Skip to main content

‘Pag may tahong, may sagot

UMUUSOK pa ang higit sandosenang tahong nang ihain sa harap. Malasado lang—na tahasang hinihiling sa mag-iihaw. Bahagyang nakabuka ang takip para hindi lubusang lantad ang malarosas na laman. Masining na nakahanay sa dahon ng saging na isinapin sa lalagyang munting bilao. Pumailanlang at humaplos sa ilong ang sanghaya ng tabsing, ng tubig-alat na pinagmulan.

“Bakit ba ang hilig mo sa tahong?” untag ng naglapag sa hapag ng pulutan. Kasunod ang paglapag-himas ng kamay nito sa isang hita ng sumisimsim ng Cerveza Negra. Totoo talaga ang kasabihan. The hand is faster than the thigh.

Muntik mapaigtad sa mainit-init na dampi ng laman ng kausap. Nagtimpi’t nagpaliwanag: “Pampatigas daw. Saka masarap. Mura pa. Ganitong ganito pa ang hitsura ng malinamnam na… basta malinamnam din.”

“Hindi totoo ‘yan. Ba’t wala pa ‘kong nararamdamang tumitigas?”

Inilawit ang dila: “’Ta’mo naninigas na nga ‘tong dila ko. Epekto sa pagkain ng tahong.”

Napangiti ang mata ng serbidora sa tinuran. Maharot at nanunukso ang ngiti sa labi, ay, luv ya majora… “Mas masarap ang tahong ko.”

“Baka masaid lang ang katas ng tahong mo kapag sinisid ko ‘yan,” maagap na sukli sa pakli na tila may kung anong patutunguhan.

“Marunong kang sumisid doon?”

“Basta walang red tide, ha?”

Humagikgik ang gaga, parang inaantok na ang mga matang nagpapatianod sa anumang patutunguhan ng biruan. Tuloy tuloy na siguro. Diretsahan na’t mauuwi sa biglang liko. Kung baga sa dinamita, tahong ang mitsa. Masisindihan. Sasagitsit para sa inaasaha’t hindi mapipigil na putukan.

“O ano?” hamon ng naghain.

“Ikaw. Baka mapasubo ka,” iglap na salag.

“Isusubo ko talaga!”

Mangungunyapit ang tahong sa anumang makakapitan nito. Mismong mga himulmol sa tila nakangangang bunganga ang ilalapat na mahigpit sa anumang makakapitan. Maaaring tipak ng bato, tulos ng kawayan o sampayang lambat. Ibubukaka ang kakatwang bibig para sumagap ng samut-saring pantustos-buhay—karaniwang detritus o mga mumunting tipak ng organikong basura para maitawid ang gutom.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...