KAYA hindi na siya maibigkis ng mga oras, kahit takip-silim o dapit-umaga’y tila ilog mula Bundok Arayat na aagos ang kawing-kawing na gunita sa masasal na usal ng salita.
Ganoon yata ang tumatanda, pinag-uulian… babalik-tanaw uli sa mga karanasan ng lumipas na panahon, mahapdi man o may lakip na matining na saya ang sinuong na karanasan. Parang musmos na kakalawkaw sa malinaw na agos ng nakaraan, lulutang muli ang mga marikit, matingkad na mga kulay na nahalukay…
“Gapan” daw ang ipinangalan sa kanyang bayan—isa nang lungsod ngayon sa Nueva Ecija—dahil pinagapang daw nila sa parusa’t pahirap ang mga kumubkob na mga Hapones…
Pati ba naman pagkalas at paglilinis ng kalibre .25 pakbung ay dapat ikuwento, eh, wala nang ganoong riple ngayon?
Isa lang sa kanyang mga kuwento ang umakit sa aking pansin… hindi kasi malupit, hindi tigmak sa pulbura’t dugo… sa kanilang bakuran napagkamalang gulay na makakain ang pananim na tabako— matingkad ang kaluntian, katakam-takam ang tunog-lutong ng tangkay kapag napigtal. Namitas ng talbos ang mga Hapones, isinama sa pagkain… hindi maipinta ang mukha ng mga tumikim pa lang, pandalas sa pagmumura habang ibinubuhos sa lupa ang ulam.
‘Yung tungkol sa agimat o dupil na kailangan munang maisalin sa sinumang kaanak bago siya tuluyang lumisan, hindi ko lubusang inungkat… kahit sabihin pang maraming ulit siyang nakaligtas sa matinding sagupaan dahil sa kanyang iniingatan.
Paulit-ulit ang mga kuwento’t kuwenta… bawat dinanas yatang sagupaan o karanasan ay umukit ng gatla… nagsudsod ng malalim na lagda’t butil ng kung anong binhi sa noo’t sa paligid ng mga mata… so defining were those crucial moments she went through.
Did those moments define her? Did such moments rush-flowed into, plowed at her?
Or did her crusty character define every moment she ploughed into?
Did she make things happen? Or did those things happen to her?
Astig naman talaga si Lola Anday… alam naman niya ang mga pinasukan niya.
May napupukaw na saya sa dibdib kapag inuungkat ang mga hakbang na nag-iwan ng maalingawngaw na yabag at bayag sa mga tinahak na landas, sa mga pangyayaring dinanas… “Happiness comes in large measure from past personal achievement according to researchers at The University of Iowa who have identified key predictors of happiness among the oldest old (those ages 85 years and older).”
Patpatin lang din ang katawan ni Lola Anday, parang tangkay ng mangkono na kahit kakapiraso’y sintigas ng asero… taimtim na sumimsim ng samut-saring katas sa lupa sa hamak na pagtindig. Hamak pero mabulas na pagtindig.
T-teka, sa kanya ko nga pala napulot ang paglalatag ng intersecting lines of fire sa pananambang… naisalin ang ganoong antigong kaalaman sa mga supling… ako’y apo niya sa tuhod… pati kaapu-apuhan masasalinan pa rin ng kung anumang agimat o dupil na kanyang iningatan.

Comments