Skip to main content

Poison juices/Katas pantodas (PJI editorial 27 April 2005)

UNDUE strain on renewable resources is something to weep about. Take the underground water reservoirs—the so-called aquifers-- in which subdivision developers drill down into to pump out fit-to-drink water.

Chew this over and hold to your breakfast. Each household uses up 2-3 cubic meters of freshwater a day while it takes a tree one year to replenish a cubic meter of rainwater back into the aquifer. Most real estate developers and subdivision residents don’t bother with such tough equations as striking a balance between growing demand and sustained capacity of aquifers to provide freshwater.

In all likelihood, the once-untapped contents of a subdivision’s underground water reservoirs are used up in just a few years. Even so, Nature detests operating in a vacuum and will find a way to keep the reservoirs filled in with anything handy, anything liquid and juicy that will seep down through layers of soil and rock.

Residents of shoreline areas are not at all surprised pumping out brackish or salt-tasting water from their deep-wells. Once freshwater in coastal aquifers are used up, saltwater oozes in. The process is irreversible.

Further inland, the ubiquitous septic tank in every subdivision household ought to provide ample fluids to grow in zillions of microorganisms—from anaerobic types that release methane and similar gases fit to use as fuel to such deadly types as Clostridium botulinum and E. coli.

Yeah: compressed natural gas (CNG) that can run car engines or provide a dirt-cheap alternative to liquefied petroleum gas (LPG) can be culled off a pozo negro.

C. botulinum and E. coli hogged the day’s headlines. Over 130 people were downed the other day by the former in Pangasinan while a lawmaker’s comely daughter fell dead to the latter.

In all likelihood it’s the ubiquitous pozo negro that’s been giving fluid replenishment to sapped-dry underground water sources. Blame undue population strain on a renewable resource. Blame shoddy environmental planning. Blame ignorance. Blame usual suspects.

In the next few weeks, the rich stew of sludge and sewage that seep their way into coastal waters will touch off a population explosion of sorts in saltwater-dwelling algae. The sea turns red. So there’ll be red tide. A few deaths here and there from paralytic shellfish poisoning ought to make it to the news.

We can toss the blame on having too much of Malabanan juice.


------------------------------------------------------
Katas na pantodas (*Filipino translation)

TODO piga ang natatamasa ng ating mga likas na yaman. Halimbawa ang mga bukal ng tubig sa kailaliman ng lupa—ito ‘yung tinatawag na aquifer – na kakalkalin, sasalpakan ng tubong deepwell ng real estate developers para mapagkunan ng tubig.

Pag-isipan ‘to kahit sisikad ang sikmura. Lalaspag ng 2-3 cubic meter ng tubig ang isang pamilya sa isang araw samantalang aabot santaon ang isang puno para maipanumbalik sa aquifer ang 1 cubic meter ng tubig. Hindi na nasisipat ang ganitong pagtimbang ng mga bagay-bagay para magparehas ang pangangailangan sa tubig at ang kakayahan ng lupa na magtustos ng tubig.

Madaling maunawa na sa loob lang ng ilang taon, tiyak na said na ang imbak na tubig na hinuhugot sa kailaliman ng lupa. Pero kikilos at kikilos ang Kalikasan para punuan ang kawalan ng kahit na ano, kahit na anumang likido o katas na padadaanin sa salaang lupa at batuhan.

Sa mga lunan na kalapit ng tabing-dagat, hindi na magtataka kung tabsing o alat na ang tubig na inilalabas ng kani-kanilang poso. Kapag nasaid ang tabang na tubig na imbak ng coastal aquifer, tiyak na aagas doon ang tubig-alat. Hindi ito mapipigil.

Sa mga lugar na malayo sa tubig-alat, ang poso negro ay nagtataglay ng kakayahan para magpalago ng sandamakmak na mikroorganismo—mula sa uring anaerobic (hindi kailangan ng hangin para huminga) na lumilikha ng methane at iba pang gas na magagamit na panggatong, pati na ang mga mapanganib na uri na gaya ng Clostridium botulinum at E. coli.

Magagamit ang compressed natural gas (CNG) mula pozo negro bilang gatong sa makina ng sasakyan, ubrang pamalit din sa liquefied petroleum gas (LPG).

Naging tampok sa balita kamakailan ang C. botulinum at E. coli. Mahigit 130 katao ang pinabagsak ng una sa Pangasinan samantalang isang marilag na anak ng isang mambabatas ang kinitil ng huli.

Malamang na katas mula pozo negro ang tumatagaktak at sumasalin sa mga tubig-imbakang aquifer. Sisihin ang sobrang siba ng populasyon sa tubig. Sisihin ang palpak na plano o environmental planning. Sisihin ang kapos na kaalaman. Sisihin ang mga dati nang suspek.

Sa mga susunod pang linggo, ang tagas ng mga pantodas na katas ay magpapalago sa samut-saring mikrobyo sa bahaging tubig ng aplaya. Magkukulay pula ang dagat. Red tide ang tawag. May ilang masasawi sa paralytic shellfish poisoning—tiyak na magiging laman ng balita.

Sige na nga, sisihin ang sobrang katas na pantodas sa ating mga kabahayan.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...