Skip to main content

Ars longganisa, vita brevis


HAHAGOD sa panlasa ang kakatwang anghang ng bawang at tamis-asim ng basi—binurong katas ng tubo-- na naging suka sa pagnamnam sa longganisang Vigan… may dampi ng oregano—“aliw ng kabundukan” o “ligaya sa rurok” (synonymous to orgasm) ang katuturan nito— at hibo ng atsuwete sa linamnam ng longganisang Lucban… banayad ang sikad ng bawang mula suriso ng Alaminos, Pangasinan…

Andap lumantak ng surisong Pampanga, may bahid kasi ng salitre…pang-untag sa pamumulaklak ng mangga pero sangkap din sa pampasabog… baka sa tuloy lang na salin-kain, humantong sa tinatawag na kritikal na antas sa katawan ang salitre’t baka kung ano pa ang sumambulat, mwa-ha-ha-haw!

Sabi nga, ars longa, vita brevis o mahaba ang sining, maikli ang buhay…

Kaya naman kung patikim-tikim sa kapirasong suriso lang ang pakay, hindi na buong bulugang baboy ang nais isoga sa bahay at isingkaw sa buhay ng dumaraming bilang ng mga Pilipina.

Sure, surveys point to food as top topic of small talk hereabouts…where over 20 million barely make ends meet and don’t earn enough to buy food.

Sex matters is at the lowest rung among subjects stepped on, not too well-trodden even in casual conversation… what the hiccup, it takes daring to bring up some fastfood for thought, even second thoughts, yeah, second thoughts as equally tasteful with a grain of salt… maybe with groin assault
.

Asahan na umaatikabong patintero ang mangyayari sa isinusulong na mga panukalang batas ukol (1) reproductive health ng kababaihan at (2) diborsiyo—na matagal nang ipinapatupad ng mga Muslim dito.

Tiyak na manghihimasok sa usapin ang Simbahan, tulad ng panghihimasok sa pagpapatupad ng sex education, which isn’t solely sex but more of education.

Isang kasama sa trabaho ang nakipagsiping makailang ulit sa naibigang katalik… siya pa ang nanligaw sa lalaki pero nilinaw ang talagang nais niyang hantungan ng relasyon… tutuldukan kapag nabuntis siya… lalaki ang kanyang isinilang, isinunod sa kanyang apelyido…patay na ang ama ng bata na tinutustusan niya ang pag-aaral ngayon.

Seloso, batugan kaya walang trabaho at palaasa lang sa magulang ang nakabuntis sa isang kumare… hiniwalayan niya ang kupal na ‘yon, bitbit ang kanilang naging anak na mag-isa niyang pinag-aaral… ni hindi umaamot ng kahit katiting na tulong o sustento, kahit nagigipit kapag nagkasakit ang bata o matindi ang gugulin sa bawat pasukan sa eskuwela…

Iresponsable ang guwapong bumuntis sa isa pang kumare… namamalimos pa siya dati ng sustento, panggatas ng bata, konting panggastos… nanghinawa rin, inako na lang ang pananagutan sa pagpapalaki ng inaanak ko.

Godfather ba ‘ko na tumatayong ama? More god than father sa tingin ng kani-kanilang ina… madaling gumawa ng bata, hindi madaling maging ama. Saka iba pa ang tumatayo para sa kanila, mwa-ha-ha-haw!

Maikli nga naman ang buhay. Hindi dapat aksayahin sa ngitngit o inis sa katalisuyo sanang walang loob sa paninindigan at pananagutan.

Vita brevis, ars longa… saan pa ba isisiksik na lungga ang longganisa?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...