MANGKOKOLUM
Nakasumpong minsan ng palos o sea eel sa Farmer’s Market, Cubao. Wala nang baratan. Kagyat na binayaran. Buhat sa puwesto ng mga isda, lipad agad sa mga tindahan ng gulay. Naghagilap ng mga sangkap sa putaheng tila kidlat na gumuguhit sa utak – palos na nakagumon sa salsang tausi, sangke, luya at wansoy. Sarrrap!
Naulit ang ganoong lintik-sa-bilis na paghahagilap ng mga pansangkap. Doon sa pamilihang bayan ng Maddela, Quirino. Nakasumpong ng isdang ludong. Tila ba nakatagpo ng mutyang nililiyag, inihanap agad ng angkop na gayak. Upang maitanghal at malantakan sa hapag.
Samut-saring hilaw na halimuyak ang likaw na naglisaw sa palengke. Tambad ang talaksang hilaw na sangkap. Malimit na may sansang ng putik at alikabok. Pero naroon ang mga paanyaya para lumikha ng dagdag na halaga. Doon masasapol ang katuturan ng tinatawag na salimbayan ng mga unawa – ang buhawi ng buhay sa marketplace of ideas.
Nasuob man sa lansa at sansang ang mga lumulusong sa palengke, tal...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.