Skip to main content

Kata



“Speak not unless you can improve the silence.”
Spanish proverb


BUNTOT ng dragon ang katumbas ng kambal na paa… inihaplit paharap, iglap na sinalag ng katunggali… hindi akalaing nagkamali pala sa tangkang gagapin ang buntot… na biglang pumilantik paikot, salpak sa leeg… sa sentido… paulit-ulit.

Maikukuwento muli’t muli ang naganap na sukatan sa mga apo… hindi na kailangan pang tambakan ng sangkatutak na salita ang paulit-ulit na paglalahad, ang pagsisiwalat… nangyari na ‘yon, may nakasagupa… bulagta sa inabot na sunud-sunod na haplit ng buntot ng dragon.

Pero mababalikan ang nakaraang pangyayari. Babalikan upang may mapulot na aral, may masinop at maisalin na kaalaman sa laman. Nemo dat quod non habet—hindi maibibigay ang hindi taglay.

Ganoon lang ang kata o pinagtagni-tagning galaw sa sining-tanggulan… story-telling of a mortal engagement, not a word said, just a sequence of movements to replay whatever transpired. Just show-and-tell, it’s a recitation of poetry in motion…maybe it’s a moving story, and I’m keeping my fingers crossed, my grandchildren can appreciate stories like that—not a word, not a pipsqueak or cackle added.

There’s sheer economy of movement shining in such a telling
… walang lulutang na kataga pero malalim ang taga.

Parang maliyab na pamumulaklak ng dapdap, maghuhubad muna ng dahon saka iuusbong ang mga talulot… parang hitik na pamumunga ng anonas o siniguelas, iwawaksi ang saplot na yamungmong bago itambad ang makakatas, malulutong na mga utong.

Parang masuyong pagtatalik… papalisin muna bawat tabing sa katawan…

T-teka, teka, on second thought, second thought, second thought I need not demonstrate all the variations of enlightened and blissful coupling as taught in Ishimpo, uh, that Chinese classic that’s also called “The Tao of Sex.”

It takes 30 years to get into the spirit of, say, the entire set of 108 movements in tai qi quan… uh, that’s a lifetime. Too heady strong a drink to imbibe. ‘Hirap talagang laklakin nang biglaan, hinay-hinay ang kailangan… ah, too much of a drunk am I, kaya alak pa!

At kapag nakagiliwang tumungga ng ganoong inumin, magiging gawi na rin ang tagubilin ng salawikaing Español—keep your mouth shut… kasi nga nahuhuli ang isda sa bunganga. It’s not just saying something, something must be said… hindi pulos buga lang ng laway.

Kantiyaw nga ng aking yumaong abuela sa makatsang o makati ang dila: “Mas magaling pa ang manok, pumuputak lang kapag nagluwal ng itlog, tiyak na may pagkaing ihahandog.”

Tudyo naman ng abuelo: “Bakit kikibo kung ‘kakasuka talaga ang body odor? Tanggalin ‘yang B.O.. para matira ang ki…. Er, let me stink about it.”

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...