Skip to main content

Vampira (Standard Expess)

HINDI lang bulwak ng dugo mula ginawak na carotid artery o jugular vein ang sinisibasib ng vampira. Mayroon pang ibang mas mapanganib kaysa mga mandurugo o sumisipsip ng dugo… Sabi nga, they’re at the top of the food chain and we’re just plain nourishment for ‘em.

Marso pa nitong nagdaang taon nang humingi ng tulong si Ama sa mga katotong tumutulak tungong US para maibili siya ng mga binhi ng casabanana. Maipupunla sana pagsapit ng panimula ng tag-ulan, aasam sa pagyabong, pamumulaklak, pamumunga ng naturang halamang baging matapos ang mga 45-60 araw mula pagsibol.

Ilang araw bago sumapit ang Pasko nang mapasakamay ni Ama ang apat na butil ng binhi ng inangkat na halaman, nasumpungan sa isang seed mail order company sa Texas. Lilihis na sa panahon kung tatangkain pang ipunla upang sumibol sa unti-unting halihaw ng tag-araw. Isinantabi ang apat na butil ng binhi. Maghihintay sa angkop na panahon.

Casabanana? May masidhing samyo ang casaba o pinakapalasak na uri ng milon na mabibili sa palengke, malikaskas ang tila sala-salabat na kidlat na nakaumbok sa balat, mapusyaw na kulay-kahel ang lamukot. Mayumi ang sanghaya ng banana o saging, kahit na lakatan o seƱorita.

Kaanak ng pipino, kalabasa, upo’t patola ang casabanana. Mailalahok sa mga lutuin tulad ng kanyang kaanak pero naninibasib talaga ang taglay na halimuyak ng hinog na bunga. Kaya iniimbak na kasama ng mga damit.

Samantala, naganyak yatang magbungkal din ng lupa si Manong Roy Acosta kaya inawitan si Ama ng mga binhi ng kanyang pananim—singkamas o yam bean, sigarilyas o winged bean, bataw o lablab bean, siling pansigang. Tiyak na pagkakaabalahan ni Manong ang pagpapasibol ng mga naturang halaman.

May taglay na diklap ng buhay ang binhi. Ipinagkakatiwala lang talaga sa mga mapagkalinga’t mag-aaruga upang sumibol, yumabong, lumago.

Wala naman sigurong balak si Manong na sipsipin ang ganoong diklap ng buhay na nakahimlay, nagbabantang magliyab sa wastong panahon. Mga kakatwang vampira lang yata ang uhaw, hihitit sa ganoong diklap-buhay. Life spark. Life force na hindi naiiba ang katangian sa dugong dumadaloy sa katawan ng tao.

May mga vampira na mas ibig sumipsip sa katas-buhay na tumatagas mula sa bibig, sa utong ng suso, at sa paligid ng labia minora habang nakikipagtalik. Sa halip na sumigla, salanta ang katawan ng katalik matapos pagpasasaan ng ganoong uri ng vampira.

Meron ding mga humihigop sa tila tubig na pagbulwak ng pananalig o taimtim na pananampalataya—na karaniwang masasagap sa mga simbahan o prusisyon ng mga namamanata. Pampalawig daw ng buhay at nagpapalakas sa katawan ng vampira ang lumalagok sa ganoong pambihirang alimuom.

Sa Spear of Destiny ni Trevor Ravenscroft iniulat ang kakatwang paghitit sa life force o lakas-buhay mula binhi ng mga halaman. They’re not exactly vegetarian vampires na mas mahiligin sa sustansiya mula sa halaman— dahil sagana sa nitrogen ang mga butong-gulay na sapak sa chili con carne o Boston baked beans, umaatikabong dagundong mula tumbong ang resulta.

Mga kampon ni Adolph Hitler—na tulad ng sangkatutak na tao ngayon na nandidiri sa yosi-- ang mga naturang vampira. Hindi lang yata lakas-buhay ang sinipsip at tinipon nila mula samut-saring binhi. Higit pa sa sustansiya. Kahit tawagin natin silang sipsip-buto.

Gaano katagal lumuklok sa poder at umugit sa kasaysayan ng daigdig si Adolph Hitler at ang kanyang mga kampon? Paanong ang isang matatawag na lowest form of animal in the military pecking order na tulad ni Hitler, papaimbulog sa rurok ng kapangyarihan sa pulitika at militar?

Hindi pa siguro natin lubusang mabubungkal ang mga sanhi at dahilan. Pero maaaring nasa mga butil ng binhi ang susi ng kanilang makayanig-daigdig na kapangyarihan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...