Skip to main content

Colostrum

HINOG na ratiles ang nakatampok sa katamtaman na laking milon. Ganoon ang humulagpos na dibdib nang matanggal ang kawit ng pantakip nito. Pero hindi sa kanyang sanggol ipasisimsim anumang nalalabi pang patak ng colostrum at kasunod na bukal ng gatas.

Wala sanang aantig na anuman kung tagakatas lang sa gatas-ina. Maaandap, mag-aatubili kung tagakasta ng ina.

Ngunit may kani-kaniyang matinding kailangan na dapat tugunan sa pagkakataong iyon, sa panakaw na pagtatagpong iyon.

“Tula! Kahit tahong na tula. Sabawan mo nang marami. Samahan mo ng maraming dahon ng malunggay. Para laging sanlitro ang reserbang laman nito,” anang lalaki sabay hagod sa kaliwang dibdib ng kausap. Masuyong paghagod para madama ang mainit na tibok ng kaba at kutob.

Pero matatag sa hawak ang nakaumbok na laman. May gatas at gatong na palaman. Masisindihan. Magliliyab.

Akmang lalapit ang ngusong may walis-tambok para itutok sa tuktok na tampok. Dahan-dahang napasunod-nguso sa suso; dahan-dahang padausdos na inilapat ng hubad na kausap ang kanyang likod sa higaan.

“Kailangan ko ng pambili ng gatas. Para sa anak ko,” bulong nito, nakapikit, iniiwas na maiharap ang mukha sa kausap. Ayaw pahalik marahil.

“Ano ba’ng laman ng suso mo? Hangin?”

“Konti lang kasi ang laman,” asiwang sagot.

“Malaman ‘tong mga suso mo, ‘day! Hindi ka lang kasi nagpapasuso. Mas tatambok ‘tong mga suso mo ‘pag regular kang magpapasuso. Saka hindi ka agad mabubuntis. Ayaw mo no’n?”

“Wala akong oras kasi,” salag nito.

“Ano’ng walang oras, meron ka namang suso?”

“Maaga ang pasok ko sa inuman mo, ‘no. Pa’no ko magpapasuso? Dadalhin ko’ng bata do’n?”

“Kaya sa ‘kin ka na lang magpapasuso?”

“Hindi. Gagatasan kita!”

“Ang angas mo, ‘day!” Pasubsob na sumibasib sa nakaumbok na tampok, na nanigas na sa nagsusumiksik na lamig ng inupahang silid. Tila sanggol na hayok, sumupsop na tila humihitit ng kamandag sa nag-uumpugang bundok.

Sumiyap siyang tila nawalay na inakay. Bahagyang dumaing, tila sanggol na mag-aapuhap sa dibdib ng ina ng banayad na lagablab at lagaslas ng katas.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...