Skip to main content

Sinantukak


NAUNGKAT sa pagsasangla ng kaluluwa ni Faust sa diyablo kung ano ang mas mabilis umigkas kaysa 300,000 kilometro bawat segundo—ang tulin ng liwanag. Isip daw.

Balikan ang m = E/c2, masisipat na mas mabilis palang makapagbawas ng bulto ng bigat (mass) kung ibibigkis ang isip sa liwanag… kaya yata naging labaha sa nipis ang tabas ng katawan nina Siddharta at Hesukristo matapos paigkasin at ibigkis ang isip sa liwanag…

Magandang halimbawa ‘yan para sa mga ibig magbawas ng timbang at naghahangad mapaganda’t maging katakamtakamtakam ang hubog o hubong katawan.

Lintik naman sa tindi ang iigkas na enerhiya o lakas kapag magkaniig ang kahit konting bigat (m) at magkabigkis na bilis ng isip/liwanag (c), o E = mc2.

Aikido, qigong, wuyiquan, taiqiquan, shorin-ryu karatedo… pulos nakasalalay sa mahigpit na gagap sa mga batas ng physics—isa sa mga kinagigiliwan kong aralin hanggang ngayon, walang humpay sa tangka na ibigkis ang isip at liwanag.

In the 1920s, researchers at Springfield College in Springfield, Massachusetts caught a number of frogs, tied up one of their legs. In two weeks, the bound legs had grown bulkier and stronger.

Nakabigkis ang isang paa, nagpumilit ang palaka na igalaw ito… and it must have taken all pent-up, wound-tight energies of mind and body to cause a bound leg to stir.

Talagang kapag pinigil, manggigigil.

Nang makalag na ang bigkis, pumapaling na ang katawan bawat igpaw ng palaka… nakagawi sa mahinang paa… ginagamit na pantukod, katangan o fulcrum ang mahinang paa para umigkas ang mas malakas.

Sa may kaalaman sa sikaran, madali nang basahin ang pagpaling ng katawan… pati na ang igkas ng paa. Reading is a lot more than making sense of words, grasping both intent and content. Mas masayang bumasa ng galaw… at ipagkakanulo sa anyo ng alinmang katawan kung dumaan o hindi ang mga bahagi nito sa bigkis…

What about minding the bind, whoopsydaisy, binding the mind? Ibibigkis ang isip para lintik sa tindi ang igkas at bigkas?

Aba’y naglipana kahit saan ang may maluwag sa kokote… it’s a tall order bundling up the mind in a tight knot, keeping it in taut reins. Keeping mind in a bind, that’s along the way to mastery… kakaunti silang mga maestro na makakapagturo ng pamamaraan.

Para sa mga apo na lang ‘yan—para hindi papalag kapag iginapos na ang katawan at isipan sa mga aralin. Physics lessons aren’t exactly likeable and they won’t likely like the lessons they’ll go through.

Pagbabalik-tanaw din ‘to sa naging unang guro namin sa physics, si Miss Elizabeth Lim, ‘musta na kayo, ma’am?

Pasasalamat na rin sa isa sa mga masugid na sumusubaybay sa pitak na ‘to, isang nuclear physicist, ‘musta na ‘dre?

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...