Skip to main content

Entry #333


PUNGGOK ang nakatanim na Ficus religiosa sa aming halamanan… lagi’t laging tatabasan, tatalbusan upang manatiling punggok na puno, no this is neither a pygmy tree nor a Gloria Macapagal-Arroyo making up for shortage of integrity by short-changing the populace and telling tall tales.

Bonsai
o binansot na puno lang ‘to.

Beneath the boughs of one such fully grown tree, one Siddharta— Sanskrit for “much, much worldly acquisitions”—fasted, meditated for days and attained Enlightenment, became Gautama Buddha.

Gano’n sa halamanan. Samut-sari ang lulutang na kuwenta’t kuwento sa bawat pananim, every patch of ground is sacred, every greensward a burning bush from whence God speaks.

Kaya nakahiligan ang pagtitipon ng mga binhi at punla ng pananim. Why, I’d reckon each seed or rootstock material to be potential mouthpiece for the divine.

Kaya dumadayo pa sa kung saan-saang lupalop sa bansa, maghahagilap lang ng maipupunla. Nitong nakaraang tag-araw, nakapag-uwi mula Bolinao ng mga binhi ng name at bilog na tugui… at aabatan pa ang pamumunga ng baging ng sabsabidukong para makapagtanim din, malinamnam ang lasa ng bulaklak nito kahit sa dinengdeng.

Nasa’n na ba ‘ko? Name, tugui, sabsabidukong… pulos pangalan ng mga ligaw na halaman.

Bukod pa sa mga pangalan ng halaman, nakapulot din doon ng iba pang nawawaglit na mga pangngalan—karag (toad), petot (frog), luong (tide pool)…

Anthology simply means a gathering of flowers… and if ever I turn up one—my publishers are a patient lot-- there’s likely to be a lot of deliciously different and quaint-sounding blooms, say, sabsabidukong.

Heto nga’t nag-aapuhap rin ng mga binhi ng salita, ng katiting na mga kataga na maipupunla… hindi biro ang pagsisinop ng halamanan… there’s always room for growth.

Lagi mang may puwang sa paglago, kailangan ding magtalbos at magtabas… para kahit may dambuhalang tulad niyong Ficus religiosa, mabigyan ng sariling puwang sa katiting na lawak ng aming bakuran.

Saka kapag marami talagang sinusunggaban, kaunti lang ang magagagap nang mahigpit… eh, hindi naman pala sukatan ng lakas ang higpit o diin ng gagap o yakap, mas masusukat pala ang taglay na lakas sa pagpapalaya ng mga kinamal sa palad.

Oo, makakapagtipon ng mga piling-pili, mainam na binhi at punla… pero mas magtatamasa ng pakinabang sa mga ‘yon kung isasaboy, ihahasik… para umusbong, lumago… mamulaklak, magbunga.

Ika-333 pagsasaboy ko ‘to sa aking web log…na may mangilan-ngilan ding masugid, masusing nakasubaybay… mas marami sa kanila ang nasa labas ng bansa… nahihirapan daw silang arukin ang mga sinusulat ko... nalulunod daw sila sa lalim.

“Sobra, sobra, sobra.” ‘Yan ang katumbas sa French ng tres, tres, tres… aba’y kapag kinalas ko sa mga katagang ‘yan ang bra, I’ll have a field day sucking on so, so, so…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...