Skip to main content

Halimuyak ng lupa

HINDI nagpaunlak si Ama sa paanyaya nina Tita Soledad at Tito T.T. Antonio na manuluyan siya sa bakanteng condominium unit sa may Buendia Avenue, Makati. Kahit walang bayad, talagang ayaw pumayag. Kahit pa ubrang magdala ng Magdalena para malahian, ayaw.

Bentahe nga naman na walang makikialam. Walang manghihimasok. Walang magmamasid ni susubaybay na kapitbahay o kalapit-pinto kapag nakatira sa ika-10 palapag ng gusali. Tiyak na kahit epikong tula, nobela o anthology ng kuwentutan, tahasang masasabakan at matutustusan ng panahon. Makakarami.

And so popped out that word, anthology. It’s simply a collection of flowers culled off the ground. Malaki raw ang kaugnayan ng pamumupol ng mga bulaklak mula sa pisngi ng lupa.

Sabi nga, you’ve got to stop and smell, deflower.

Masasagap daw sa itaas ang bawat bunton ng isusukang usok at asap mula mga tambutso sa lansangan. Pati na alimuom at alinsangan. Paitaas pumailanlang kasi ang mainit na hangin. Ganoon sa mga lungsod.

Kaiba sa bundok. Mas manipis na ang hangin at atmospheric pressure sa rurok. Mas malamig sa tugatog.

We’ve heard this one before: A change in altitude inheres a change in attitude. And attitude counts a lot more than aptitude.

Ganoon ang katwiran ni Ama kaya mas nakahiligan ang pagpanhik sa bundok kaysa sa mga dambuhalang condominium na gusaling sinuputan daw ng condom. Kaya kahit anyong nakatirik sa tangkang pagbiyak sa pisngi ng langit, walang mararamdamang sarap. What a waste of a huge erection!

Meron daw mayuming daloy ng kuryente ang lupa. Telluric currents daw. Dragon currents naman ang tawag ng mga may kaalaman sa feng hsui. Kapag itinugma ang latag ng pamamahay at pamumuhay sa daloy nito, tiyak na maamo ang magandang kapalaran at pihit ng mga pagkakataon sa mga namamahay.

Pampalakas at pampautog, oops, pampalusog daw sa katawan ang kuryente sa lupa. ‘Yun daw talaga ang dahilan kaya umiiral kay Ama ang nag-uumapaw na makamundong pagnanasa.

‘Yun din daw ang lihim ni Antaeus, supling ng dagat (Poseidon) at daigdig (Gaia) na habang nakatuntong ang anumang bahagi ng kanyang katawan sa lupa, mananatili ang kanyang kahindik-hindik na lakas.

Paliwanag nga sa Wikipedia: “ Antaeus is a symbol of the spiritual strength which accrues when one rests one's faith on the immediate fact of things.”

Nagapi lang si Antaeus nang iniangat ito saka sinakal habang hindi nakayapak sa lupa.

Mas mainam daw na nakayapak sa mismong lupa. O lubusang nakalublob ang mga paa sa lupa. Susi raw ito upang mabigyan ng aserong bagwis ang isipan. At pumailanlang naman ang diwa sa kawalang-hangganan ng himpapawid at kalawakan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...