Skip to main content

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, nanlalata ang kuwan

UHUGIN pa ‘ko nang makapanood ng arakyo sa hulo ng Pambuan, Gapan (lunsod na ngayon) sa Nueva Ecija. Anyong moro-moro ang naturang palabas. Pinagsanib na sayaw-tula-dula. Kung ilang gabing itatanghal kasabay ng pabasa tuwing kuwaresma.

Paborito kong bahagi ng arakyo ang mga tagpong eskrimahan. Sa talim ng espada dadaanin ang argumento -- duwelong Kristiano’t Moro. Kristiano ang nagsadula. Kaya talo lagi ang Moro.

Naakit ako sa masining na palitan ng ulos. Lalo na sa napakatipid na kilos sa sagupaan. May lantik at lintik na iginuguhit ang katawan ng naglalaban sa tanghalan.

Matapos ang umagang klase sa UE Secondary Training Department (Manila), maraming okasyong sagsag sa Ongpin ang tropang tadtad-tigidig sa mukha. Pipila sa takilya ng tanghalang Dragon. Dinadayo ng kalalakihan ang palabas doon. Susundin ang isang sawikain – “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, tiyak na kulang sa kalibugan.”

Huling taon ng dekada 1960 nang masumpungan sa isang kalyehon sa Ongpin ang pagtatanghal ng Chinese opera. Samut-saring sandata naman ang natunghayan sa mga tagpong sagupaan. Tipid din ang kislot-kilos sa entabladong sinlapad ng sobre. Igagatong ng panoorin ang diwa sa taimtim na liyab ng labanan – umiindayog na apoy ang bawat katawang sumasalang sa tunggalian.

Sa huli’y, higit na nakahiligan ang ganoong palabas kaysa siksikang sipat sa mga madilim na dawag ng hinaharap sa Dragon.

Nagbibilad lang ng mga guhit at piraso ng laman ang mga katawan sa Dragon.

Nag-uulat ng mga hangganan at ibayong lalawigan ng kakayahan ang mga katawang tampok sa arakyo’t operang Tsino. Naglalantad at nagsasaad ng mga kaalaman na nakaimbak sa katawan. Mas akma sa panlasa’t hilig ng isipan.

Nahumaling ako noon sa wuxia – sword opera films mula Taiwan o Hongkong na namumutiktik sa mga aral mula kay Confucius, sa Buddhismo at Taoismo. Kaya mas may puwang sa gunita si Cheng Pei-pei ng Hongkong. Naging puwing lang sa mata ang halaw-Dragon na anyo nina Rosanna Ortiz (Batuta ni Drakula, Saging ni Pacing), Merle Fernandez (Uhaw, Diabolika) at kauri – na pawang losyang na ngayon.

Hindi pa losyang si Cheng Pei-pei. Hinangaan ko siya sa Five Fingers of Death at Jade Raksha. Matagal nang nahasa sa Chinese opera si Cheng bago pumalaot sa wuxia. Wuxia na laging aantig sa gunita ng marikit ngunit payak na arakyo.

It wasn’t Zhang Ziyi or Michelle Yeoh that nudged me to see Crouching Tiger, Hidden Dragon at least four times on a wide screen. Cheng Pei-pei was it – she played “Silver Fox” the illiterate yet wily assassin-teacher to Ziyi’s Jen. She must be in her 60’s. I thought of her body as coiled steel sheathed in a stun of rose petals. Her granite grace remained. Naghuhumiyaw sa tuwa ang musmos sa dibdib na naakit sa arakyo.

Mas marami ngayong tumutunton sa bakas nina Merle Fernandez at Rosanna Ortiz. May katawang ibibilad, ibibisaklat. Kayang-kaya nilang tumihaya. Makipaghimuran. Hangad din nating sila’y makadaupang-ari. Kasabihan nga: “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi na gaanong tinitigasan.”

Aaminin na masarap manlamutak at lumantak – kahit himas na lang sa imahinasyon – ng mga namumukadkad na katawan. Nakatala sa Guinness Book of World Records ang pinakamatagal na harumpakan – 19 na oras. Gulay na hindi makagulapay ang parehang nangahas niyon. The weary bottomline remains the same – flagpole plugs hole, asereje-he-he-he!

Ipinapahid ko ang anino ng arakyo sa ballet na matutunghayan sa Crouching Tiger… Besides sex, a kaleidoscopic dimension to the body breathes out in that spectacle. It sings the body electric.

Pagpalain ng Lumikha ang bawat masikap at maatikha!

Comments

http://www.youtube.com/watch?v=jj2pt4fNfqw&feature=related

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de