Skip to main content

Lawit ni Kamatayan

SIYAM daw ang buhay ng pusa. Lima ang aming alagang pusa. Lumilitaw na 45 buhay-pusa ang inaaruga sa aming tahanan.

Kilalanin natin sila. Puting-puti si Shampoo, pinakamatanda sa kanila. Kinuha ang pangalan mula animé, sa Ranma ½. Babaeng isinumpa na nagiging pusa si Shampoo kapag nababasa, batay sa takbo ng kasaysayan sa naturang palabas. Pinapaliguan namin noon sa banyo si Shampoo. Kahit minsan, hindi nagbago ng anyo para kami makapag- work a broad. Opo, work a broad.

Bunso si Bonyat na puting-puti rin sana kung walang bonyat o munting tumpok ng balahibong itim sa noo. Hindi na namin matiyak kung sino ang nanay ni Bonyat. Tatlo kasi ang sinususuhan, sina Shampoo, Pin Yin at Toyang. Kuting pa ang damuho pero dalawa nang ibong maya ang nasisila nito. Matagal na paglalaruan ang nahuling ibon saka lalapain.

Puti si Toyang na asul ang mata. Anak ni Shampoo. Madalas maglambing, paminsan-minsan ay nakikisukob sa kumot kapag natutulog ako. Pinulot ang pangalan niya sa kanta ng Eraserheads.

“Baybay” at “tunog” ang kahulugan ng Pin Yin na isang paraan para maisalin sa computer ang baybay-tunog ng wikang Mandarin. Paraan din ang Pin Yin para lubusang malinawan ng mag-aaral ang wastong bigkas ng mga katagang Mandarin. Katulad ito ng IPA o International Phonetic Alphabet transcription para naman mapanuto ang bigkas sa mga katagang English.

Kilabot nga pala ng maya, bubuli, palaka at bubuwit si Pin Yin, babaeng supling ni Shampoo. Itim na itim at mabalasik ang pukol ng tingin. Madalas ding mahambalos ng walis ni Mama dahil mahilig ding mang-umit ng pitso ng manok o gilit ng bangus, hito o galunggong, pati tipak ng kalabasa o putol ng sitaw at kangkong.

Bathaluman ng Awa si Kwan Yin, anak ni Shampoo. Pero barakong pusa na kilabot naman ng mga dagang bukid, sinlaki niya halos ang mga iniuuwi. Gumagalugad sa labas ng pamamahay. Gawak na ang tiyan. Ubos na ang laman-loob. Pugot na rin ang ulo. Kailangan na lang laplapin ang balat kung sakaling nais iluto. Puwedeng adobo o sinugba dahil hindi naman nakakadiri ang kinakain ng daga sa parang.

Pampaamo raw sa pagpasok ng kasaganaan ang puting pusa. Mula feng shui ang ganoong pamahiin. Panlaban naman ang pusang itim sa masamang alimuom o pamatay na singaw mula kailaliman ng lupa. ‘Yung tinatawag na may geopathic stress o ugat na dinadaluyan ng maruming tubig. Panganib kapag nakatirik ang bahay sa ganoong lugar. Nagpupunla daw ng maagang kamatayan ang geopathic stress. Nagiging sanhi ng tumor, kanser, diabetes, sakit sa puso at iba pang kalawit ni Kamatayan sa mga nakatirik sa ganoong lugar. Pati sa mga nasa paligid nito.

Hindi matatawaran ang pakinabang sa aming mga pusa, batay sa mga naturang paniniwala. Pati pala kalawit ni Kamatayan, ginagawa nilang lawit ni Kamatayan.

That’s why I love pussy.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...