Skip to main content

The horrors, the horrors|Nakakakilabot, nakakasindak/Aborting crime|Laglag krimen (PJI editorials 5-6 June 2005)

We are scared. Some facts can be scary. Some facts call horrors out of dark grounds.

We try to bury horrors. But they cannot be buried. They spill out like intestines, raw and maggot-infested. Now join us. Fill in your lungs with stink of decay. Open your eyes. Open them wide-- wide as the spread-out thighs of the Darna in your dreams. Into your eyes allow a stab of putrid flesh and bone.

With one’s sight bled out, the horrors of facts can be less painful. The facts can sink into one’s systems like a wash of embalming fluids.

In a gaggle of 100 senior high school students in public schools, nearly two have a grasp of science. (Those hapless two won’t stick out like sore thumbs. They’ll be lost in that vast sea of humanity less-inclined to science.)

About 7 of every 100 have a grasp of English. (Poor seven dudes-- they won’t and can’t be understood by the rest.)

Around 3 of every 100 got a firm grip on social studies—the so-called araling panlipunan. The rest are likely clueless and would stay as ignoramuses on the social forces and causes that can bring ruin into their lives.

There’s only two in every 1,000 high school seniors who has mastery of Filipino—the tongue most of us are born to.

The Department of Education unearthed these nightmares from tests plied throughout the archipelago. It’s tough to admit a lot of us have turned into zombies, maybe undead and thriving like maggots on rotting carcass. Dapat solusyonan. Uh-oh, “solusyonan” is a made-up pidgin term often heard in the widening circles of every 998 who can’t figure out their own language.

There ought to be bright windows of opportunity that ought to be seen from these dark nightmares.

The growing hordes of semi-literates and virtual illiterates represent a formidable challenge to educators. Maybe they can seek out the best practices that can impart learning. Maybe the prevailing education strategy is flawed—teachers teach subjects and a swelter of data. They don’t teach young people to learn, stir their imagination to life and draw working principles from tons of data.

Maybe educators can share to their wards the serene joys of reading and learning by understanding.

Sana nauunawaan pa ninyo kami.

----------------------------------------------------

Nakakakilabot, nakakasindak

Kinikilabutan na kami. Nakakapangilabot kasi ang totoo. May mga katotohanan na nagbabangon ng mga kakila-kilabot sa mga lugar ng karimlan.

Sinubukan nating ibaon ang mga pagkakatakutan. Pero hindi mailibing. Bubulwak na tila mga bituka mula nilaslas na sikmura, duguan pero inuuod. Punuin ang baga ng alingasaw ng nabubulok. Ibuka ang mga mata. Todo-buka—tila ibinukakang hita ng sinumang Darna sa panaginip. Hayaan na sundutin ang mga mata ng bulok na laman at buto.

Kapag dumugo na ang paningin, hindi na mahapdi ang kilabot mula sa totoo. Dadaloy na ang katotohanan sa katawan na para bang baha ng embalsamo.

Sa bawat 100 senior high school students sa mga pampublikong paaralan, halos dalawa lang ang nakakaunawa sa agham. (Kawawa ang dalawang iyon. Matatabunan sa dami ng mga hindi sapat ang unawa sa agham o teknolohiya.)

Hindi aabot sa pito bawat 100 ang may gagap sa English. (Kawawang pito—baka hindi na sila mauunawa ng higit na nakararami.)

Halos 3 lang bawat 100 ang may sapat na unawa sa araling panlipunan. Tiyak na walang maaapuhap na unawa sa karamihan. Mananatili silang ganoon na hindi malilirip o mapanghahawakan ang mga dahilan at sanhing panlipunan na sasakmal-sasaklot sa kanilang pamumuhay.

May dalawa sa bawat 1,000 high school seniors—mga nasa ika-apat na taon—na lubusang nakakaunawa ng Filipino, ang wika na tinaglay natin mula pagsilang hanggang paglaki.

Natukoy ng Department of Education ang ganitong mga bangungot mula sa mga pagsusulit na isinagawa sa buong kapuluan. Mahirap aminin na dumarami ang bilang ng mga bobo, o mga inaamag na ang laman ng ulo. Dapat solusyonan. Oops, kung saan lang yatang basurahan nakalkal ang katagang “solusyonan” ng mga kabilang sa 998 na hindi na maunawa ang sarili nilang wika.

Pero may mga tatambad na mainam na pagkakataon sa mga madilim na bangungot na ganito.

Napakalaking hamon sa kakayahan ng mga tagapagturo ang lumalaking bilang ng mga halos walang pinag-aralan at walang natutuhan. Baka hindi nasinop ang mga pinakamahusay na paraan para maghatid ng aralin. Baka talamak na ang pagkukulang o hindi talaga nailalapat ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo—nagtatambak lang ng sandamakmak na datos at kung anu-ano. Hindi ginagabayan ang mga bata para tumuklas batay sa kanilang diskarte, hindi napupukaw ang imahinasyon para bumangon at maging mapanuri.

Baka hindi na nagagabayan ang mga bata tungo sa masayang pagbabasa at pag-unawa.

Sana nauunawaan pa ninyo kami.

----------------------------------------
A miracle of sorts happened to America in the 1990s. The crime rate fell unbelievably.

Analysts were stumped: towards the end of so-called Nervous Nineties, teenage murder rate slumped by more than 50% in the span of five years. By 2000, it was noted that the overall murder rate was at its lowest for 35 years. Incidence rates of other crimes also took a plunge.

There must be a reason to such. Likely causes were trotted out. Economic growth over the 1990s must have made life more tenable and brought cheers to more people. Probably gun control worked wonders. Maybe the cops came up with better means and methods in crime prevention—or increased use of capital punishment likely lessened the numbers of criminals and sounded a stern warning to wannabe felons.

Some gave credit to the ageing of the population. Doddering elders wracked with arthritis, osteoporosis, weight problems, bad heart, gout, or terminal constipation, they just can’t be that able-bodied to, say, do rape, mayhem, and murder.

University of Chicago professor Steven Levitt, a sharp economist chewed through all those explanations and stared at stark facts. He came up with an intriguing reason that lessened crime incidence. It was abortion that did it.

Abortion was legalized in the US in 1973. By 1974 some 750,000 women had abortions in America. Six years later, the number of abortions jumped to 1.6 million or an abortion for every 2.3 live births. Those women made their choices and no harangue from Pro-Life zealots may make ‘em change their minds.

Call her ruthless but the woman likely to opt for an abortion is often (1) unmarried, (2) in her teens, (3) poor, or (4) all three. Those murderous moms must have reasoned that had their children been born, they would probably trudge through miserable and possibly criminal lives.

And so in the early 1990s as the children born in the 1970s were going into their teen years— troubled years in which the young hit their prime crime time—America’s crime rate took a dip.

Prof. Levitt backs up his explanation with jaw-dropping figures, say, the states with the highest abortion rates saw the biggest drops in crime incidence.

Maybe, just maybe, mothers know best.

--------------------------------------------

Laglag krimen

MAITUTURING na himala ang naganap sa Amerika nitong dekada 1990. Paniwalaan-dili: bagsak ang antas ng krimen.

Hindi makapaniwala ang mga nagsusuri sa pag-usad ng mga huling taon ng tinatawag na Nervous ‘90s: nabawasan ng higit sa 50% ang antas ng teenage murder o patayan ng kabataan sa loob ng 5 taon. Pagpasok ng 2000, napansin na ang pangkalahatang antas ng patayan ay umabot sa pinakamababa sa nakalipas na 35 taon. Sumisid din ang antas ng iba pang krimen.

Tiyak na may dahilan. Inungkat ang mga iyon. Baka sa paglago ng ekonomiya sa mga taon ng dekadang 1990 na nagpaginhawa sa pamumuhay at ikinasiya ng mas maraming bilang sa populasyon. Posible ang paghihigpit sa baril. Maaaring nagsagawa ng mas mahusay na paraan sa pagpigil sa kriminalidad ang pulisya—o naging madalas ang pagbitay kaya nabawasan ang bilang ng mga kriminal at nagbigay ng matinding babala iyon sa mga nais gumawa ng krimen.

Tinukoy din ang tumatanda nang populasyon. Kapag uugud-ugod na o sakmal ng arthritis, marupok na buto-buto, sobrang taba, sakit sa puso, rayuma o sira-sirang sikmura, tiyak na hindi makakaya ng katawan na manggahasa, manggulpe o tumodas ng kapwa.

Sinuyod ni University of Chicago professor Steven Levitt-- isang matinik na economist—ang mga naturang paliwanag at nagbungkal nang malaliman. Kakatwa ang natukoy niyang sanhi sa pagbagsak ng kriminalidad. Abortion o paglalaglag ng sanggol sa sinapupunan ang nakita niyang dahilan.

Naging legal sa US ang abortion nitong 1973. Nitong 1974, may 750,000 buntis sa US ang nagpalaglag ng kanilang dinadala. Makalipas ang anim na taon, umangat sa 1.6 milyon ang bilang—1 laglag-bata sa bawat 2.3 bilang ng isinilang. Ganoon ang pinili ng mga nanay na iyon.

Tawagin na silang malupit o walang puso pero natukoy na ang buntis na magpapalaglag ay karaniwang (1) hindi kasal, (2) nasa edad 13-19, (3) mahirap, o (4) pagsamahin ‘yung tatlo. Walang habag siguro ang mga buntis na iyon pero baka mas naaawa sila sa kahihinatnan ng kanilang isisilang—tiyak na gagapang lang sa hikahos na buhay at mauuwi sa pagiging kriminal.

Sa mga unang taon ng dekada 1990 nang ang mga naisilang noong dekada 1970 ay tumuntong sa edad 13-19 – yugto ng kapusukan na mitsa ng pagkabulid sa krimen – sumisid ang kriminalidad sa US.

Pinansin din ni Prof. Levitt na sa mga states na may pinakamataas na antas ng abortion ang nakapagtala ng mga pinakamababang bagsak ng kriminalidad.

Laitin na’t itakwil ang mga walanghiya’t talipandas na ina pero baka totoo pa rin ang kasabihan—“Mother knows best.”

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...