Skip to main content

Sukat ng puso

ITIKOM ang kamay. Sinlaki ng nabuong kamao ang sariling puso—tambor de sangre, tambol ng dugo. Pero parang paru-paro o pulang mariposa na apat ang silid o apat na piraso ang marupok na pakpak.

Ang sukat ng isang tao ay matatagpuan daw sa kanyang puso, ayon sa sawikaing Latin.

Paano nga ba susukatin ang pagkatao kung sinlaki lang ng kamao ang taglay niyang puso? An open palm may be a fitting symbol for an open mind that can grasp, let go of any matter at hand. A clenched fist is obviously the sign of a tightwad.

Pansinin din na kabilang sa tatlong pinakamabangis na killer disease sa bansa ang sakit sa puso. Traydor na sakit daw ang atake de corazon. Makakalkal sa mga nakalipas na ulat na ang mga nasa dapit-hapon ng edad ang madalas na salakayin ng kanilang puso. Baka pinabayaan. Baka hindi kaya ang ibabayad sa triple heart by-pass o angioplasty.

Tiyak na marupok ang puso ng mga nabiktima. Kabilang sa mga gawain para sa mga may tibay sa puso ang marathon, mahabang lakaran, umaatikabong harumpakan, pag-akyat sa bundok, long-distance biking. Pero hindi lang pagtunaw ng mantika sa dibdib at pagwaksi ng pusakal na cholesterol sa dumadaloy na dugo ang pagsukat sa puso.

Pansinin ang larawan ng Sacred Heart of Jesus. Gapos ng koronang tinik, tila lamparang may liyab at may nakatusok pang balaraw sa kakatwang puso. Mga sagisag yata ito na nahukay noon pang unang panahon, inilapat sa larawan upang magpahiwatig sa tibay ng dibdib.

Umaalingawngaw ang mga nakalarawang sagisag sa katagang shinja o ninja. Oo, sila nga ‘yung mga upahang pusakal sa isang karumal-dumal na yugto ng kasaysayan sa Japan.

Pusakal mang ituring, ang tahasang katuturan ng ninja ay “taong nakasuksok ang patalim sa puso.”

Baka kung anu-ano pang abubot ang nakasalaksak sa puso. Na tiyak na bubulwak, bububo sa dumadaloy na dugo. Babahid sa buong pagkatao ng may puso.

Anu-ano ang malapit sa ating puso? Anu-ano ang mga nakaangkas sa pulang mariposa na pabigat sa pagaspas-lipad ng bagwis nito?

Sa isshin ryu na isang karate style, “buong puso” lang ang talagang katuturan. Pusong watak-watak ang tahasang pinapanday sa matiyagang pagsasanay. Pagbuo lang sa wasak na puso ang pakay. Magugunita ang sawikaing Latin na sa puso masusukat ang tunay na pagkatao.

Go into deep meditation. Look deep into your heart. Anumang mga larawan ang nakatanim doon ang magtatakda ng iyong kapalaran, ng sukatan ng iyong buhay.

This bit of initiation into an arcane know-how has been brought to you by Ama, yeah, para makaiwas-pusoy daw sa traydor na atake de corazon at blood pressure maintenance drugs na tumatabo ng mahigit $30 bilyon taun-taon sa mga tinalikdan na ng sarili nilang puso pero tiyak na uupakan din sa kalaunan.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal