HIGIT na malaki ang Maynila kaysa Singapore.
May limang oil refineries sa Singapore, kasama na ang mga dambuhalang imbakan ng mga produkto mula krudo na pantustos sa pangangailangan ng fuel markets sa Asia-Pacific basin.
Hindi kailanman binagabag ng pamahalaan ng Singapore ang oil refineries sa kanyang teritoryo. Busog pa nga sa tax incentives ang mga ito. Para mapag-ibayo ang kakayahan sa kompetisyong panrehiyon. Para mapahusay ang ambag nito sa ekonomiya ng Singapore.
Samantala, halos 100 taon nang nakatindig ang mga imbakan ng mga produkto mula krudo sa isang may 50-ektaryang bahagi ng Pandacan, Maynila. Matagal nang naitakda ang gamit ng naturang lawak ng lupain bilang industrial zone - hanggang sa unti-unting mapaligiran ng kabahayan ang itinakdang pook-imbakan.
Nitong 1988, nagkasunog sa kabahayang kanugnog ng mga naturang imbakan. Agad na nakasaklolo ang mga kawani at namamasukan sa mga kumpanya ng langis na naroon. Walang 20 minuto, naapula ang apoy. Ni hindi dumaing ang mga taga-imbakan na mitsa ng panganib ang kabahayang nakapaligid sa kanila.
Naisangkalan ng pamunuan ng Maynila ang naganap na pagsalakay ng mga terorista sa mismong dibdib ng Amerika para igiit na mitsa ng panganib ang mga imbakan ng petrolyo sa Pandacan. Posible raw mangyari na salakayin din ng mga terorista ang Maynila - itinuturing na kaibigang matalik ng Amerika.
Naglatag ang sangguniang panlunsod ng kautusang ultimatum para palisin sa Pandacan ang mga imbakan. Kung nangyari ang pag-alis ng mga imbakan, mawawalan ng silbi ang may 50-kilometrong oil pipeline mula oil refineries sa Batangas tungo sa mga imbakan sa Pandacan. Sa naturang pipeline dumadaloy ang iba't ibang produkto mula krudo - tipid na paraan sa transportasyon.
Sakaling napalis sa Pandacan ang mga imbakan, lumipat sa industrial zones ng Subic o Clark, mapipilitang ikarga sa trucks at lorries ang mga produktong petrolyo na pantustos sa pangangailangan ng Maynila at iba pang lunan sa Luzon. Dagdag na gastos ang ganito sa transport, insurance, fuel at manpower costs. Masasakal pa ang fuel supply - saklaw ng truck ban ang oil trucks at lorries.
Iniulat sa isang pagsusuri ng Asian Institute of Management na higit sa 900 oil supply trucks ang idadagdag sa kasalukuyang bilang ng lorries para manatiling normal pa rin ang agos ng produktong petrolyo sa Metro Manila at kanugnog na lunan.
Posibleng dagdag na piso por litro sa produktong petrolyo. Ganito ang pangmatagalang bunga ng paglisan ng mga imbakan sa Pandacan. Hindi ito nasipat ng pamunuan ng Maynila.
Samantala, maigigiit na kaibigang matalik ng Maynila ang Amerika. Kahit iba ang interes ng Pilipinas, iba ang interes ng Amerika. Tahasang magkaiba.
Talagang buhay pa rin ang colonial mentality. Balakid ang ganitong kaisipan para matukoy at maisulong ang para sa kapakanan ng Pilipino - na tahasang bukod sa kapakanan ng Amerika.

Comments