”-- mga naninirahan sa burol sa Cambodia… na mas matanda ang kabihasnan kaysa China. Punong sampalok o Tamarindus indica naman ang katumbas ng ampil sa Tagalog.
Khmer migrants to the Philippines were of noble birth, mostly royalty who bought vast tracts of land in Central Luzon and certain parts of Manila…the Ampils were landed gentry. Panginoong maylupalop. So, we are men of the soil, men of the cloth, men of the pen and men of arms… ititibok lagi ng aming dibdib at dugo ang paglulupa, pambababae, (oops, ‘kala ko kasi man with the penis, pen nga pala, saka) pagpapari, at pandirigma…
Apo sa talampakan ang pamangkin nina Cecilio Ortiz Ampil ng Bulacan at Juliana Liwag Diaz ng Nueva Ecija. Hindi ko napag-alaman ang mga magulang ni Lolo Elio. Natukoy ko lang ang ina ni Lola Huli: Fernanda de Guzman Liwag na pinsang buo ni dating punong guro at mambabatas sa Senado, Juan Liwag…
Hindi biro ang pagsalsila ng salinlahi… kahit nga sa Bagong Tipan, may mga sangang nabangal sa pagsalsila ni Mateo sa pinagmulang 28 salinlahi ni Hesukristo… halos pulos pater familias o mga ama ang tinukoy pero tahasang isinama sa salsila ang pangalan ng limang babae… apat ang talagang asawa, (1) Tamar, (2) Rahab (3) Ruth at (4) Maria na ina ng Manunubos… isa ang hindi na pinangalanan na naging kabit ni Haring David pero ito ang nanay ni Haring Solomon.
Hindi lang pagsasanay sa pag-ugnay at pagtuklas sa mga lumisang kaanak ang pakay ng naturang takdang aralin ng pamangkin…. Walang mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan.
At ang pinakamatinding layunin: Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan.
Comments