Skip to main content

Kontra-dengue


Knowing is not enough; we must apply.”
Johann von Goethe

PAALA-ALA’Y gamot sa nakakalimot.

Naihanay na natin ang mga halaman na kinamumuhian ng lamok sanhi ng taglay nilang biochemicals: (1) albahaka, balanoy o sweet basil, (2) tanglad, citronella or lemon grass, (3) amarilyo, marigold or bride of the sun, (4) malvarosa, (5) manzanilla, dolontas o chrysanthemum, (6) madre de cacao o kakawate, (7) linga o sesame, at (8) sweetsop, sugar apple o atis na ang katas ng giniling na buto, ipinapasok sa buwa upang maglaglag ng sanggol na dinadala sa sinapupunan…

Makakabili ng mga naturang halaman sa mga nagtitinda sa (1) Manila Seedling Bank Foundation, kanto ng EDSA at Quezon Avenue, Quezon City, (2) Bureau of Plant Industry nursery sa Visayas Avenue, Quezon City o San Andres, Maynila, o kahit sa mga nagtitinda sa (3) likuran ng Mahogany Market sa Tagaytay City.

Binanggit na rin sa isang naunang pitak na huwag munang magkakain ng saging dahil may taglay itong sangkap na talagang paboritong lantakan ng lamok… mainam din na may tanim na saging sa bakuran upang ang murang saha nito ang sabakan ng sigid ng mga lamok, pati mga babaeng Aedes aegypti na naghahasik ng lagim ng dengue.

Mayroon pang matatawag na asymmetrical lines of defense against hemorrhagic fever-causing mosquitoes… mas mabangis kaysa mga halaman ang mga ito… they’re efficient, highly mobile and are as unflinchingly ruthless as elite forces.

Sa pangitlugan ng lamok kumikilos ang (1) buriring—that’s the common colorful guppy—(2) gurami at (3) kataba, mga isdang kanal na walang patawad sa paglamon sa kiti-kiti na nagiging lamok…

Katulong din nila sa pagsila sa kiti-kiti ang mga ‘sanggol’ ng (1) tutubi (newly hatched nymphs of damselflies, scorpion flies, and dragonflies), (2) karag (toad), at (3) palaka (frog). Lalong mas mabangis sa pagdagit ng lamok at iba pang pesteng kulisap ang mga ito matapos magbanyuhay o metamorphosis into adult forms.

Kasama rin sa digmaan kontra dengue ang mga butiki (lizard), tuko (gecko),
mandarangkal (praying mantis), at iba’t ibang uri ng gagamba... aba’y marikit ang kulay ng mga gagambang talon (jumping spiders) na naglisaw sa aming pamamahay…may namahay pa ngang pampasuwerteng gagambang kalabaw sa timog silangang bahagi ng bakuran.

Parang balik-aral sa integrated pest management sa paglalahad ng ganito…parang mga pananim ang pakay na iwaksi sa pananalasa ng kung anu-anong mapamuksang sakit at peste… parang aralin sa entomology o pag-aaral sa mga kulisap.

Sintomas lang kasi ng mas malubhang sakit ang pananalasa ng dengue… na kikitil pa ng libu-libo, bata man o matanda. Tiyak na marami na ang nagkandabuhol ang kilay at noo nang isiwalat ang pangalan ng samut-saring halaman, samut-saring mumunting nilalang na namumuhay sa mga sapa’t kanal o sa mga imbakan ng tubig… kung anu-anong kulisap na tumatahan, gumagalugad sa mga taniman at halamanan.

Bahagi silang lahat ng masinop, mapanlunas at mapagkupkop na kapaligiran—na walang humpay na dinadapurak, winawasak. Matagal na silang nakaligtaan. O lubusang nakalimutan.

Paalaala’y gamot sa nakakalimot.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...