Skip to main content

Tubig

NAKATOKA sa ‘kin ang pagbabayad ng tubig para sa bahay. Kayang-kaya ng bulsa ang pumapatak na P500 lang sambuwan. Sulit na sulit naman ang bayad—pampaligo ng mga aso ang naipambanlaw sa washing machine, pandilig ng halaman ang pinaghugasan ng pinggan o pinaghandaan ng lutuin. Pati hugas-bigas, mapapakinabangan pa ng mga halaman sa paso.

Binata pa raw si Ama nang sa artesian well siya sumasalok para pumuno ng santuong sa araw-araw. Baka katumbas ng sambariles na krudo ang isang tuong. Naglalaman ang bawat bariles ng 42 gallons o 159 litro—kasukat ng isang tabo o bote ng Coke litro ang sanlitro.

Kasukat ng siyam na puno ng niyog ang inihulog na mga tubong bakal sa kailaliman ng lupa hanggang makasuksok sa aquifer o likas na imbakan ng tubig sa kailaliman ng lupa. May kabigatan ang pambomba ng tubig (tatlong metrong habang solid na lawaan) na karugtong ng naturang siyam na pirasong bakal na sintaas ng niyog.

Para daw makakalas ang kili-kili’t matutungkab ang gulugod sa sunud-sunod na pagtimba ng tubig. Ikakapit ang kanan o kaliwang kamay sa mabigat timbaan, iaangat, ibababa. Angat-baba-angat-baba-angat-baba. Parang hinahatak daw ang kalamnan sa baywang sa pagtimba. Kapag nangawit ang kanang kamay, kaliwa naman ang isasalang sa ganoon pa ring rhythm at imbay ng katawan.

Para daw dahan-dahan, napakahirap na pagbunot at pagsakyod ng baling sungay o balisong. Ganoon daw ang pagtimba. Ganoon daw ang masasalin sa muscle memory mula sa ganoong gawain. Anong uring kaalaman ang ilalaman sa laman ng ganoong gawain?

Abot lang sa 13 kilo ang bigat ng sambaldeng tubig. Sampares na balde na isisingkaw sa balagwit o pingga— apat o limang buko ng tilad na kawayan ang haba. Hindi basta kawayan. Dapat na uring bayog o tinikan na lalong pinakunat sa apoy at unti-unting hinubog para maging mainam na pingga o shoulder pole. Kailangang higit sa 26 kilo o mga 60 libra ang load-bearing capacity o kakayaning bigat ng pingga.

Lagpas lang daw sa isang kilometro ang layo ng igibang poso sa pagdadalhang bahay. Salitan lang daw ang kanan at kaliwang balikat sa pagbalagwit. Para pantay lang ang parusa at kikimkiming pananakit ng kalamnan sa gulugod, leeg at balikat.

Sandosenang balikan lang daw, puno na ang tuong. Sapat na ang naisaling laman para sa isang araw na pangangailangan sa tubig.

Kapag nasimulan ng alas sais ng umaga ang igib, tapos daw ang igiban bago pumalo ang alas nueve. Nakakasumpong daw paminsan-minsan ng magpapaigib. Dalawang piso isang hakot. P24 ang katumbas ng isang tuong na pinuno hanggang umapaw sa loob lang ng tatlong oras.

Papatak pala ng P720 sambuwan ang halaga ng pang-araw-araw na pangangailangan sa tubig ng mga panahong iyon. Mga taon ng 1970.

Parang katad daw na hasaan ng labaha ang kalamnan sa likod at balikat ni Ama nang una silang magkakilala ni Mama.

Ikatlo ako sa kanilang naging supling. Natokahan nga na magbayad ng tubig. Tubig na mula sa gripo, sampihit lang meron na. Kayang-kaya ng bulsa ko ang parusang P500 sa sambuwang konsumo ng tubig. Asenso na talaga ngayon.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...