Skip to main content

Salpak pasador

KABUNTOT sa pagsiklab ng Yom Kippur War sa mga huling buwan ng 1973, tahasang nalumpo ang transport sector ng bansa.

Nadamay ang Pilipinas sa pagsagupa ng Israel kontra mga kapitbansa nitong Egypt at Syria: mula P0.10 por litro – opo, dalawa singkong duling lang—ng krudo, iglap na umigkas hanggang piso sanlitro. Napakamahal pero walang makaangal ni makaatungal.

Nagpataw kasi ng embargo ang oil-producing nations para lumuhod at lubusang gumapang ang mga bansang pumapanig sa Israel. Hindi sila nagbenta ni sampatak na krudo sa mga ganoong bansa habang patuloy sa pagtindi ang pakikipag-upakan ng Israel sa mga kapit-bansa nito. (Konti man ang sandatahang lakas ng Israel, angat lagi sa salpukan kaya maitatampok muli ang usaping quality vs. quantity population, refined skills vs. numbskulls na usapin hanggang ngayon sa Pilipinas.)

Mahal na ang produktong petrolyo, wala pang maapuhap na mabibili. Mahigit sangkilometro ang pilahan ng mga uhaw na sasakyan saanmang gasolinahan. Kung mayroon mang dumating na panrasyon, tasado sa limang litro bawat sasakyan—bawal mag-full tank.

Naging Pilapinas ang bansa sa ganoong yugto ng kasaysayan.

Pila sa pagbili ng bigas ng dating National Grains Authority (NGA na muntik maging “To All, No Grains Available” o TANGA). Pila sa serye ng pelikula ni Shintaru Katsu bilang “Zatoichi, The Blind Swordsman.” Pila sa pelikulang bomba ni Merle Fernandez at kung sinu-sino pang mahilig magpakita ng ipakikita’t pinagnanasaang nakikita para todo-kikitain.

Taranta ang bansa. Natuliro. Pinatulan ang alok ng China na Shengli crude—na nang maisalang sa dalisayan, pulos alkitran at liquefied petroleum gas ang kinalabasan. Nanikluhod pati kay Col. Moammar Khaddafy ng Libya para may maipantustos na panggatong sa mga hilahod-sa-uhaw na manufacturing at power producing plants sa Pilipinas.

Sapat na marahil ang ganitong litanya ng nakalipas na penitensiya upang mahalukay-ube sa kokote ang mga lider sa public transport sector ng bansa. Sabi nga, it takes a great mind to grasp great things; a small mind can barely grasp its smallness.

Noon man hanggang ngayon, hindi natin marerendahan pababa ang umaalagwang presyo ng krudo. Pandaigdigang dahilan ang nagtatakda ng presyo ng pandaigdigang bilihin sa pandaigdigang pamilihan.

Maidadagdag na wala pang 1% ang Pilipinas sa kabuuang mapagbebentahan ng mga produkto de krudo sa buong mundo. Kaya kahit na itodo ang alburuto, ngawa, ngalngal, at tigil-pasada, matigmak man sa laway ang mga lansangan hindi papansinin ni diringgin.

Isama sa tuusan na pinalis na ng Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Law) ang isang takda. Na kailangang mag-imbak bawat oil company, kooperatiba, tindahan, gasolinahan o kahit na sinong herodes ng hindi bababa sa 90 araw na pantustos na produkto de krudo sa pamilihan.

Wala nang itinatakdang imbak para itustos sa pamilihan kaya nag-iingat naman ang mga umaangkat ng bultong produkto de krudo sa malikot-sa-aparatong paghuhuramentado ng palitang piso-dollar. Sagpang ng dollar (na pambili ng krudo’t produkto de krudo) kahit ilang sentimo lang ang pagbaba sa tumbas ng piso.

Samantala, wala namang palatandaan na sisisid ang halaga ng krudo saanmang panig ng mundo.

Nakaregla pa ring bubulwak sa higit pang pag-angat ang presyo ng krudo. Hindi maampat.

Pasador ang gamit ng kababaihan nitong panahong hindi pa uso ang sanitary napkins. Sa larangang krudo, madugo pa rin ang makikitang hinaharap—tinatayang 60 taon na lang bago masaid ang imbak na krudong makakalkal saanmang sikmura ng mundo.

Sa ganyang kalagayan, walang latoy na tugon sa hinaharap ang tigil-pasada.

Mas angkop yata ang magtipid at iwas-laspag.

Salpak pasador muna.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...