Skip to main content

Praise the jueteng lord!

NAGPUPUYOS sa galak at laklak-alak si Utong Ong-- tanyag na panginoong may jueteng—nang harapin kami sa isang panayam na panay uyam.

I’m in business since government is so bankrupt in imagination on generating revenues efficiently and sustaining methods of soaking up excess liquidity in the economy,” bungad niya matapos sumimsim ng sampraskong absinthe which makes the heart grow flounder.

Hindi raw bisyo o sugal ang kanyang operasyon kundi mahusay na paraan sa paglikom ng buwis “at grassroots level, at which even local government units are so ineffectual.”

Kahit daw ipagduldulan sa mata ng gobyerno ang mga mainam na halimbawa’t paraan, talamak na talaga ang pagiging myopicpic ng mga nasa gobyerno: “They can’t discern and adopt the best practices of private sector.”

Sa bayaran daw ng buwis, taxpayer pa ang magsasadya sa mga tanggapan ng rentas internas… parang bundok pa ang lumalapit kay Mahomet, dapat ‘yung may paa ang lumapit sa wala namang paa…pero meron naman talagang paanan ang bundok. At mas maganda raw siguro ang resulta kung susugurin ng Sierra Madre o Cordillera’t Caraballo ang BIR at Customs, saka guguho’t tatabunan sila.

Sa jueteng daw, talagang masugid at masigasig sa pakikiugnay sa taumbayan ang mga kubrador ng taya.

In government revenue collections, the taxpayer is keeping his fingers crossed that government administrators will turn up sound governance, efficient delivery of basic services, and public works that look after common weal,” paliwanag ni Utong Ong, “that’s out-and-out gambling with all odds stacked against the taxpayer who gambles away hard-earned money—government doesn’t and won’t deliver.”

Naudlot ang paglantak namin sa pata tim, kumakatas na itim sa pagitan ng pata.

Sa gobyerno daw, binobola ang mga tao. Sa jueteng, binobola ang mga numero.

And with such a difference in scale and scope of operations, government wins, people lose. In my operations, pare-pareho kaming may panalo… ihahatid pa nga ng kubrador ang napanalunan sa tumaya,” aniya.

Alak pa!

There’s no use comparing how my operations tick and in unlike manner, government stinks. Nadadamay pa nga ang mga nasa gobyerno sa mga biyaya mula jueteng, hindi naman kami nadadamay sa anumang maililimos nilang biyaya… it’s a pathetic one-way street,” himutok ni Utong Ong.

Alak pa, in vino veritas…there’s liquor quorum, liquorum in session here!

Makakasira daw sa malapit na ugnayan ng karaniwang taumbayang tumataya at mga naglipanang kabig, kampon at ampon ng jueteng kapag itinuloy ang panukala na maging legal ang jueteng.

Mawawalan daw kasi ng delihensiya ang mga nasa gobyerno—‘yung mga nasa pamamahala, militar at pulisya…

In occidente, lex. In oriente, lux. Nakalublob ang utak kanluranin sa batas. Nakasalang ang mga nasa silangan sa liwanag,” giit niya.

Dagdag pa: “Let there be laws, and there’s government. Let there be light, and there’s delight!”

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...