Skip to main content

Lastiko


“An elastic body stretches proportionally to the strain.”

LUMULUWAG din sa tagal ng pitas, pitik, kadlit o kalabit ang mga bagting ng gitara… hihigpitan para makuha ang wastong tunog… matagalang tugtugan muli… luluwag, mawawala sa tono… hihigpitan… sa katagalan o nasobrahan sa banat, tuluyang bibigay ang kuwerdas… paigkas na lalagitik. Lagot.

Nalagot man, nakatugtog naman. Talagang tunog ng tugtog ang lalabas kapag sinisikil pahigpit nang pahigpit ang kuwerdas hanggang taginting ng pahimakas.

Natigok man ang buriko, tone-tonelada naman ang inihatid na kargo. Kahit kutyain pa—pero ginawang halimbawa sa salawikain sa pamatay na tangkay ng damo, inabuso-sa-trabahong buriko, saka manhid at walang pakundangang amo.

Buri kong sabyan: natikman din ng kawal na naging gobernador ng isang lalawigan sa Cagayan Valley na dagsain sa araw-araw ng mahigit 30 taong pinamumunuan… bawat isa’y kalabit-penge… kailangan ng salapi para tugunan ang kani-kanilang hinagpis, dusa at penitensiya na maisasahog na pampaasim sa alinmang isisigang na telenobela… lagas pati na kita mula taxpayer, pero kulang pa… natuliro ang pinuno.

Kanginong satanas maisasangla ang kaluluwa para sa walang katapusang daloy ng pera?

Dinikitan na ang windang na punong lalawigan ng mga illegal logging lords and jueteng lords pero hindi naman sila talaga kampon, ampon o panginoon ng impiyerno. Hangad nilang maibsan ang mabigat na pasanin ng pinuno-- sinupalpalan ng tongpats. All told, the soldier-turned-public official was corrupted to driven by his constituents he had worn to swerve, pwe-he-he-he!

Kawawang buriko… talagang nilinta’t nilimatik ng mga “kayo ang boss ko…” and a boss is the handle of a sword, wielded any which way but loose.

Buriko man na dinaganan ng ‘kikiangkas na angaw na hangad manalo’t dakilain sa mundo, hinay-hinay lang ang hataw at hagupit ng pansanay na patpat kay Congressmanny Pacquiao… pampatibay lang sa pag-inda sa sakit na tatama sa katawan kapag sumagupa sa laban.

Kung sa bigwas ng bigat na mapapasan, onsa-onsa lang… paunti-unti pero suson-suson sa dami… umaabot din sa tone-tonelada sa kalaunan.

Kahit sa masiba, kutsa-kutsara man ang nilalantakan, sa singkad ng paglamon… balyenang napadpad sa pampang ang nagiging hugis ng katawan sa kalaunan.

Parang mahabang lakaran, paisa-isa lang na hakbang… tuloy-tuloy lang…kahit na mahirapan… kamukat-mukat, ni hindi na maabot ng tanaw pati malayo nang pinagmulan.

Parang gano’n lang. Napakadali naman ang hinay-hinay.

Aba’y nagsimula nga sa pagkutinting sa bagting ng gitara ang sinulat na ‘to… napadpad sa lirip ng isip ni Esopo… umilandang pati na sa pinamunuang lupalop ng isang dating sundalo.

Pero parang wala namang patutunguhan.

Pero marami na palang nalampasang hangganan.

At hindi na talagang manunumbalik sa dating katangian kahit na himaymay ng malay at laman… kapag unti-unting hinutok, hinatak sa kung saan-saan… malayo ang kahihinatnan.

Mga batugan lang talaga ang napapag-iwanan, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal