Skip to main content

Aanhin pa ang kabayo kung patay na ang damuho

Aanhin pa ang kabayo
kung patay na ang damuho?

PULOT, darak, tubig saka grassolina - ganoon ang kailangan para maipasada ang one-horsepower kalesa.

Magbawas man ang damuho sa kalsada, mag-uunahan ang mga mahilig maghalaman sa deposito de caballo. Organikong abono na mahusay sa halaman ang tuyong dumi ng kabayo.

Hindi rin parusa sa bulsa ang mga sangkap para manatiling in good running condition ang kabayo. Susulak sa inggit ang mga hinayupak na oil multinationals: grassoline is crude as crude gets and is immune from such phenomena as OPEC production cuts, price backwardation or contango, manipulated landed costs and stiff excise taxes, mwa-ha-ha-haw!

Grassoline is nearly pure cellulose, a little lignin laced with lots of chlorophyll, vitamins A, B-complex and C, minerals and phytochemicals - nagtusak sa tabi-tabi ng mga ilog, parang, sapa at pilapil. Ibig lang sabihin: totally compliant sa Clean Air Act ang grassoline fuel for the one-horsepower kalesa. Now, that's state-of-the-art, earth-friendly fuel!

C'mon guys, meron pa ring 0.03% na tetraethyl lead - ang consuelo de bobong nakakabobo -- ang tinatawag na Clean Air Act-compliant gas, asereje-he-he-he!

Ah, how I terribly ache for my beloved angel who sings me that grade-school song: "Tayo'y sumakay sa kabayo, mabilis tumakbo ang kabayo ko, tulad nito ay ipu-ipo...bilisan ang pagtakbo."

Haay, San Lazaro at Sta. Ana, sana ay ipinag-adya ninyo kami sa sandamakmak na TARANTODA - na ngayon nga ay naglipana. Naging mabigat pang problema ang 2T- two stroke motor oil na tahasang labag sa alituntunin ng Clean Air Act, isa na namang de-pustisong batas. Walang kagat -- no wisdom tooth. Sumingaw na utot.

Yeah, there's this sinking feeling that dentally deficient laws can only be made by mentally deficient lawmakers, pwe-he-he-he!

Then again, hindi talaga masinsinan ang tuusan ng tinatawag na eco-environment tradeoffs nang isalang sa ating mga lansangan ang mga angkat na motor - na lalamon ng 2T-two stroke motor oil.

Balik-tanaw na lang ang pagtutuos. Ni hindi kailangan ng kahit singkong duling sa pantustos na grassolina sa kabayo. Mabigat din sa bulsa ang gatong-pampasada ng TARANTODA. Walang magagawang pinsala sa kapaligiran kahit utot ng kabayo; ni hindi papalo sa 20 decibels ang halinghing o singhap nito. Higit sa 50 decibels - noise pollution talaga - ang dahak-motor ng TARANTODA; lason ang buga ng tambutso nito.

Aanhin pa ang kabayo kung patay na ang damuho? Sabi nga ng mga Gutom Jones, "I'm so famished I could eat a horse." Kahit makunat, masarap ang tapa nito na dating lihim na sangkap ng orig Blumentritt version ng tapsilog (tapa-sinangag-beklog).

Mayaman sa mineral na iron at mikrobyo ng tetanus ang motor ng TARANTODA. Sige, subukang lapangin ang kinalawang na tricycle, mwa-ha-ha-haw!

Taas-noo ang kabayo sa halinghing: in oriental semiology, the horse represents the unfettered, footloose and fancy-free. Idadahak ng TARANTODA: this machine represents dollar outflows and dependence on imported spare parts and imported fuels. In short, walang pakabig, puro tulak-palabas.

The horse connotes dignified horse sense - that's why you can bet on it. What about the TARANTODA machine? Renda't bentang benda ng dayuhan sa utak ng Penoy bugok, mwa-ha-ha-haw!

Ah, how I terribly ache for my beloved angel who sings me that grade-school song: "Tayo'y sumakay sa kabayo, mabilis tumakbo ang kabayo ko, tulad nito ay ipu-ipo...bilisan ang pagtakbo."

"Ma" ang unang pantig na bibigkasin ng bawat musmos. Katuturan niyon sa wikang Tsino: kabayo. "Mama" ang kasunod na pantig na iigkas na salita ng kawalang-malay. Oo, kambal na kabayo ang katuturan ng ina sa gayon ding wika. No, I'm not horsing around here. There's beautiful significance in nuzzling up such root words.

Inungkat ni Mars (isang blackbelt karateka, masugid na tagasubaybay at may-ari ng Sanitary Laundry sa South Calookan City) kung nagamit na ng kulamnista ang iniingatang lihim sa sining-tanggulan.

"Ma tai feng" ang tawag sa umigkas na kaalaman. "Abundance of peaceful horses" - naglisaw na mga kabayong tiwasay ang katuturan niyon. Naibali ng tuhod ang paraan na may sangkap na lakas-diwa ng kabayo.

Ah, how I terribly ache for my beloved angel who sings me that grade-school song: "Tayo'y sumakay sa kabayo, mabilis tumakbo ang kabayo ko, tulad nito ay ipu-ipo...bilisan ang pagtakbo."

Hee-yaah! Pagpalain ng biyaya ng Lumikha ang bawat masikap at maatikha!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...