Skip to main content

Para maiba naman

NAGMUNGKAHI minsan ang yumaong Lee Han Kiad. Mas kilala siya bilang Peter Lee na mahusay sa tennis at pagiging restaurateur. Mahusay ang mungkahi. Sa halip na dumagdag pa sa buhol-bulbol na usad-trapiko para madalaw ang puntod o libingan ng mga namayapang mahal sa buhay, pabayaan natin na tayo naman ang dalawin nila. Para maiba naman.

Napulot ng mga matanda sa aming angkan ang kinagawian mula pa sa Mexico. Katumbas kasi ng ating Undas ang magkasunod na araw na Dia de los Muertos sa lupain ng fuerte tequila y sabroso tamale ng mga ale at pinagmulan ng kinalokohang telenovela na Marimar alias Thalia na ang una palang pangalan ay Jenni.

Dumadanak ang pagkain sa piging na kaakibat ng Undas. Todo handaan. Pero mauungkat sa pagdiriwang ng Mexico (ang talagang pinaghanguan natin ng pagdiriwang) na karaniwang mga kinagigiliwang pagkain ng mga dinalaw na mga mahal na yumao ang inihahain. Para makisalo ang mga namayapa sa hindi pa matahimik.

Mga hamak na pagkain ang naibigan at niluluto ng isa kong lolo, si Dominador Gomez. Halimbawa’y inihaw na bulig o mga mumunti pang dalag na maisasawsaw sa kinatas na murang sampalok at bagoong Pangasinan. Pinapaitang kambing o kappokan na ang sabaw ay finely digested grass at samut-saring lactic acid bacteria sa katas mula dinding ng maliit na bituka ng kambing—the fully processed food of a ruminant about to be absorbed into the bloodstream. Wickedly delicious!
Isama ang ginataang murang dahon ng dapdap o red coral tree na ang malambot na kahoy ay inuukit, ginagamit na maskara ng mga kasali sa Moriones Festival ng Marinduque.

Pati cabra calderetta-- kalderetang kambing na iginisa muna sa saganang mantekilya.

Idagdag ang burudibud o pinakbet na may sangkap na bunga ng malunggay saka kamote para manamis-namis sa panlasa. O kahit pinakbet na bagnet mula Vigan o inasin mula Bontoc ang pangunahing kalahok.

Magugunita ko si Lolo Domeng sa mga ihahanay na ganoong pagkain sa hapag-kainan. Matingkad na mga gunita na mangunguya, lalasapin sa panlasa.

Sa aking pakiramdam, magkasama naman si Lolo Domeng at Peter Lee. Doon na sila magtatagpo. Tiyak na magkakasundo sila sa paglikha ng mga makagigiliwang lutuin. Pati sa pagtikim-tikim sa luto ng langit.

Sana’y magkasundo silang dalawa. Na gawin naman ang payo ni Peter Lee. Sila naman ang dumalaw sa kanilang mga naiwan—at busugin kami sa kanilang ihahandang kung anu-anong malalapang.

Tiyak na mabubusog kami pati sa makukulay, masasarap na ala-ala!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...