Skip to main content

Laklakbayan


“The world is a dangerous place, not because of those who do evil, but because of those who look on and do nothing.”
Albert Einstein


HINDI magsasawa sa kahit iisang tanawin kung laging sariwa ang pananaw… kaya hindi kailangang maghagilap ng iba’t ibang tanawin sa kung saan-saang lupain. Kasi, sa pananaw ng tumatanaw nalalantad ang kariktan ng tanawin.

Say, always see the wife in a new light as a different woman each day… and you’ll enjoy 365 different women in a year, so said a devout Sufi sage… ah, her luscious lushness is wrapped in about 3,000 square inches of skin that can be explored in earnest with touch, tongue, and time.

Hindi man maangkin, hinahagod, hinihimod ng tingin ang dilag… gano’n din sana sa latag ng lunan, masuyo at masuyod na pagtuklas.

Parang pintor na Paul Cezanne na araw-araw sa kung ilang taon na binalik-balikan ang iisang puno sa iisang lunan, iginuhit na paulit-ulit… at ang mga iginuhit na larawan ay lumabas na magkakaiba ang katangian—walang magkatulad.

Parang tauhang Jason Bourne na nilikha ni Robert Ludlum… sa ilang pukol ng sulyap, tukoy kagyat ang mga matingkad na kakayahan at katangian ng mga taong nasa paligid, nasipat pati ang nakasubaybay, pati mga pinto at lagusang bintana na mapupulasan sa kagipitan, parang hinagod na sa palad pati kabuuan ng kinaroroonan.

Parang pangunahing tauhang Maximus sa Gladiator ni Ridley Scott, dadakot ng lupa saanmang larangang lunan, kikipilin sa palad, isasalin sa hininga ang samyo ng alabok, saka titindig. It conveys the impression that one can stand for what he stands on and strides upon.

Parang spectrograph-fitted satellites na nakatanaw sa kaitaasan. Hindi man humalukay sa kailaliman ng sinipat na lupain, sinagap na at inisa-isa ang isinisingaw na mga kulay ng nakabaong gas, langis, ginto, at kung anu-ano pang mineral na mahahango mula dibdib ng lupa.

Hindi naman talaga lunan o tanawin ang sinisipat at sinusukat ng tanaw. Sariling pananaw at paningin ang nailalahad, nasusukat saanmang lunan…

Kung saan-saang panig ng daigdig pumadpad at gumalugad ang isang kakilala… nag-usyoso lang, hindi talaga nag-usisa’t nakatuklas. Kaya nawawala pa rin sa sarili, hindi pa lubusang ginagalugad at hinahalughog ang sarili… ganito yata ang katuturan ng nasabi ni Loren Eiseley, “man is an expression of his landscape.” Pulpol na pangal, o labahang pangil na hinuhugot ang tao sa kanyang lupain…

Topography can offer plain sights. It is the seer who has to glean insights from the lay of the land.

The general-turned-gladiator Maximus gained upper hand and firmer foothold from his grasp of the battleground. Natural historian Eiseley found sure footing for epigenesis, a ground where nurture and culture merge as “nulture.”

Napaglimi ang mga ganito mula sa tinanggap na pagkakakakitaan. Pinabubuo ng 30-minute scripts ukol sa mga magagalugad, mahahaluglog na mga lupalop at tanawin sa bansa. Nagdaan na ang isang anak sa ganitong pagsusulat. Sa Travel Time ni Susan Calo Medina noon.

Magkakaiba na kami ng pagsuyo’t pagsuyod sa kahit gagalugaring Rub-al-Khali, the Empty Quarter that howls in a vacuity of sand and sun… relating the lay and splay of terrain, no matter how empty or full to an inner map that measures vast horizons or so narrow limits of one’s self.

Madaling gawin ang ganito.

KKK = Kikita kahit konti.

Kikita kasi ginagawa. Nagsisipat at nagsisinop, nagsusukat saka magsisikhay.

Hindi talaga nakakakita at kikita ang titingin-tingin lang…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal