TATAKBO sa panguluhan ng Pambansang Samahang Pindot— National Press Club — si Amor Virata, negosyante’t naging isa noon sa mga pinangasiwaan kong peryodista. “Suportahan mo ba ‘ko?” untag niya. “Tagal mo namang nag-isip,” idinagdag nang kung ilang sandali rin akong tumitig lang sa kanya, inaarok ang kanyang pasya. Tanggapin natin na pulos sa tabloid na lang ang kasapian ng PSP—mas maganda tunog nito, mapaglalaruan, puwede maging kahulugan, “para sa pigsa”. Itinakwil na ng mga nasa broadsheet (babaeng may kumot) at magazine (sisidlan ng punglo, isinasalpak sa pistola o riple)… meron mang natiyanak mula radyo’t telebisyon, garapalang tabloid din ang diskarte nila sa peryodismo… gano’n ang bungad sa paliwanag. Ondoy sa Marso kapag nakatikim ng sahod ang nasa tabloid … ganito ang katotohanang umiiral na kailangang sikmurain. Matinding sakit sa ulo’t bulsa na masuba sa bayaran… mabukulan… kaya kahit hindi santo o demonyo, kailangang gumawa ng milagro’t pampatalino katumbas ng mahilab na...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.