Skip to main content

Magnanakaw ng panahon

MAGSASALITAN lang ang maghapon at magdamag sa 24 oras. Na aabot sa 613,200 oras sa loob ng 70 taon, karaniwang haba ng buhay ng tao sa Pilipinas.

Walong oras ang nalalagas sa 24 bawat araw—kailangang ilaan sa mahimbing na tulog para sa lakbay-diwa, sabi’y para makiugnay sa tinatawag na subconscious. Para higit na maging matalim ang talisik sa kaalaman na tagos hanggang himaymay ng laman.

May nalalabi pang 16. Pero maliligis ang 3-4 na oras sa biyahe tungo sa araw-araw na gawain.

Sandosenang oras na lang! Ilalaan ang walong oras sa daloy ng gawain.

May butal pang apat na oras. Sabihin nang ilaan ang dalawang oras sa mabotehang usapan. Gimik. Investment in social capital. Higit na malaki’t mataas raw ang kita at antas ng pamumuhay ng mga naglalaan ng ganoong puhunan.

Dalawang oras na lang ang mailalaan para sa asawa’t anak at iba pang mahal sa buhay. Bonding. Dalawang oras lang ba sa araw-araw ang maiuukol sa kanila?

Natuos kung paano naubos ang 24 oras, walang nalabi kahit kapirasong sandali. Nasayang ba o lumagong puhunan ang panahon?

Hindi na ako magtataka kung bakit nag-uukol ng mas maraming oras si Ama sa loob ng aming pamamahay tuwing umaga, kapiling si Mama, ang aming alagang mga aso’t pusa. Ninakaw na lang kasi ang panahon na magkapiling sila.

Inuumit na lang din ang panahon para makapanaliksik sa Internet, makapaglaro sa computer, manood ng matinong pelikula, makinig ng mga klasikong tugtugin, magbasa ng aklat, magsinop ng ilang pananim… makipagniig.

Kung iisipin, ninakaw na lang din ang mga sandaling iuukol para bulabugin niya ang Maykapal. Katiting na saglit na aalulong ng kanyang mga pagbati, pagpupugay at pasasalamat sa Lumikha sa mga araw-araw na himala na aming tinatamasa.

Katiting na saglit na lang din ang maitatapon upang mapanday ang talim ng hininga at sigla ng katawan sa qi gong o sining ng taimtim na paghinga.

Saan nga ba maghahagilap ng quality time kundi sa mga nakaw na sandali mula sa bulto ng 24 oras?

Kami-kami na lang sa bahay tuwing Linggo, araw ng pahinga sa karaniwang daloy ng pagiging abala. Ah, may 24 oras na mahuhugot sanlinggong 168 na umaapaw sa samut-saring pagkakaabalahan. May magugugol na 1,248 oras sa singkad ng santaon.

Edad 52 na si Ama, may 18 taon pa kung sakali na magugugol sa pamumuhay—936 Linggo lang o 22,464 na oras na nanakawin. Para iukol sa amin.

Nabubuhay daw ang human cell ng 120 taon under laboratory conditions.

Kahit na 120 taon pang singkad ang ipamumuhay, kailangan pa ring gagapin ang mga humuhulagpos na sandali.

Sabi nga: “Sunggaban ang araw, sunggaban ang oras!”

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...