Skip to main content

Kidlat mula Ampasit-Puguis

NI HINDI yata nakapaglaro ng qi gong o sining ng hininga sina Ama’t Mama habang nagliliwaliw—oops, migratory bird umano ang liwaliw na gumagala sa mga taniman bago dumating ang tag-ulan at itinuturing na sagisag ng kasaganaan—sa kagubatan ng pino sa Ampasit-Puguis ng La Trinidad, Benguet.

Nasabi sa amin ni Ama noong paslit pa kaming apat na magkakapatid—Bilog, Podying, Kukudyu (ako) at Puwit—na malakas raw ang agos ng dragon currents ng lupa na dumadaloy sa punong pino o pine tree. May payak daw na paraan sa qi gong para mapadaloy sa katawan ng tao ang naturang agos-dragon mula dibdib ng lupa. Pantungkab raw sa plema ng may ubo, pampatibay ng puso at baga, panlunas din sa hika.

Kailangan lang daw yakapin ang puno. Ganoon lang kadali.

Hindi kailangang idikit ang katawan sa puno habang nakayakap. Isayaw ang hininga sa wastong indak. Iguhit sa ulirat na dumadaloy ang agos na tila malamyos na kidlat mula kaliwang palad, naglalandas tungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sumasagitsit, sumasaliksik, kumakalat hanggang bawat himaymay ng laman hanggang makalabas na tila lagablab sa tuktok ng ulunan.

Gagaan daw ang pakiramdam matapos ang 15 hanggang 20 minuto ng ganoong pakikipagniig—kahit sa umpisa’y makakangawit. Para raw may mayuming liyab ng apoy sa may sikmura, ‘yun bang dragon fire in the belly.

Mainam daw kung makikipagniig sa punong pino tuwing umaga. Para lubusang mapanday ang mga tinatawag na jing o ubod ng kapangyarihan, qi o hininga ng buhay, at shen o diwa. Para din mapalis ang mga pananakit sa katawan, mapalakas ang body immune system upang maipagpag ang anumang aangkas na mga karamdaman at sakit. Para maihasa ang talim ng isipan. Upang mapahaba ang buhay.

Talaga raw may mga mainam na pakinabang mula sa pino. Kaya nagdala sina Mama’t Ama ng tatlong kasisibol pa lang, saka pine nuts. Pampunla—hindi gigilingin sa food blender kasama ng mga dahon ng basil at olive oil na masarap gawing salsa sa pasta na ligtas sa gastro-enteritis at anumang pagmumulan ng food poisoning.

Naghihingalo na ang dalawa sa tatlong sanggol na puno. Inabot daw kasi ng trauma sa haba ng biyahe. Agad-agad namang nailipat sa seedling bags, diniligan ng tubig-ulan, sinukluban pa ng plastik na parang oxygen tent ng hospital intensive care unit para hindi mangalirang. Pero tila ‘yung isa lang ang talagang matibay. Mabubuhay. Bubulas kung sakali. At magiging daluyan din ng agos ng dragon.

Samantala, buong sigla namang isinupling ng lupa ang ilang punla ng pino na itinanim ni Ama.

Hindi maselan sa katitindigang lupa ang pino. Karaniwang salat daw sa mayamang sustansiya ng lupa ang kinatitindigan nito kahit sa Bontoc, sa Benguet o alinmang lalawigan sa Cordillera. I remember seeing a stand of Benguet pine trees a sneezing distance from the Manila Stock Exchange Building and dead smack into bombardment of toxic fumes from Ayala Avenue traffic in Makati. Those pines didn’t die; they were moved and replanted elsewhere.

Kamangha-mangha talaga ang tibay ng pino. Salat at hikahos man ang kalagayan, matikas at mabulas pa rin sa pagtindig. Sabi nga’y matibay sa paninindigan—at dinadaluyan pa nga ng mapanlunas na kidlat na hinahango yata ng mga ugat nito sa kailaliman ng lupa, laang ikaloob sa sinumang mangangahas na makipagniig.

Ganoon din daw ang katangian ng punong pili. At masarap din ang binhi nito. Pili nuts na mailalahok din sa iba’t ibang kakanin at lutuin.

Pero walang balak si Ama na pagtuwangin ang pili at pino. Hindi raw maganda ang tunog dahil parehong makukunan ng nuts.

Pilipino. Nuts.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...