Skip to main content

Karma

KATAGANG ugat na Sanskrit ang pinagmulan ng salitang “karma” – mula sa kri o “gumawa.” Sa katuturan ng karma mas mauunawa: matimbang pa rin at higit na tumataga ang gawa kaysa ngawa.

Nag-iiwan ng malalim na gatla sa karakter ng pagkatao ang gawain. Sa gawaing sinimulan, matutukoy ang naghihintay na kapalaran. Matitiyak pati ang kinabukasang patutunguhan.

Nahuhubog sa pinagsama-samang gawain ng mga mamamayan ang karma ng bansa. May pambihirang lakas ang sama-samang gawa. Pumapanday sa kasaysayan. Nagtatakda sa kahihinatnan ng sambayanan, pati ng mga susunod na salinlahi.

Tiyak ang bunga ng bawat gawa: masasabing tatlong ibon ang sapol sa iisang pukol. Bawat ginawa -- mabuti man o masagwa -- tatlong bukol ang nakatakdang gantimpala. Tatlong isda ang huli sa lambat ng bawat gawa.

Una: Kung ano ang ipinunla, iyon ang matatamasa. Magtanim ng masamang hangin, utot ang aanihin, mwa-ha-ha-haw!

Ikalawa: Iginagapos ng isinagawa ang ulirat (kamalayan o consciousness) sa walang humpay na daloy ng mga susunod pang gawa at mga kalakip na ibubunga nito. Kung ginhawa, tuwa, ligaya, pagmamahal ang tanim, ganoon ang aanihin; kung dusa, sakit, pambubusabos, kamatayan at sama ang isinuksok, iyon din ang madudukot.

Ikatlo: May latak na tumatatak sa utak. Humahawa sa katawan, pati sa kaluluwa. Delikado ang mga hindi kanais-nais na emosyon. Tulad ng galit, inggit, takot, poot at inis na kasanib sa aksiyon. Nag-iiwan ang ganito ng mga binhi ng samut-saring sakit at karamdaman. Kadalasang uusbong at yayabong ang ipinunlang kamandag sa kung saan-saang bahagi ng katawan. Karaniwang sa bato, atay, puso, ulo, sikmura, at tuhod.

Mababanaag ang karma o pinagkakaabalahang gawain ng sambayanan mula sa lumililitaw na top three killers sa Pilipinas -- cardiovascular diseases (sakit sa puso), cancer, at coronary stroke (kaugnay na sakit sa puso). Sa pananaw ng medisina, lifestyle diseases daw ang mga ito. Mga karamdamang nag-ugat sa gawi ng pamumuhay. Maraming naging talamak sa pamumuhay ng Pinoy.

Ubra ding sipatin ang paglaganap ng mga ganyang karamdaman sa punto ng karma o ginagawa ng sambayanan. Umiiral pa rin ang ang galit, inggit, takot, poot at inis. Naging bahagi na ang mga ito sa pamumuhay ng sambayanan.


Nakalkal natin sa isang sinaunang akllat mula India, ang Manu-samhita: sumasalin sa pinuno ng bansa ang ika-anim na bahagi ng kabuuang karma ng sambayanang pinamumunuan. Simple lang: the President gets one-sixth of the total national karma, including joyous or heinous effects. Mas lamang ang parusa.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...