“For God so loved the world that He gave His only begotten Son…”
John 3:16
CONTRACEPTION is not abortion. A stitch in time saves nine months, huh?
Ye olde shoppe, so we can glean from the interview transcript ran by a broadsheet, equates abortion with contraception. In his opinion, anyone giving out contraceptives is an accessory to abortion—an act deserving excommunication.
Certain conditions have to be fulfilled before the infidel is shooed out for good.
Hindi naman aangas ang mga puno ng papaya… matindi ang taglay nitong enzymes, lumalantak sa laman para mahimay ang mga himaymay.
Sanlinggong todo-lantak ng pulos hilaw na papaya—sawsaw sa suka’t asin para makain-- ang kahit tatlong buwan nang buntis, laglag ang nabubuong sanggol.
Tiyak na tanggal sa pagiging kabilang sa Simbahan ang papaya, mapipilitan na sayote o upo na lang ang ilalahok sa tinolang manok na kinagigiliwan ni Congressmanny Pacquiao. Tapos ang negosyo sa atsarang papaya ng mga taga-San Miguel de Mayumo.
Delikado rin ang kamatsili. Inilalaga ang balat ng puno nito… iniinom ng anim na beses maghapon para tunawin ng ina ang nabubuong sanggol.
Asahan natin na puputulin ang mga puno ng kamatsili saanmang lupalop ng bansa. Para hindi mapakialaman ng mga nais maglaglag. Laglag mula simboryo ng Simbahan ang kamatsili.
Nagtusak naman ngayon ang atis sa pamilihan… dinidikdik ang buto ng atis, kinakatas… idinidilig ang katas sa buwa ng buntis para malaglag ang dinadala.
Laglag din ang atis mula simboryo ng Simbahan…. Pero karaniwang ratiles o balite lang ang kumakapit do’n.
Tilapon din mula simboryo ang mga hilot na may alam sa “paglilihis” ng matris, laglag-bata gang kasi… hindi na raw makakabuo kapag lihis na ang buwa.
Tiyak na talsik na rin ako mula simboryo sa paglalahad ng ganitong kaalaman sa laglag-bata.
XXX-communicated at lust, yes, but I’ll be in good company.
As the power of concrete example far exceeds the blabber of words, even those howled out by pulpit bulls tiyak na titilapon din mula simboryo ang Erehe, baka madamay pati Ereheredero… one-child policy ang ipinakitang halimbawa, tapos isinalang pa nga sa death penalty ang bugtong na Anak… pro-choice, talagang hindi pro-life.
Pero hindi naman iisang Simbahan lang ang namamalakad na pastol ng mga anak ng tupa’t anak ng jueteng. Pati mga kampon nina San Miguel, Capitan na inaalihan ng espiritu ng hinebra, lalo na Iglesia ni Batman—pawang kabilang sila sa mga tupang pinapastulan at inaakay tungo sa katayan.
Kahit Katoliko balbas-sarado pa ang Pangulo ng bansa, hindi lang mga ampon at kampon ng iisang relihiyon ang kanyang pamumunuan. Kahit sa itaas ng koronang tinik, nakabandila ang INRI—na ang kahulugan umano’y Ilocos Norte Region I—hindi lang kapakanan ng mga Ilocano ang kanyang paglilingkuran.
Kapakanan? That’s using the right hand to explore a woman’s topography, spelunking caves, driving through dangerous curves, and combing across wetness of pastures.
Mwa-ha-ha-haw!
Comments