Skip to main content

Baka talisay ang kailangan kung mabilis nilalabasan

KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.)

We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).”

For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond?

Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond. Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang, at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa.

Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang kulay, mala-ulo ng tarugo ang hugis. Pero hindi pa namin nasusubukang biyakin ang matigas na buto para makuha ang laman. Na lasang almond daw. Makatitiyak na matamis ang lamukot nito. Paborito kasing lantakan ng mga paniki at bayakan, na mahilig ding manginain sa mga hinog na bunga ng chico at ratiles.

Pansinin na tinagurian nating talisayin ang mga tandang na mala-luntian ang kulay ng balahibo’t pek… oops, pakpak nga pala. That may be chicken but that’s a game fowl for the likes of Jorge Araneta, Nene Aguilar, Peping Cojuangco and Manny Pacquiao. A fighting cock is what a talisayin is, a nomenclature that’s likely derived from the stately talisay or ketapang the kernel of which—as the claim goes-- has shown aphrodisiac activity and can probably be used to treat premature ejaculation, among other forms of sexual inadequacies.

Kukutuban marahil tayo na hindi lang pagmamahal na sinlaki ng braso kundi kasintikas ng troso ang kaloob ng talisay.

“In Taiwan the fallen leaves of tropical almond are used as an herbal drug in the treatment of liver related diseases. The leaves contain agents for the chemo-prevention of cancer and probably have anti-carcinogenic potential,” so it is also claimed.

“Tropical almond has antibacterial properties. (Its leaves) are used by breeders of tropical aquarium fishes to keep them healthy.”


Tiyak na sangkatutak na kalalakihan ang dadagsa sa sinumang may namumungang puno ng talisay, mangunguha ng bunga’t kasunod ang katakut-takot na biyakan, opo, umaatikabong biyakan para tungkabin ang laman na lasang almond daw—kapag naibusang tila kastanyas o mani na may balat pa.

Inaasahan namin na kagigiliwang exotic erotic pulutan sa mga inuman ang talisay nuts. At tiyak na mabubulabog ng mga nais pang lumibog ang mga kapre, tikbalang at kung anu-ano pang di-nakikitang nilalang na tumatahan, ayon sa mga matatanda, sa mga malabay mala-krus na sanga ng talisay.

Baka naman tinatakot lang tayo ng mga matanda na nagsasabing may mga malignong nakabantay sa mga punong talisay. Pulos naglalakihang bayakan at paniki nga—at mangilan-ngilang matandang lalaki na gaya ni Ama-- ang umaali-aligid dito lalo na’t nangahihinog na ang mga bunga. Kahina-hinala…

Pero baka ayaw lang nilang matuklasan ng mas marami ang kakaibang agimat na tahasang matutungkab sa bunga ng talisay.

We say, go splurge on ersatz almonds—na may tawag din ang mga nagugulantang na mutya, kanilang nasasambitla, “Ang tulis, ay!”

Comments

Paulding said…
pwede pobang makepyas este makopya ito parasa blag ko?

matsalamas
Sige lang. Mas mainam kung marami ang mararating ng ganitong kaalaman. Pasensiya na't ngayon ko lang nabuklat 'tong blog ko-- marami kasing ibang sulatin. Sala'am at salamat sa 'yo!

DONG A.D.
Paulding said…
ayuz!
maraming salamat
permiso din po doon sa ibang tudling ninyo.

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...