Skip to main content

Ippon

TAYO ay magbilang, magbilang ng bangkay
Sa mga naganap na lagim sa bayan…
Ang mga nasawi’y baka malimutan--
Hapdi sa gunita ay panandalian.

Alaalang tigmak sa pagsusumamo
At mga pagtangis sa bangis ng punglo…
Hibla ng hiningang nilagot sa bugso
Ng lupit, kaylapit sa pisi ng puso…

Pero ilalayo… saka tatanawin
Mga kaluluwang sinakmal ng dilim.
Sipatin, sukatin at muling bilangin
Ang mga kalahi’t mga panauhin.

Kaligtasan nila’y dito inilagak
At sa lupang ito sila nga’y yumapak
Na walang pangamba—hindi nga talastas
Talaksang panganib nitong Pilipinas…

Umulan ng ulat… umambon ng tingga…
Tumaghoy ang buwang tumanaw sa lupa—
At nang mabilang na katawang bulagta…
Nakita ay siyam, pawang namayapa.

Taimtim na bilang ang ipagsisiyam
At inonovena sa siyam na araw
Nang kalmot sa budhi bahagyang maibsan…
Tarak ng pagsumbat, baka maiwasan…

‘Asan ba ang backhoe na ginamit sana?
Yari lang sa lata ang bus ng turista
O nalimot na ba ng ating pulisya
May heavy equipment sa pananalasa?

Yanig ang daigdig—siyam ang nasawi.
Walo mula Hong Kong, isa ang kalahi…
Atin ngang bilangin, bilangin pang muli
Pati na pagbilang baka magkamali!

Walong panauhin sa ating lupalop
Ang nakaligtaang kupkupin nang lubos…
Iisang kalahi nama’y binusabos
Katarungang hanap, tingga ang sumagot.

Muli ngang magtuos, mag-ungkat ng bilang--
Bilanggo sa bilang ang ating isipan
Pagbilang ay dapat babalik-balikan
Baka mayroon pang nakakaligtaan…

Ibibilang silang nilamon ng dilim
Saka ibabaling naman itong pansin
Sa mga kalahing sinakmal ng lagim—
Limampu’t pito lang nang ating bilangin.

Timbangin ang bigat nitong kamatayan
Bilangin ang bilang nilang mga bangkay
Sa Quirino Grandstand at sa Ampatuan…
Saka mag-apuhap kung may katarungan…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...