Skip to main content

Dead cold numbers

WALA pa yatang nangahas na iligpit sa pamamagitan ng kulam ang sinumang Pestedente ng bansa. Tiyak namang tatablan. Matitigok na walang pasubali—no ass ifs, so twats, butts, or similar protruding members are spared. Walang pinipili sa kulam na masahol pa yata sa surgical strike. Anyone bites the dust.

Ikinatwiran noon ni Manoling Festin Martinez—ex-seminarian na batikan sa theosophy at isa sa mga katoto ni Ama—na mayroon daw kakaibang mahika na lulukob na parang protective shield sa sinuman kapag nakaluklok na bilang Pangulo o Panggulo, Presidente o Pestedente na parang pababang spaghetti na al dente.

Kaya raw hindi basta tatablan.

Pero sa huling tuusan, tatablan pa rin ng kulam kahit pa 10-foot thick tempered steel with Teflon-coating ang kapal ng pagmumukha.

Sakaling umaabot sa P129 billion ang tipak ng pork barrel na kinopo ng nakaluklok sa Palasyo, baka naman humirit ang kukulam—tropang paktol man o parakaraw-- ng kahit 10% commission of the heinous crime. Aabot din sa halos P13 billion ang talent fee or contract price. Saang wakwak na bulsa ng taxpayers lilikom ng ganoong halaga samantalang namimilipit na nga sila sa sapin-saping buwis para tapalan ang dambuhalang budget deficit?

Saka hindi naman talaga matibay na kalasag ang sasalpak na tila cloak of invisibility ni Harry Potter sa sinumang numero unong bedspacer sa MalacaƱang. Mauungkat yata sa Rig Veda o Atharva Veda—mga banal na kasulatang Hindu ang mga ‘to—na ika-anim na bahagi ng pambansang karma ang tahasang sasalin sa naturang bedspacer. H’wag matakot sa karma. Mga ginagawa at ginagawi lang ang katuturan nito.

Sa madaling sabi, ang mga gawi’t gawa ng 15,000,000 o 1/6 ng populasyong nasa 90 milyon ang gawi’t gawa, ang asal at ugali ng nangungunang nakasuno sa Palasyo.

It may take an entire coven—a 13-strong band of wizards, sorcerers, mages and witches—to do ‘em all in, all 15,000,001 of ‘em in a holocaust of sorts.

At the grassroots level of some 42,000 barangays in the entire archipelago, the surgical cleansing entails 357 deaths in each barangay. How would the embalmers and grave-diggers cope with such a Herculean task? Would life insurance companies be ever the same again after the payoffs? Would TV rating firms trot out anew the numbers of bipeds and cretins that shore up advertising support for inane TV shows? Hindi kaya mamatay sa sobrang hinagpis at dalamhati ang mga jueteng operators?

Papayag naman kaya si Satanas, Belial o Ahriman na makatkat sa pisngi ng lupa ang mga taong magbubulid ng higit pang bilang sa kapariwaraan? Sino na naman kayang young star ang mabubuntis o maglalabas ng kanilang sex video footage sa Internet?

Higit na kalunos-lunos na trahedya ang tuwinang pagtingala sa mga puno’t pinuno na inaasahan laging uugat-uugit sa kahihinatnan ng ating lupain. Para bang laging may masusungkit na masarap na bunga sa itaas. Ang totoo’y sinisilipan lang ang mga nakatuntong sa itaas kung meron pa silang suot na salungguhit o panties—madalas na wala kaya laging madilim na hinaharap ang nasisipat.

Payo ni Siddharta: Be the change you want in your world, in your land. Kaysa maghagilap ng masusungkit na anumang bunga, inspirasyon, lilim o matinong halimbawa sa puno’t pinuno, sarili mismo ang bungkalin at pagyamanin. Tamnan ng mga mainam na binhi. Umani ng mga mainam na bunga mula sa sarili.

Mas mahirap yatang gawin ang ganoon kaya hindi natin makita’t maungkat ang sari-sarili.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...