TATAKBO sa panguluhan ng Pambansang Samahang Pindot— National Press Club— si Amor Virata, negosyante’t naging isa noon sa mga pinangasiwaan kong peryodista.
“Suportahan mo ba ‘ko?” untag niya.
“Tagal mo namang nag-isip,” idinagdag nang kung ilang sandali rin akong tumitig lang sa kanya, inaarok ang kanyang pasya.
Tanggapin natin na pulos sa tabloid na lang ang kasapian ng PSP—mas maganda tunog nito, mapaglalaruan, puwede maging kahulugan, “para sa pigsa”. Itinakwil na ng mga nasa broadsheet (babaeng may kumot) at magazine (sisidlan ng punglo, isinasalpak sa pistola o riple)… meron mang natiyanak mula radyo’t telebisyon, garapalang tabloid din ang diskarte nila sa peryodismo… gano’n ang bungad sa paliwanag.
Ondoy sa Marso kapag nakatikim ng sahod ang nasa tabloid… ganito ang katotohanang umiiral na kailangang sikmurain.
Matinding sakit sa ulo’t bulsa na masuba sa bayaran… mabukulan… kaya kahit hindi santo o demonyo, kailangang gumawa ng milagro’t pampatalino katumbas ng mahilab na sahod… na kailangang isulit sa ating pamilya-milya.
Matagal nang kung sinu-sino na lang ang umaako sa pagbabayad ng aking taunang butaw—P1,200-- bilang kasapi ng PSP… kung sinu-sino lang din ang umaako sa pagbabayad ng nilaklak o nilapang… na hindi naman naging pribilehiyo ng sinumang kasapi.
Kahit sino naman ang mahalal para maihanay sa pamunuan ng PSP, tiyak na magiging abala’t sasabak sa mga takdang gawain… tiyak na tatambay sa tanggapan, kasama sa pagbuo ng position papers, pagbuno ng official correspondence… mahihirang na magpanayam o magturo ng mga araling peryodismo sa kung anu-anong kalipunan sa kung saan-saang lupalop ng bansa…
Kaya siguro kung sinu-sino ang aako ng mga bayarin sa PSP para manatili ako sa kasapian.
Pero mas malupit ang pangangalaga noon ng mga kawani ng naging isang concessionaire… Makati Skyline na naging tambayan din noon sa tuktok ng gusaling Citibank sa Salcedo Village… ipinaghahanda na ko ng matutulugan sa Bulwagang Plaridel, lalasingin pa ‘ko sa hinebra, Gordon’s… para ‘kong hari.
Dalawa nga pala ang multo sa aming gusali—nakatoka ang isa sa silid-pulungan, nasa silid ng pangulo ang isa pa. Kapwa takot sa ‘kin, ewan ko… minsang nakatulog sa silid-pulungan si Yoyoy Alano ng Banat (sumalangit nawa ang kaluluwa ng naturang tabloid na para matigil lang, ibinenta sa nakaluklok sa Malacañang, pinatay), sinakyan siya sa dibdib… hindi makahinga… tinantanan siya nang mapasukan ko.
‘Langyang mga multo ‘yan, taga-press din. Dumadagan.
Kapwa kami tumindig, sabay lumakad patungong silangan… mahinahong hinapit sa baywang ang tatakbong kandidato… pinisil-pisil (press, press, that ought to remind her).
“Oy, pulos bilbil na ‘to,” tudyo ko, “hindi ka na seksi.”
“Hindi bilbil ‘yan. Malaman lang. Kasi mola ako!”
Kung mola, talagang umaatikabong harurot at barurot ang napipinto sa nalalapit na halalan sa PSP.
Sino kaya ang mas masarap sakyan?

Comments