PUMALO sa higit 120 taon sina Lola Berta (masaya siya kapag binigyan ng sampaketeng Philip Morris 100s sa Pasko) at Lola Anday (La Yebana, La Dicha, Magkaibigan at Balintawak naman sa kanya). Chirpy spirits both, kapwa marikit na ibong maria kapra… pero dahil sa kanilang mausok na bisyo baka sila mabansagang maria kapre.
Record-setter din ang isang lola sa France, umabot sa edad-122 kahit hitit-buga rin ang hilig.
Isa sa itinuturong sanhi ng kanilang tibay kontra tambutso ng tabako ang taglay na saya sa kalooban… masayahin ang dalawang lelang. Happiness turns up a potent biochemistry that deters the lethal effects of a smoking habit, some findings show. As Jesus Ben Sirach would assert in Ecclesiasticus 30:22-23, “Gladness of heart is life to a man, joy is what gives him length of days.”
Idagdag na rin ang kanilang genetic make-up hardwired for longevity—mana-mana ‘yan mula sa matibay na ninuno at talagang isa lang sa bawat 10,000 katao ang umaabot sa edad-100, ayon sa mga pagsusuri.
Resveratrol naman ang itinuturong dahilan sa kaso ng mga matibay na tambutso sa France. Sagana sa polyphenol na resveratrol ang buto’t balat ng ubas… na napapahalong katas na sangkap sa pulang alak… good for the heart, bad for the liver and one’s meager means… kaya nga lambanog o coco vodka ang tinatangkilik ng aming bahay-alak.
May taglay din na resveratrol ang mani at kakaw na binubusa, ginigiling… mapait na sikulate ang labas na sangkap sa tsampurado—paborito ‘to na may kasamang tuyo nina Lola Berta at Lola Anday.
Saka raisin-flavored coco vodka ang nakagawiang simsimin… nanggigitata rin sa resveratrol mula pasas, na sagana rin sa biologically available iron which boosts the hemoglobin, curbs anemia and combines with oxygen to fire up neurons during cerebration… aba’y murang-mura ang pasas kung hahango ng bulto sa Divisoria, lalo na ‘yung hindi seedless…
Hindi na kailangan pang umalak ng pulang laklak, para tustusan ng resveratrol ang kalusugan ng puso’t tablahin ang mga maidudulot na pinsala ng tambutso ng tabako.
Cura nihil aliud nisi ut valeas. Ganoon ang sabi ni Cicero—h’wag daw pansinin ang anuman maliban sa ginagawa mo nang buong husay.
Eh kung wala naman talagang magawa, at wala naman talagang maibugang husay?
‘Yung abala sa gawa’t may ibubuga ang pilit bubulabugin, uusyosohin, tatangahan, bubungangaan…. ‘Ayun nga, kung sinu-sino na ang kumatsang ng ex mea sententia pati kay P-Noy ukol sa kanyang ibinubugang kapre-tso.
Barack Obama’s or Noynoy Aquino’s smoking habit doesn’t bother me. My smoking habit doesn’t bother them.
Comments
We are hoping for your favorable response regarding this matter. Should you have any queries, I may be reached at 09173870800.
Thank you!