KATAGANG ugat na Sanskrit ang pinagmulan ng salitang “karma” – mula sa kri o “gumawa.”
Sa katuturan ng karma mas mauunawa: matimbang pa rin at higit na tumataga ang gawa kaysa ngawa.
Nag-iiwan ng malalim na gatla sa katangian ng pagkatao ang gawain. Sa gawaing sinimulan, matutukoy ang naghihintay na kapalaran. Matitiyak pati ang kinabukasang patutunguhan.
Nahuhubog sa pinagsama-samang gawain ng mga mamamayan ang karma ng bansa. May pambihirang lakas ang sama-samang gawa. Pumapanday sa kasaysayan. Nagtatakda sa kahihinatnan ng sambayanan, pati ng mga susunod na salinlahi.
Tiyak ang bunga ng bawat gawa: masasabing tatlong ibon ang sapol sa iisang pukol. Bawat ginawa -- mabuti man o masagwa -- tatlong bukol ang nakatakdang gantimpala. Tatlong isda ang huli sa lambat ng bawat gawa.
Una: Kung ano ang ipinunla, iyon ang matatamasa. Magtanim ng masamang hangin, utot ang aanihin, mwa-ha-ha-haw!
Ikalawa: Iginagapos ng isinagawa ang ulirat (kamalayan o consciousness) sa walang humpay na daloy ng mga susunod pang gawa at mga kalakip na ibubunga nito. Kung ginhawa, tuwa, ligaya, pagmamahal ang tanim, ganoon ang aanihin; kung dusa, sakit, pambubusabos, kamatayan at sama ang isinuksok, iyon din ang madudukot.
Ikatlo: May latak na tumatatak sa utak. Humahawa sa katawan, pati sa kaluluwa. Delikado ang mga hindi kanais-nais na emosyon. Tulad ng galit, inggit, takot, poot at inis na kasanib sa aksiyon. Nag-iiwan ang ganito ng mga binhi ng samut-saring sakit at karamdaman. Kadalasang uusbong at yayabong ang ipinunlang kamandag sa kung saan-saang bahagi ng katawan. Karaniwang sa bato, atay, puso, ulo, sikmura, at tuhod.
Mababanaag ang karma o pinagkakaabalahang gawain ng sambayanan mula sa lumililitaw na top three killers sa Pilipinas -- cardiovascular diseases (sakit sa puso), cancer, at coronary stroke (kaugnay na sakit sa puso). Sa pananaw ng medisina, lifestyle diseases daw ang mga ito. Mga karamdamang nag-ugat sa gawi ng pamumuhay. Maraming naging talamak sa pamumuhay ng Pinoy.
Ubra ding sipatin ang paglaganap ng mga ganyang karamdaman sa punto ng karma o ginagawa ng sambayanan. Umiiral pa rin ang ang galit, inggit, takot, poot at inis. Naging bahagi na ang mga ito sa pamumuhay ng sambayanan.
Nakalkal natin sa isang sinaunang akllat mula India, ang Manu-samhita: sumasalin sa pinuno ng bansa ang ika-anim na bahagi ng kabuuang karma ng sambayanang pinamumunuan. Simple lang: the President gets one-sixth of the total national karma, including joyous or heinous effects.

Comments