Skip to main content

Porcos ante margaritas


MUSMOS pa nang makamulatan na meron palang larong siklot—pulos mumunting bato lang, sandosena, sasapuhin sa lukong ng palad… ihahagis pataas, may masasalo sa likod ng palad… ang mga nahulog, connect those huge dots on the playing surface.

‘Baboy’ ang tawag sa maisusubing bato bawat naipanalong yugto ng siklot… sa ganoong lapat-kamay na paglilibang isinalang ang napakahabang kamusmusan, kaya umaalingasaw na mga ulbuan ng baboy ang natipon… a lot of pigsties for your eyes and probable pork barrels to satisfy many a lawmaker’s rapacity.

Diablolo na talaga ngayon. Walang humpay na humaharurot sa higit na 50 panahon ng tag-ulan at tag-araw, and unleashing an unbroken garland of swine before pearls… porcos ante margaritasso sinfully deviant, unheeding of the Messiah’s counsel not to scatter pearls before swine, margaritas ante porcos, lest the gems be trampled underfoot and maybe ground to a powder… uh, pulverized pearls have been added to special facial creams concocted by Chinese apothecaries who believed that such a preparation results in flawless complexion.

Kasi naman ngayon, may inferiority complexion daw ang hindi nagtataglay ng singkinis inidorong kutis… kaya maraming nagpapasaksak o lumalaklak ng balde-baldeng glutathione upang pumuti ang balat na kayumanggi.

Mutya—isa pang katuturan ng perlas sa silangan. Hindi talaga ihinahalo sa mga baboy na kinukutya, magkatugma pero hindi magkatugon ang mutya at kutya.

Idagdag pa na sa mga kawan nga ng baboy itinaboy at pinapasok ng Mesiyas ang sampulutong ng mga demonyo… hindi ko matandaan-- Sunday school is such a far-flung childhood memory— if ‘twas Legion or Religion the name they owned up to…

In any case, my Latin tells me legion or
ligare suggests a binding, lashing, tying up in knots… so religion must be those diabolical ties that bind and refers to Metro Manila traffic that’s often tied up in tangled knots and nooses… what a demonic show of Filipino religiosity!

So I’ve got my flocks of ravening pigs with demons dwelling in them, tended and multiplied many times over since childhood… all you’ve got are your pearls of wishdom
, pwe-he-he-he!

Napagsabihan pa nga noon ng mga matatanda na nagiging matigas daw ang ulo ng mga batang madalas maglaro ng siklot… baka naman pamahiin lang ‘yon, hindi naman kasi nila tinukoy kung aling ulo ang titigas.

Saka, wala namang mahalungkat na masama sa mga baboy… pinagagala noon sa lawak ng mga tiwangwang na lupain magbubungkal ng truffles, magkalat ng dumi… once the land is infused with manure and turned many times over, it becomes fit for growing crops… haram o bawal kainin sa mga Muslim at Hudyo… there’s this abiding belief that you are what you eat.

Ah, a pig’s orgasm lasts 30 minutes.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...