Skip to main content

Sa taon ng piggy bank (Standard Express)

NAKASUMPONG ng dalawang katutubong baboy si Ama sa pampang ng isa sa mga hilahod na bayan na nakasalagmak sa baybayin ng Ragay Gulf sa Bondoc Peninsula, mga unang taon ng dekada 1990. Lumukso raw ang kanyang dugo sa galak nang lubusang masipat ang dalawang baboy, kapwa nanginginain ng mga inanod na layak at damong dagat, mistulang baboy-damo ang anyo.

Nakasalang pa sa Senado nang panahong iyon ang panukalang batas na lilikha ng gene bank para tipunin at pagyamanin ang katutubong kalabaw—na mula sa damulag na laki, muntik naging sinliit daw ng daga sanhi ng walang patumanggang inbreeding o animal incest.

Higit sandipa at pitong dangkal raw ang inaabot na haba’t laki ng grass carp mula China. Umangkat nga pala nito, isinalin sa mga ilog at lawa sa iba’t ibang panig ng bansa para dumami. Pinangalanang Imelda dahil kumikislap na tila alahas ang mga kaliskis nito. Sa walang humpay na inbreeding sa naturang mala-dambuhalang isda, nakalikha ng goldfish.

Kung hindi raw napigilan ang inbreeding, baka naging kasinlaki naman ng pulgas ang katutubong kalabaw.

Nanghihinayang raw si Ama dahil kalabaw lang ang sinaklaw at pinagtuunan ng pansin ng naturang panukala. Marami raw kasing katutubong hayup na dapat ding sinupin, pagyamanin at paramihin para muling maipalaganap—oops, hindi kabilang ang mga kulisap, linta, buwaya at iba pang animal sa Congress.

Halimbawa raw ang katutubong kambing. Sa mga taon din ng 1990 naiulat ang hiling ng ilang pharmaceutical companies sa South Korea. Kahit daw 10,000 ulo ng ating katutubong kambing ay bibilhin nila araw-araw. Dahilan: mahigit 30 uri pala ng gamot sa samut-saring sakit ang taglay sa katawan ng ating kambing. Na hanggang sa ngayon nga, hindi pa natin natutuklasan kung anu-ano ang mga iyon.

Biological diversity simply represents hidden wealth, giit ni Ama. Kaya raw dapat ding tistisin ng palakol, halungkatin ng balisong pati laman-loob, himayin ng kampit ang himaymay ng litid ng mga naglipanang animal sa larangan ng pulitika. Baka raw may matutuklas sa kanila na panlunas sa mga sakit na sumasalanta’t naglulugmok sa taumbayan.

Nakasumpong kamakailan sina Ama’t Mama ng mga katutubong baboy sa lilim ng dawag ng pine trees, dapdap at kapeng Arabica sa Ampasit-Puguis, La Trinidad, Benguet—meron din pala roong gene bank ng ilang hayup na katutubo sa Mountain Province, pinangangalagaan ng Benguet State University. TANGERE o The Animal Genetic Resources ang tawag sa naturang katipunan—it didn’t occur to anyone that katipunan translates to bank or savings-- ng mga katutubong hayup.

P1,500 ang turing sa isang biik, mistulang baboy-ramo na rin ang tindig, liksi at anyo. Bahagi raw ng cañao o mga piging ang katutubong baboy—na ang mga tipak ay magiging inasin (native smoke-cured bacon) o itag (pork barrel) na inilalahok para higit pang maging maigting ang linamnam ng manok na pinikpikan.

Hindi naman talaga samlang o salaula ang baboy. Katibayan ang dalawang bulugan mula Vietnam na nakataliba sa pintuan ng Wah Sun Restaurant na katapat ng kainang Ambos Mundos—ang dalawang pinakamatandang restaurant sa bansa—sa Florentino Torres St., Sta. Cruz, Manila. Pang-akit daw sa mainam na pasok ng negosyo at suwerte ang baboy sa Wah Sun na talagang sapak ang mga putahe.

Sa kislap ng mga mata ni Ama, alam naming bibili siya ng biik sa TANGERE. Hindi panlitson. Gagayahin yata ang isa niyang paboritong actor-scriptwriter-director George Clooney. Na may alagang baboy.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...