LEEG na niya ang mapipitpit, kaya yata tumuga si Chavit Singson—itinimbog sa taumbayan na binabagsakan ng milyones mula jueteng ang kanyang katotong Erap. At siya mismo ang nagbabagsak.
Bagsak ang Erap pero itinayo nga ng Gloria. Na binakbak pa ang parusang bitay sa pandarambong ng P50 milyon— parang pulis na “to protect and serve” ang gawa kaya lusot sila pareho sa bitayan.
Hindi yata maglalabasan ng baho’t sansang kung hindi nagsabwatan ang mga pagkakataon upang masangkalan ang leeg ni Chavit… so he sang.
Ganoon din ang tono sa kanta ni Tibo Mijares.
Mas matindi ‘yung mga kawal na ginawang utusan lang noon… walang tumuga kung sino ang bumaril kay Ninoy, walang nagtimbog kung sino ang nag-utos sa kanila.
Tindi rin ni Mulong Neri kahit sa mga kamay niya dumaan ang kontrata sa AB-ZTE-FG… hindi rin tumuga.
Sintindi niya sina Joc-joc Bolante’t Hello Garci… omerta eh.
Now, you know what I’m driving—neither a backhoe nor a hearse, Dennis-- at… kung kailan pa tumanda ang mama, saka magsisiwalat ng baho-- abot-kamay kasi ang hukay-- ng isang naging numero uno ng bansa.
So will History judge him kindly…Lintik ‘yang sinasabi nilang hatol ng Kasaysayan, ‘yung pagkahaba-haba man ng taru-- este, prusisyon sa huli man daw at magaling… it’s still justice denied.
Any history of our contrivance remains a denial, whether we point to where the bodies were buried… find out who buried the bodies or we exhume the remains for identification. We’re probably getting nearer to a tipping point in grossly gargantuan interment with a backhoe.
So that old man must have wanted to confess, to unburden himself, ah, the onus of unwanted secrets and regrets can wear out, wear down the soul.
Saka ilulublob ka ng ganoong bigat sa ulbuan ng baboy o baka sa kumunoy. Masarap namang maglunoy doon… ba’t kailangan pa ng tinatawag sa huli na katubusan, pag-ahon… coming off clean after wallowing in filth, redemption after hocking one’s soul?
Noon pa sana. Hindi kung kailan tumanda.
Mas masaya siguro ang mga lihim na nag-aangat sa nagtataglay, sa nagpapasan ng mga ito. Ganoong mga lihim ang masayang tuklasin… mga lihim na may pakinabang, hindi ‘yung kung anu-ano lang na paglaladlad ng maruming labada.
Cum tacent, clamant, sabi nga ni Cicero… mas dumadagundong ang hiyaw kapag tahimik, eh, ‘yung matandang gunggong lang naman ang mahilig pumutak sa maghapon, parang binabaeng manok… gustong palabasin na may saysay ang buhay niya. Wala naman.
Sa kagaya ko, hindi na mahilig maghagilap ng scoop, kahit pa mula sa nakaraan… nakita na natin ang naging halimbawa ng 32 sa Ampatuan… dambuhalang scoop ng tone-toneladang lupa ang itinabon sa kanila.
Ipinagtataka ko sa wikang Tsino, walang takda ng panahong nakaraan, kasalukuyan o hinaharap sa mga ginagamit na pandiwa… ‘yung ukol sa gawa.
Sabay-sabay na nagaganap ang gawa sa kahit anong panahon… space-time continum, quantum physics... ‘yung walang gawa ang pipilit sa ngawa.
Comments