Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2005

Yubitsume-- send us a finger, hope to die | Self-exile (PJI editorials 30 June/1 July 2005)

THIS snatch of private conversation between a putative official of the Commission on Elections and an anxious Gloria Macapagal-Arroyo in June 2004, this dialogue explains itself: “Okay ma’am mas mataas ho siya pero magcompensate po sa Lanao ‘yan.” GMA: So I will still lead by more than one M overall? “More or less but it is still an advantage ma’am. Parang ganun din ang lalabas.” GMA: Oo pero it will not be less than one M? “Pipilitin ho natin ‘yan. Pero as of the other day, 982.” GMA: Kaya nga eh. “And then if we can get more in Lanao.” GMA: Hindi pa ba tapos? The chit-chat starts off with an innocuous remark that someone is taller (mas mataas) than the petite incumbent. But it’s not about growing taller she’s interested in. GMA insists she will lead and the lead will not be less than one million. The chivvied official parries and lets out the tell-tale “Pipilitin ho natin ‘yan”—we’ll do what we can, “if we can get more in Lanao.” There’s indeed something...

There must be a phony somewhere (PJI editorial 27 June 2005)

FINDING himself in a house full of toys, one child infected with a terminal case of pessimism dragged himself into a corner, sulked, and let out a bellyache: “I can’t play with any of these, one or two will break sooner or later and I’ll feel rotten!” Another kid oozing with optimism was locked in a stable full of horse manure—and he screamed with delight, “With all this shit, there ought to be a pony hidden somewhere here. It’ll be fun finding and riding it out of here!” We’re probably up to our necks in dung these days. But nobody has taken the pains to seek out the pony, cow, horse, mule, sheep, goat or any such dung layer to ride off and have fun. There ought to be people who’ll feed the stacks of manure into a sealed tank, turn out loads of natural gas to fuel cooking stoves, turbines, and automotive engines. There should be people brimming with a sense of humus—they’ll spread shit on impoverished soil then grow lush roses and nutrient-rich vegetables on that compost-enr...

Patay-gutom... (PJI editorial 24 June 2005)

MGA tatlo sa bawat limang pamilyang Pinoy ang umamin na naghihirap sila—at 2 milyong pamilya ang sumasablay na sa pagkain nitong nakalipas na tatlong buwan, ayon sa ulat kamakailan ng Social Weather Stations. Baka higit pa sa mga nailabas ng SWS ang bilang ng may umaalulong na sikmura sa bansa. Batay sa mga umiral na presyo sa taong 2000, iniulat ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na kailangang gumugol ng P21 halaga ng pagkain ang isang Pinoy para makatawid-gutom araw-araw. Katumbas ng ganoong halaga ang tatlong pakete ng instant noodles na pumalit sa kanin at isda bilang pambansang pagkain. Pinansin ng FNRI na nitong 2000, 21.2% -- halos isa sa bawat 5 Pinoy—ang hindi makapagpaluwal ng P21 araw-araw para maampat ang hagulgol ng kani-kanilang sikmura. Higit na mababa ang antas na naiulat ng SWS, 8.8% lang ng populasyon ang pilipit na sa gutom. Huwag nang ungkatin pa ang pagkakaiba sa mga naiulat na antas—sanhi ng tinatawag na kahihiyan, tahasang hindi mapapaamin ang ...

Salakay ng puso, salakab sa gunita

PEBRERO 2003. Matindi ang mga kasabay ng dinireheng dula ng anak kong babae. Topak ng isang bayani ang isa, mapapanood sa CCP. Kabaklaan ang isa pa- ilalabas ng PETA. Nagbungkal ang anak sa mga dahon ng gulanit na aklat ng mga kuwentong bayan. Hiniling na isulat ko siya ng dula. Dulang pambata. Kasi, pawang laan sa mga gurang at de-edad ang mapapanood ngayon. Maglaan naman daw kami sa mga bata. Paslit pa siya nang iregalo ang aklat na iyon sa kanilang magkakapatid. Apat sila. Iningatan ng anak na babae ang aklat. Iningatan sa kung ilan ding yugto ng lipat-bahay. Kasama iyon ng mga nakalibrong komiks ng pakikipagsapalaran nina Tintin, Spiderman, Wolverine, Batman... mga tauhang isiniwalat nina Hans Christian Andersen, Brothers Grimm at Mother Goose. Ah, masinop ang anak kong babae. Kaisa-isang anak na babae. Santaon lang yata siya nang ipinagsasama sa ilang sukal na bahagi ng UP Diliman, weekends. Manunugis ng paru-paro't tutubi. Mamumupol ng kadena de amor at kalug-kal...

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, nanlalata ang kuwan

UHUGIN pa ‘ko nang makapanood ng arakyo sa hulo ng Pambuan, Gapan (lunsod na ngayon) sa Nueva Ecija. Anyong moro-moro ang naturang palabas. Pinagsanib na sayaw-tula-dula. Kung ilang gabing itatanghal kasabay ng pabasa tuwing kuwaresma. Paborito kong bahagi ng arakyo ang mga tagpong eskrimahan. Sa talim ng espada dadaanin ang argumento -- duwelong Kristiano’t Moro. Kristiano ang nagsadula. Kaya talo lagi ang Moro. Naakit ako sa masining na palitan ng ulos. Lalo na sa napakatipid na kilos sa sagupaan. May lantik at lintik na iginuguhit ang katawan ng naglalaban sa tanghalan. Matapos ang umagang klase sa UE Secondary Training Department (Manila), maraming okasyong sagsag sa Ongpin ang tropang tadtad-tigidig sa mukha. Pipila sa takilya ng tanghalang Dragon. Dinadayo ng kalalakihan ang palabas doon. Susundin ang isang sawikain – “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, tiyak na kulang sa kalibugan.” Huling taon ng dekada 1960 nang masumpungan sa isang kalyehon sa Ongpin ang...

For a quickie with a nun, get into the habit

DESTINY—that which we know as tadhana , it stems from habit. Just a matter of habit, maybe rigorous discipline… Tadhana is a prettified ukay-ukay version of the Sanskrit term, sadhana —it’s a daily regimen of Buddhist monks that entails a combination of mind-stretching, back-wracking work with some earnest prayers and contemplation of sacred texts thrown in. Such boils down to a difficult-to-ditch habit acquired over a lengthy period of time. Sadhana seeks inner unity with the divine-- or to cause godly traits and qualities to inhabit the man who’s into sadhana , or those blokes called siddhi . (Hey, sidhi is all-out intensity in Tagalog—say, masidhing kalibugan -- and the Star Wars pop mythos called ‘em Darth Maul and Darth Vader as Sith… Shit!) There’s that “habit” word again in “in-habit”—sticks out like a sore thumb. Are you still with me? “With our thoughts we shape our habitat,” goes a Buddhist adage. This is going too far--there’s “habit” again in “habitat.” Habi...

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de...

Karma

KATAGANG ugat na Sanskrit ang pinagmulan ng salitang “karma” – mula sa kri o “gumawa.” Sa katuturan ng karma mas mauunawa: matimbang pa rin at higit na tumataga ang gawa kaysa ngawa. Nag-iiwan ng malalim na gatla sa karakter ng pagkatao ang gawain. Sa gawaing sinimulan, matutukoy ang naghihintay na kapalaran. Matitiyak pati ang kinabukasang patutunguhan. Nahuhubog sa pinagsama-samang gawain ng mga mamamayan ang karma ng bansa. May pambihirang lakas ang sama-samang gawa. Pumapanday sa kasaysayan. Nagtatakda sa kahihinatnan ng sambayanan, pati ng mga susunod na salinlahi. Tiyak ang bunga ng bawat gawa: masasabing tatlong ibon ang sapol sa iisang pukol. Bawat ginawa -- mabuti man o masagwa -- tatlong bukol ang nakatakdang gantimpala. Tatlong isda ang huli sa lambat ng bawat gawa. Una: Kung ano ang ipinunla, iyon ang matatamasa. Magtanim ng masamang hangin, utot ang aanihin, mwa-ha-ha-haw! Ikalawa: Iginagapos ng isinagawa ang ulirat (kamalayan o consciousness) sa walang ...

Ayungin-- comfort food

PAMBIHIRA na ngayon ang makasumpong ng ayungin o lukaok ( Therapon plumbeus ) sa palengke. Pambihira--kapag nakatagpo ng ayungin para na ring nakatagpo ng matino’t matuwid na tao na nakaluklok sa gobyerno. Nagmula man sa tubig na tabang, tabsing, o alat, bihira nang makahagilap ng ayungin o silver perch. Palatandaan kasi ang malinamnam na isda na tahasang malinis, halos dalisay ang tubig na pinagmulan nito. Kakayanin ng dalag, tilapia, talandi, biya, gurami, bangus at hito na mabuhay sa maruming tubig—na dagliang lilipol sa kawawang ayungin. Saan bang lupalop ng bansa meron pang lubluban ng tubig na nakaligtas o nakaiwas sa polusyon at pagsalaula? Pintor-manlililok na Manuel D. Baldemor ang nag-alok sa akin ng ayungin. Hindi talaga ayungin. Anyo na lang ng ayungin ang inialok. Sabi nga’y visual food for thought . Binitad o nakatuhog na tila mga talulot ng bulaklak sa tuhugang tilad na kawayan. Masining na nakabukadkad sa bilao, nakasalampak na anyo sa papel. Hindi na mapapatakam...

The horrors, the horrors|Nakakakilabot, nakakasindak/Aborting crime|Laglag krimen (PJI editorials 5-6 June 2005)

We are scared. Some facts can be scary. Some facts call horrors out of dark grounds. We try to bury horrors. But they cannot be buried. They spill out like intestines, raw and maggot-infested. Now join us. Fill in your lungs with stink of decay. Open your eyes. Open them wide-- wide as the spread-out thighs of the Darna in your dreams. Into your eyes allow a stab of putrid flesh and bone. With one’s sight bled out, the horrors of facts can be less painful. The facts can sink into one’s systems like a wash of embalming fluids. In a gaggle of 100 senior high school students in public schools, nearly two have a grasp of science. (Those hapless two won’t stick out like sore thumbs. They’ll be lost in that vast sea of humanity less-inclined to science.) About 7 of every 100 have a grasp of English. (Poor seven dudes-- they won’t and can’t be understood by the rest.) Around 3 of every 100 got a firm grip on social studies—the so-called araling panlipunan. The rest are likely clueless and wou...

Barok sa English, barukbok sa Filipino

“A low 0.002 percent of senior high school students had mastery of Filipino.” --Department of Education PAYAK na pamantayan ang inilapat namin. Para sa mga lahok sa isang pambansang timpalak-panitik nitong nakaraang taon. Basta matino lang ang pagbuo ng pangungusap. Ganoon lang. Hindi na naghangad na biglang masambilat sa bayag o kipay, mahagod na malamyos o malamutak sa dibdib. O biglang makaldag sa sikmura. Kahit makiliti sa singit o makalaykay-halukay ang likaw ng isaw o iglap na matahip ang isip. Walang nasumpungang ganoong pamamaraan.. Panay sablay. Pulos nagkahindot-hindot. Talagang hilahod bawat lumahok sa pagbuo ng tumpak na pangungusap. Mahirap paniwalaan pero totoo ang masisipat sa bawat natunghayang kuwento: barukbok sa English, busalsal naman sa Pilipino. Paano sila makapagsisiwalat ng kuwenta sa kuwento? Kapansin-pansin na pinulot ng mga lahok ang diskarte sa pananalita mula radio. May mga ginagad mula telebisyon. Gumaya rin sa tabloid. Pero pulos pila...