Skip to main content

Binusising buhay


“Kilalanin ang sarili. Huwag nang ituloy ang sariling buhay na hindi sinuri.”
Socrates


TIYAK na lalagapak noon ang tukod-bintana sa tumbong matapos akong makipagbabag… isusumbong sa aking abuela ng inang bitbit ang anak na nakasapakan… na sarado ang mata, basag ang ilong o tadyang, bali ang bisig… kasalanan ba kung inalam ko ang mga pinakamahinang bahagi ng katawan— para laging lamang sa laban?

Sa pagtanda, lalong sininop ang ganoong kaalaman… kinesiology para tukoy ang mga naturang bahagi habang gumagalaw… dim muk para masapol ang mga dudutduting tuldok sa katawan—malaki, maliit, katamtaman, pare-parehong katawan lang-- para malumpo o tuluyang matigok…

Bakit gano’n?

“Experts notice features and meaningful patterns of information that are not noticed by novices.

“Experts have acquired a great deal of content knowledge that is organized in ways that reflect a deep understanding of their subject matter
.”

Aba’y meron na naman kasing nagparamdam… ‘papasulat daw ng libro’t magtatawaran muna sa presyo ng serbisyo.

Siyempre, isisiwalat ng magpapasulat ang kanyang mga ginawa’t pinagdaanan sa buhay… just to point up his earthly existence made a difference, made love or made sense… most just made money, a lot of noise, or made others suffer. And they think they had it made.

May naunang lumagapak-- editor ang papel ko-- na ganitong proyekto… nagpapagawa ng marangyang bungalow mula ilang pirasong kahoy at sansakong semento… hikahos sa mga matitipon, matitipunong sangkap para makabuo ng matinong libro… gusto kong dagukan ang mga naghalungkat ng ganoong sangkap, hindi nagbungkal ng tinatawag na meaningful patterns of information… nagsayang lang ng panahon sa pagpanayam sa nagpapasulat.

Suffer anyone to wants have his book to talk his head off… makipagtuos sa mga ginawa niya sa kanyang buhay… makipagkilala’t magsuri siya sa kanyang sarili… the more details he can ply, the messier, the merrier the stuff that can be sawn, planed, joined and sanded fine into a pithy tome.

O parang mga batong hiyas ang bawat gawa, isa-isang kikinisin saka tutuhugin upang maitanghal na kuwintas.

O parang mga hiblang titipunin upang makahabi ng marangya, marikit na arras… o lulubirin upang maibigkis sa leeg para makapagpatiwakal.

Para lumitaw… siya talaga ang nagkuwenta ng kanyang buhay, ako lang ang nagkuwento. Res ipsa loquitor, his life will speak for itself.

Busisiin niya ang sarili niyang buhay… papel alahero lang sa magsusulat… magtatabas, magkikinis, magtutuhog sa mga butil ng batong hiyas.

Aba’y hindi kasama dito ang batugan, kupal at kumag… na sa halip usisain ang sarili, pamumuhay ng iba ang uungkatin, pilit kakalkalin… kasi walang matinong kuwento’t lalong kuwenta ang kanilang buhay.

A life invested with meaning is worth more than a quantum of words in volumes.

Sa walang kuwento’t kuwenta, an’daling lapatan ng kataga—pwe-he-he-he-he!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...